Awooo 4

7.4K 169 45
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

AWOOO 4

"So, kumusta ang date ninyo ni Manong?" bungad sa akin ni Tyron nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Nilagpasan ko siya at kinuha ang aking mga bag na nakalatag lang sa sahig.

"Ang saya sobra! Sana andun ka para nasaksihan mo!" sarcastic kong sagot. Pumanhik ako sa second floor at dumiretso sa napili kong silid.

"Good for you." Aniya.

"May mga nilalang talagang walang pakialam sa mundo, ano?"

"Anong binubulong-bulong mo diyan?"

"Wala ah! Wala!!"

Binuksan ko ang pinto at napahinto ako ng mapansin na mukhang wala siyang balak na tantanan ako. Nilingon ko siya at tinignan ng masama.

"What?" naiiritang tanong niya sa akin habang naka-cross arms.

"Bigyan mo naman sana ako ng kahit kunting privacy?"

"Ano ka artista?"

Langya! Artista lang ba ang may karapatan sa salitang privacy?

Sa sobrang inis ay malakas kong isinara ang pinto. Inakala kong hindi na siya papasok. Pero ang ungas tumagos lang sa pinto habang nagpasipol-sipol. At ang mga kamay naman niya ay nakalagay sa kanyang batok. Nilampasan niya lang ako at pasalampak na humiga sa kama.

"Balak mo bang palitan iyong anino ko dahil hanggang dito sa kwarto ay sinundan mo pa ako?"

"Don't flatter yourself, Moron. Nagkataon lang na wala akong choice kaya ko 'to ginagawa."

"Ikaw pa ngayon ang walang choice?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

"Uh, huh!" he nodded then rolled around the bed. Napadekuwatro siya ng higa at inunan ang dalawa niyang kamay sa ulo. He smiled devilishly at me. At mukhang nasa mood siya para asarin ako. Ibinaba ko ang aking mga bag sa sahig at nakapameywang na lumapit sa kanya.

"Hoy alam mo-" he cut me in mid sentence at sinenyasan ako na tumahimik. Napaawang naman ang mga labi ko nang isuot niya ang aking headset sa magkabila niyang tenga habang hawak hawak sa kamay ang aking ipod. Aba't, hinalukay niya talaga ang aking backpack huh?

"Wow, hindi ka man lang ba marunong magpaalam? Ipod ko ata iyang gamit mo?"

Hindi niya ako pinakinggan bagkos ay ginalaw-galaw niya ang kanyang ulo na para bang relate na relate siya sa musika. Langya aaminin ko na ang gwapo niya talaga para sa isang multo. Napaupo ako sa kama at para akong nahihipnotismong napatingin lang sa maamo niyang mukha. My brows turned into a v-line. Teka, parang nakita ko na siya before? Err, saan ko nga ba siya nakita?

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon