Chapter 10.3: Charlotte Miller

2.5K 52 1
                                    

Author's note: maikli lang po itong chapter na to..kasi... Waley lng.. "ψ(`∇')ψ hahaha!!

Yun lng.., wala po akong masabi eeh.. >3<

Be a fan!

Charlotte again on the media!

Dating Mr. Cold Guy

Chapter 10.3: Charlotte Miller

Charlotte's POV

It's been years since hindi ko siya nakakasama. Napaka tanga ko na sumama ako sa iba nang dahil lang sa isang pagkakasunduan. Ngayon, alam ko na. I need to get him back. I need to kasi.............. mahal ko pa rin siya.

Ilang beses ko na siyang tinetext pero hindi niya ako sinasagot o nirereplyan. Siguro, hindi niya na sinave ang number ko. Pero. akahanap na ako ng chance. I need to see him now. Kaya tinext ko siya na makipagkita sakin dun sa dating place namin.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero kinakabahan ako. I don't know pero parang may mangyayari na hindi ko magugustuhan. Sana naman........hindi pa rin siya nagbabago.

*pring*

Napatingin ako sa nagbukas ng pintuan. There I see him, wala pa ring pinagbago. Gwapo pa rin siya, siya pa rin yung nakasama ko noon.

Nung nakita niya ako, tinaas ko yung kamay ko na nakangiti sa kanya. Lumapit naman siya sa pwesto ko.

"Why don't you have a seat?" tanong ko sa kanya na nakangiti pa rin. Ghad, how I missed him! Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan. Namiss ko siya ng sobra.

Pero kung gaano ko siya namiss, doon naman napalitan ng isang malamig na tono ng boses.

"I don't need to, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil ayokong mag-aksaya ng oras para lang sayo." sabi niya na may seryosong muka.

Bakit? Bakit siya ganito ngayon? Parang..........hindi na siya si Caleb. Hindi na siya yung sweet person na kilala ko.

Tumayo ako saka ko siya hinarap, "Hehe, bakit naman ang cold mo ngayon? umupo ka na la--!"

"Sinabi ng ayoko nga diba!?"

O.O!

S-Sinigawan niya ako.

Hindi na siya yung katulad ng dati.

Yumuko ako sa pagkakapahiya ko. "I-I'm sorry!"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Yun bang parang naiinis na siya. Mas lalo pa akong napayuko at ilang minuto nalang, maiiyak na ako.

"Bakit ka pa bumalik? Diba iniwan mo na ako?" mahinahon niyang sabi, pero sa boses palang niya alam mo ng galit siya.

Hinugot ko na ang lahat ng lakas ng loob ko, "Hindi kita iniwan, Caleb."

Nagulat naman ako nang bigla niyang hamapasin ang mesa. Napatingin sa gawi namin yung iba pang customer.

"F*ck?! Hindi iniwan?! Eh anong sa tingin mo ang ginawa mo, nagbakasyon lang?! Come on, Charlotte. Wag tayong maglokohan dito, kasi ako sawang-sawa na ako sa panloloko mo!"

Akma na siyang aalis pero pinigilan ko siya. "Panloloko? A-ano bang pinagsasasabi mo?"

Naiiyak na ako. Pero kailangan ko itong pigilan.

"Akala mo hindi ko alam kung bakit ka umalis? You left me for other guy! Ganyan na ba ang standard mo ngayon, ang magpapalit ng boyfriend kung kanino mo gusto?! Tsk, hindi na ikaw ang kilala kong Charlotte. Hindi ikaw yung minahal ko." sabi niya. Kalmado lang siya nung sinasabi niya yun, pero kagaya nga ng sabi ko mababakas pa din sa boses niya na galit siya.

Tumutulo na ang mga luha ko. "I'm s-sorry! Let me explain, please! I love you Caleb! I really do!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Please! Let's bring back what we've already started. Let's start over again! I really love you, Caleb! Please!!" umiiyak na sabi ko.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya, "I'm sorry pero I already have someone. May mahal na akong iba."

*slap!*

"Gosh! I-I'm sorry Caleb! I didn't mean to do that! I'm very sorry. Hindi ko alam kung baki--!"

Nanahimik siya saglit bago siya nagsalita uli. At sa pagkakataong to, umiyak na ako ng husto.

"Leave me alone, already! Hindi na natin maibabalik ang dati kung minsang nasira na ito nang dahil lang sa isang desisyon na hindi natin pinag-isipan." seryoso niyang sabi, "Minahal din kita, pero nasira lang yun dahil sa ginawa mo. At please, wag mo na akong itext o tawagan pa. Dahil hindi ko na uli sasagutin ang mga iyon kapag ginawa mo pa uli. Let's just move on, kasi sawang-sawa na akong magtago sa katotohanan. Anyways, I need to go now. I just came here to confirm something. And I already found the answer to that."

At tuluyan na siyang lumayo at naglaho sa paningin ko.

Umiyak lang ako, pero saglit lang.

Nagform ako ng isang nakakatakot na ngiti sa aking muka.

"May bago ka na pala. Hmph, I will obey what you have said. Susundin ko ang hindi panggugulo sayo. Pero ang babae mo? Tch, tingnan lang natin kung may binatbat siya kesa sakin."

Dating Mr. Cold GuyWhere stories live. Discover now