Beginning

775 3 3
                                    

"Man cannot live without joy; therefore when he is deprived of true spiritual joys it is necessary that he become addicted to carnal pleasures."
Thomas Aquinas

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Dave! Dave! gising na baka ma late ka sa trabaho mo!" gising ng mama ko sa akin "aahh anong oras na ba?" inaantok pa ang boses ko nung tinanong ko ito "mag-aalas sais na ng umaga ano ka ba gising na dyan!" sabi ng mama ko. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama habang pinapamilyar ko yung mata ko sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto ko "bangong na dyan at maligo kana" sabi ng mama ko na nakatayo sa me pintoan "oo na babangon na" sabi ko sa kanya at bitbit ang tuwalya pumasok ako sa banyo at naligo. 

"Pinasok ko na yung baon mo sa bag at wag mong kalimutan daanan ang ante Linda mo" paalala ng mama ko "opo ma" sagot ko sa kanya "oonga pala daanan mo nga din pala yung uncle Ralph mo me ibibigay daw siya sayo" "ano ang ibibigay niya?" tanong ko "di ko alam basta daanan mo daw siya bago ka pumasok sa trabaho" sabi nito sa akin. Pagkatapos kong kumain kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam ako sa mama ko "alis na ako ma" at humalik ako sa pisngi niya bago lumabas ng bahay. 

Humihikab pa ako noong naglakad na ako papunta sa bahay ng uncle ko at nakita ko itong nakaupo sa labas ng bahay nila habang nag babasa ng dyaryo "uncle Ralph!" tawag ko sa kanya na lumingon naman ito at kinawayan ako "morning uncle Ralph" bati ko sa kanya. "Morning din, kumain ka na ba?" tanong nito "opo, bago ako umalis ng bahay, sabi ni mama me ibibigay daw kayo sa akin?" "ah oo, teka dyan ka lang" paalam nito at pumasok ito sa bahay nila. Pagblik nito me dala itong maliit na supot at inabot ito sa akin "ano po ito?" tanong ko na tumingin pa ito sa loob ng bahay bago sabing "bigay mo yan kay Gina" sabay ngiti nito. 

Pagkatapos kina uncle Ralph dumaan din ako kina ante Linda "ante morning po!" bati ko sa ante ko na nagluluto sa kusina nila "oh Dave buti andito kana, ito dalhin mo ito" sabay abot ng isang tupperware sa akin. "Ano po ito?" tanong ko sa kanya "nagluto kasi ako ng isda alam ko paborito mo ito" nakangiting sabi niya kaya natuwa ako nung tiningnan ko ito "wow, tilapya!". "Hehehe alam ko paborito mo yan" "salamtat po ante!" niyakap ko ito at hinalikan ko sa pisngi "sige alis kana baka ma late kapa sa trabaho mo" sabi nito kaya nagpaalam ako sa kanya at kay uncle Ricky na asawa niya. "Ingat ka toy!" sabi nito sa akin at umalis na ako papasok sa trabaho ko. 

Ako si Dave, 24 yrs old, simple lang naman ang pangarap ko sa buhay ang maging isang mabuting anak, magkaroon ng magandang hanap-buhay at maging mabuting asawa balang araw ni Melissa. Ahhh si Melissa ang maganda at seksing receptionist namin sa work. Nginingitian ko lang ito sa tuwing dumadaan ako doon na di kagaya sa iba na humihinto at kinakausap siya. Ako, daan lang at ngiti ang nakayanan ko dahil sa kaba't-takot na baka iignorin niya ako. Isang beses nakapag "hi" ako sa kanya pero mahina lang na ako lang ang nakakarinig pero natutuwa din ako sa tuwing nginingitian niya ako sa tuwing mag-abot ang mga mata namin o baka imahinasyon ko lang yun.

"Dave, ano baon mo?" tanongni Erwin na kasamahan ko sa opisina "malamang isda nanaman yan" sagot ni Randy na dumungaw sa kabilang cubicle "hahaha as always, amoy isda kana niyan Dave" sabi ni Erwin "ok lang at least paborito ko" sagot ko sa kanila. Habang nagtatype ng report "sama ka naman sa amin Dave, friday naman ngayon" yaya sa akin nung dalawa "tsaka nalang, kailangan ko kasing umuwi ng maaga" sabi ko sa kanila "ano ka ba parang di ka naman binata" sabi ni Erwin sa akin "ha ha ha binata nga but i'm a responsible son, dudes!" sabi ko sa kanila "mama's boy talaga to" sabi ni Randy na natawa sila pareho.

CarnalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon