CHAPTER 11

130 8 0
                                    

AGENCY

After the fashion show.

"Boom na naman ang event! Siguradong nasa front page ulit ang agency bukas sa lahat ng fashion magazines!"

"Dalawang sikat ba naman ang rumampa... isang celebrity na makalaglag panga at isang international model na nandito ngayon sa Pilipinas... saan ka pa?"

"Nakakalimutan niyo rin yata yung isa pang kasama nila na makalaglag eyeballs naman sa kagwapuhan! Sabi ng iba kilala daw iyon na isang businessman."

"Buti na lang pala may kaguluhan nangyari kanina at nakita ng ating dalawang mga mata si Cleofford!"

Maingay ang tilian nila.

Rinig ang mga ingay habang nakatayo dito sa veranda ng backstage. Katatapos pa lamang ng fashion show at abala ang lahat sa pagliligpit. Mula dito ay matatanaw ng malinaw ang kalangitan at natatakpan ang mga bituwin. Ibig sabihin may posibilidad umulan mamaya.

"May isang babaeng gusto kong tulungan mo."

May inabot sa akin si Cleofford, isang kulay itim na sobre. Inilabas ko ang nasa loob at larawan ang nakuha mula roon. Ipinakita ang napaka-inosenteng mukha ng isang babae.

"Tutulungan ko ba siya maging modelo?"

"Bahala ka," habang nakatingin sa kalangitan.

"Mahalaga ba siya sa'yo?"

"Oo."

"Sige, ako ang bahala." Kakaibang talent fee.

Umalis ito. Mas malakas ang tilian sa labas. Si Froiland at Caserine ay agad nang umalis kanina pa.

Nagdesisyong umalis na rin at pumunta sa nais puntahan. Naging nakakapagod ang araw na ito pati na rin ang mga nakaraang araw. Para maibsan ang nararamdaman ay gumawa ng paraan hanapin ang taong nagpapakalma ngayon ng loob.

Isang buong linggo na rin ang nakakaraan.

Gamit ang kakayahan, pagkatapos lamang ng mahigit isang oras ay nahanap kung saan ito. Natagpuan malapit sa sarili nitong apartment, sa loob ng isang Cafe.

Mula sa kinatatayuan sa labas, sa madilim na parte ay malayang napagmasdan ang kaanyuan nitong may ngiti sa mga labi at nagbibigay kahulugan ng masayang mukha. Marahil ang dahilan ay dahil sa kaharap nito sa lamesa, isang magandang babae.

Panibagong babae.

Katulad ng ginawang pagmamasid noon bago ang kasal, ibang babae ang nagiging kasama sa iba't ibang lugar. Lahat ng mga babaeng iyon ay binibigyan nito ng kaaya ayang ngiti na ipinagkakait sa isang katulad ko.

Mapait na ngiti ang ibinigay sa sarili, dahil rin sa emosyong nararamdaman ngayon sa napansin. Ganito ang kapalit sa nag-uumpisang interes na umuusbong sa loob ng dibdib.

Tumalikod sa nakikita, walang lingon umalis sa lugar na ito.

💛💛💛

APARTMENT

Inihiga ang pagod na katawan.

Pagod sa mga nangyayari sa bawat araw. Mula sa pakikisalamuha sa kompanya ng pamilya at sa isa pang pagkakataon ibinigay para makabawi sa nakaraang failure sa negosyo. Hindi ngayon nagugustuhan ang takbo ng mga sinasagawang plano para sa marketing strategy. Ipinasa sa akin na sana ay si Sky ang gagawa dahil sa dami ng gawain ng pinsan. Kagustuhan ito ng mga nakatataas at ipinagkatiwala sa kamay ko. Sa ngayon, mukhang puro negatibo ang natatanggap mula sa mga trabahong pinaghahandaan.

Nahagip ng paningin ang suot na singsing nang ipapatong sana ang kamay sa noo.

Sari saring alaala ang dumaan sa isipan, mga sitwasyon na iniinda ng utak at pagtuunan ang mas importanteng bagay.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now