Chapter 8

171 6 0
                                    

A/N: una sa lahat humihingi ako ng tawad sa mabagal na pagupdate busy pa po kasi ako sa pagpapayaman haha trabaho muna.. And thank you kasi may nagaabang pala ng story na to actually akala ko walang magbabasa dahil hindi naman maganda hehehe thank you.

Tinatarget kong matapos to within this month so sana mahintay nyo po ako. I promise na tatapusin ko to..

Binago ko ung description ng story dahil i decided to change the plot of this story kasi sobrang tagal ko ng di ginagawa to kaya nakalimutan ko na ung original plot nito so I came up with another idea. You will surely love this. Thank you ulit.

Memaria021.















Devs's POV~

Isang week pa ang nakalipas at ganun pa din kami. Hindi na pumupunta si angela sa tambayan namin at hindi na din sumasama sa jam namin. Ung ibang kaibigan ko nagtatampo na sa knya dahil tila pinagpalit na nya kami kina luimel.

Netong mga nagdaang araw lagi syang nakikitang kasama si lui. Nakatambay, kakwentuhan at kumakain sa labas.. Gumagala sa mall.

Iniisip nga namin na siguro ginayuma ng lui si angela..

"Namimiss ko sya kaso pinagpalit nya tayo sa mokong na yon.. Tsk.. Wala talagang forever." Sabi ni aldrin..

"Anu kayang nangyare? Devs alam mo ba?" Tanong ni rica.

"Hindi ko alam.. Yaan nang natin sya." Sabi ko.

Napatingin sakin si abby..

"Nagseselos ka ba?" Tanong nito.

"Bat ako magseselos?" sabi ko.

"Kasi alam naman naming gusto mo si angela ih. Naku devs.. wag mong maisip isip na magsuicide aah." sabi pa nito.

Naisip ko si lhance..

"Wag mo gayahin si lhance.. Kahit na mahal na mahal ko yun naiinis pa din ako sa ginawa nya." Sabi ni rica.

"Mga baliw di ko naman gagawin un tsaka hindi pa naman ganun kalalim pagkakagusto ko sa knya." Sabi ko.

"kilala ka namin. Recently hindi ka na din makausap ng matino.." Sabi ni aldrin..

"Ang daldal nyo. Magreview nalang kayo dahil malapit na ung exam." Sabi ko saka tknuloy ang pagbabasa pero ubg utak ko nasa outer space..

Napabuntong hininga nalang ako..

"Devs.."

Hinanap ko ung boses na yon.. Yung boses na napaka familiar..

"Devs.."

"Lhance? Nasan ka.. Lhance.."

Sigaw ko na patuloy sa paghahanap ng pinanggagalingan ng boses..

Sa paghahanap ko may nakita akong bulto ng isang tao na nakatayo sa di kalayuan..

"Lhance!" Sigaw ko at napatakbo ako palapit dun..

I was about to reach that man ng biglang..

"HOY DEVS!!!!!!"

Napamulat ako ng mata at napalingon sa paligid..

"Si lhance? Nasan sya?" Sabi ko kay aldrin na nakakunot noong nakatingin sakin..

"Anu bang pinagsasabi mo? Wala na si lhance sa mundo. Napanaginipan mo ba sya?" Tanong ni rica.

Nakatulog pala ako habang nagrereview.

"Oo tinatawag nya ko." Sabi ko.

"Naku yan na nga ba ung sinasabi ko.. Baka sundan mo sya ah. Baka mamaya magsuicide ka din dahil broken hearted ka. Devs double dead ka sakin promise.." exaggerated na sabi ni abby..

"Baliw hindi." Sabi ko saka tumayo na.

"San ka pupunta?" tanong ni rica

"Babalik na ko sa room at kayo din dahil anung oras na malalate na tayo sa subject natin." Sabi ko.

Napatingin sila sa relo nila at tila may dumaang buhawi dahil sa bilis nilang kumilos.. In just a seconds wala na sila sa harap ko..

Naglakad na ko pabalik sa room.

Dala siguro ng halos araw araw na pagiisip kaya dinadalaw ako ni lhance sa panaginip ko. Siguro gusto nya kong damayan ngayon..
Bibisitahin ko,sya mamaya pagout.

Mabilis na natapos ang mga oras..
Parang saglit lang natapos na ang klase..

Inayos ko na yung gamit ko..

Lalakarin ko nalang hanggang memorial tutal malapit lang din naman yon..

Naglalakad na ko at hindo ko alam dahil biglang bumilis tibok ng puso ko..

Paliko na ko sa kanto ng memorial ng mapansin ko si angela na naglalakad din sa loob ng memorial..

Dadalawin nya siguro ulit ung dinalaw nya dati..

Sabi ko sa sarili ko.

Napagdesisyunan ko na sundan sya.

Habang sinusundan ko sya pabigat ng pabigat yung hakbang ko..

Bakit ganun..

Bakit iba ung pakiramdam ko..

San ka pupunta??

Yung way na tinutumbok ni angela..

Yun yung way papunta sa puntod ni lhance..

Patuloy ko pa din syang minamanmanan..

Nang sa wakas huminto na sya..

Bakit nasa harap sya ng puntod ni lhance..

Bakit nya dinalaw yung kaibigan ko..

Pinagmamasdan ko sya habang nagtitirik ng kandila dito.. Nakatitig lang sya sa lapida nito..

Naisip ko.. Kaya ba nagparamdam sakin si lhance para dalawin ko sya at para masaksihan ko to?

Bakit nandito si angela..

Napagdesisyunan kong wag nalang munang tumuloy at umalis nalang..

Tingin ko hindi ako mauubusan ng iniisip ngayon..

There's a lot of whys in my head right now..
I wanna know the answer..

Crazy Little Thing Called PantasyaWhere stories live. Discover now