Chapter 20

44 1 0
                                    

[20]

Abby's POV

I'm so glad na nakita ako nilang Daddy sa condo, nung pagpasok ko nga sa room nang hotel, ang bango-bango! Pero nung may naamoy ako na hindi masyadong masarap sa ilong, inamoy ko agad yung katawan ko, at ang baho ko na!!! Kailangan ko na talagang maligo.

Pumunta agad ako sa cr at naligo.

Kaya pala nagawa ni Aaliyah yung ganon, kasi parang na invincible siya ng mga tao. Hindi ko naman kayang maitatanggi na masakit naman talaga yun. Pero ang hindi ko lang naintindihan, bakit niya akong gustong patayin? Natatkot na ng ako sa kanya dahil sa mga ginagawa niya sakin. Parang ayaw ko pang gustong makita si Ally. Pero on second thought, pareho pala kami nang mukha!

Nung matapos na akong maligo, naaalala ko pala na wala pa pala akong damit na fresh, inamoy ko naman ulit yung damit ko na sinuot ko kanina pero ang baho talaga!! Mabuti nalang at may bathrobe, ito muna pansamantala. Tinwist ko naman ang buhok para hindi masyadong basa.

Sa paglabas ko sa cr, hindi ko namalayan na ang ganda pala ng room ko, yung amoy lang kasi ang inaatupag ko eh. Binuksan ko naman ang television at  humiga.

Habang tinutukan ko yung palabas sa tv, napansin ko na rin na nagdedemand na ang tyan ko nang pagkain.

Kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, tumawag agad ako sa front desk at nagpapadeliver sa room ko nang Chicken Bucket, Vegetable Salad & Fruit Salad. Ang dami no? Gutom eh. Ilang araw na kaya akong hindi kumakain. Isipin mo, tinipid ko talaga ang binigay ni Aaliyah na pagkain. Diet ang peg! Mas matindi pasa bahay ni Kuya na kapag natatalo yung mga housemates sa weekly task. Hanggang sa napanis, ayon survival na.

Ilang minuto lang, may kumatok at dali-dali naman akong tumayo at binuksan, magsasalita pa sana siya pero pinapasok ko na agad ang pagkain. Kinuha ko na agad yung Chicken Bucket, at nag indian sit sa higaan.

"Ilagay mo dyan sa table yung salad! Lamat!" tapos ngumiti sa kanya habang nginunguya nguya ko yung chicken. Lumabas naman siya, mabuti na nga lang hindi siya humingi ng tip eh! Wala pa naman akong pera dito!

Horror yung pinanood ko, medyo scary pero kakayanin. Nakatitig talaga ako sa tv na parang yung mata ko hindi na pumipikit, at saka yung katawan hindi na kumikilos, nasa thrilling part na kasi ako eh.

Nang biglang may bumukas, sumabay sa shocking part sa horror! Hindi ko nakita tsk! Medyo nagulat pa ako sa pagbukas kesa sa horror.

Nung bumukas naman yung pintuan nakita ko si Daddy at si Gabby dala dala yung maleta!

"Abby!" Lumapit si Gabby sakin at niyakap. Binitawan naman agad.

Tumingin naman ako ni Daddy at lumapit siya sakin at nagyakap kami.

"I Miss You!" sabi ng Daddy ko "I Miss You too Dad!" Isang mahigpit na yakap! Sherep.

Bumitaw naman kami "Okay ka lang?" tanong ni Daddy.

Nagthumbs up naman ako, at ngumiti sa kanya.

"By the way, Dad. Nag order ako nito! Sorry, hindi nagsabi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abby's Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon