Chapter 44: Adik sayo

5.1K 203 135
                                    

~44~

10PM

"Sigurado ka bang hindi ka matutulog dito, anak? Aba'y gabi na ah," tanong ni Matilda kay Hiro nang magpaalam itong uuwi na. Saglit din nitong itinigil ang paglilinis ng lababo.

Kakatapos lamang ng selebrasyon ng ikalabinwalong kaarawan ni Mason, ang bunsong anak na lalaki ng mag-asawang Matilda at Charles, kaya abala na ang mag-anak sa pagliligpit upang makapagpahinga na din. Kasabay naman ni Hiro na pumunta sa tahanan ng mga Pelaez ang kapatid na si Louie ngunit nauna na din itong umuwi kasama ang mga pinsan nitong sina J at K. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti nang maalala ang sinabi nito.

"Ibinili kita ng beagle ah! Kulang pa ba 'yon? It was actually for you first. Niloloko lang kita kahapon na para kay Mason iyon. It was you who reminded me that he's afraid of dogs. Kaya bumili na din ako ng panregalo ko sa kanya to hide the real reason kahit hindi ako ganoon ka-decided!"

Hindi niya inakalang ganoon din pala ka-thoughtful ang kapatid sa kanya. That was the first time na binigyan siya nito ng isang bagay na makapagpapaalala dito. Bago pumunta sa birthday ay iniwan muna ni Hiro ang aso sa mansyon nila sa pangangalaga ni Adeline na halatang kinatuwaan din ng kanyang ina.

"Okay lang mommy. I'll be safe, don't worry," pagbibigay ng assurance dito ng binata.

"Ingat sa pagmamaneho, hijo," bilin naman ni Charles.

"Opo, daddy. Magpapaalam lang po ako kina kuya." Nagmano na siya sa mag-asawang Pelaez at lumabas ng kusina. Tuloy-tuloy siya sa kwarto ng magkakapatid na Pelaez. Nandoon sina Chad, Mark at Chino na nag-aayos na ng higaan ng mga ito. Saglit pa siyang pinilit ng mga lalaki na doon na matulog ngunit muli niya iyong magalang na tinanggihan.

"Next time na lang po."

"Akala ko pa naman kaya ka naligo dahil magpapalit ka na ng pantulog. May date ka pa ba?" natatawang saad ni Chad.

"Hala. Wala, kuya," natatawang sagot niya.

"Sige, sige. Mag-iingat sa pagmamaneho. Wala bang magsusundo sayo ngayon? Tawag ka agad kapag may nangyari sa daan," bilin naman ni Chino sabay tapik sa balikat ng binata.

"Opo kuya. Wala po yata."

"Baka hindi mo lang alam," nakangising sagot nito.

Tinapik naman ni Mark si Hiro na noo'y halos hindi na makapagsalita ng maayos dahil sa allergy. Patuloy pa rin kasi ang maya't mayang pagbahing nito. Nagsimula lang iyon nang ipasok kanina ang tuta na siyang regalo ng kapatid niya kay Mason. Noon niya lang din nalaman ang naturang allegy ni Mark sa mga aso.

Huling pinuntahan ni Hiro si Mason sa sala. Kasama nito si Charlie na patuloy pa rin ang paglalaro sa beagle na parang bata. Hinahabol habol kasi nito ang tuta.

"Kuya, uuwi na ako."

"Hindi ka matutulog dito?" nagtatakang tanong ni Mase sa kanya.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon