03

2.1K 25 0
                                    

Leona's POV

We are on our way to the Graduation Venue. Naka van kami, katabi ko si ma and daddy. Katabi naman ni Meriella sa likod ang yaya niya at si Khaki. Si Kuya naman naka convoy sa likod and kasama niya si Ate Keah.


"It's your graduation today, my princess. Nandito naman kami, naiintindihan mo naman kung bakit wala si Riguel diba because of work." saad ni Mommy habang inaayos ang buhok ko


Naiintindihan ko lahat ng 'yan. Hindi man lang magawang mag leave para sa special day ko. Madami siyang leave at free time, CEO na mismo ng company ang nag sabi which is ang Dad niya, si Tito Franco.


"Ang ganda ganda mo, huwag ka nang umiyak tapos ka nang ayusan." sambit ni Daddy habang nag d-drive




Ano pa bang magagawa ko? Andon na yun sa office niya, busy na busy. Hindi na 'ko mag eexpect na mag l-leave siya just to attend my graduation.




Love

Congratulations on your graduation my Love, I am so proud of you! I hope you understand me, Love. I am really sorry. Bawi ako sa day off ko, pa set up ako date kay Ace sa gustong gusto mong restaurant.






Mas nasasaktan ako habang binabasa ang messages niya kasi alam kong hindi niya din magagawa 'yan. Nag sasawa na ako sa puro pangako, nakakapagod na.



Pilitin man kitang intindihin pero nakakapagod kapag walang balik sa 'kin..

Apat na taon na tayo pero sa loob ng dalawang taon ganyan ang set up natin.

Sa loob ng dalawang taon, iniintindi kita.


Ako ba, kailan mo 'ko iintindihin?

Ang daming pumapasok sa isip ko habang nakatulala ako sa bintana ng sasakyan. Nalulungkot talaga 'ko but I don't have a choice kung hindi umintindi talaga.


"Look at your daughter, iiyak na naman 'yan" bulong ni Ma kay Daddy




"Anak, enjoy your day kahit ngayon lang. Gusto mo ba mag out of town tayo? Para naman kahit paano mabawas bawasan yang iniisip mo" sabi ni Daddy habang pinunasan ng tissue ang mukha ko




Hindi na lang ako nag sasalita at hindi ko sila pinapansin dahil wala akong gana mag salita at kumausap kahit kanino. Gusto ko na lang manahimik habang buhay.





--


"Ramos, Leona Margarette S. MAGNA CUM LAUDE." akyat ko sa stage nang tawagin ang pangalan ko, nagpapalakpakan ang mga tao sa Venue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Second Chance LoveWhere stories live. Discover now