Seis

60 1 0
                                    

Micah's POV

Nanginginig parin ako dito sa kinatatayuan ko at nakatulala, pagkatapos kong sumigaw ay nag akyatan agad ang mga katulong, dali-dali silang bumaba at tinawagan si daddy pati na ang mga pulis., andito na si daddy at ang mga pulis. 

"Gusto kong malaman kung sino ang gumawa nito, walang lalabas sa media as soon as possible i report nyo sakin kung may lead na kayo kung sino mang lapastangan na gumawa nito sa anak ko at nagbantang patayin sya."

 

"Makakaasa po kayo Mr. President, gagawin po namin lahat ng aming makakaya" sabi ng isang pulis at sumaludo sya kay daddy at bigla ng umalis kasama pa ang mga iba nyang kasamahan sa trabaho, at ang mga katulong na naglinis.

"I want you to tell me about last night." 

"D-daddy"

"Tumakas ka nanaman! hindi ka na natuto! Now tell me kung saan ka nagpunta! " sabi ni daddy na parang galit na. sinabi ko sa kanya yung nangyari. na kung sino si josh, yung nasa bar kami at yung muntikan nya nakong ma-rape. habang pinipigilan ko ang pag iyak habang kinukwento yun napapa buntong hininga nalang si daddy sa narinig nya.

"KIM MICAH NAVAL! HINDI KA NAG IINGAT! PARANG AWA MO NA,TAYONG DALAWA NALANG ANG NAIIWAN DITO! AYOKONG MAPAPAHAMAK KA! HINDI BIRO ANG MAWALAN NG MAHAL SA BUHAY TAMA NA ANG ISA "  sabi ni daddy .

"Anong fullname ng Josh na 'yon?"

"D-daddy, a-anong gagawin mo?"

"i said full name Micah, answer me." sabi ni daddy, seryoso na sya.

"J-joshua V. Alcantara" ng sinabi ko 'yon ay biglang nagpakawala si daddy ng isang ngiti. 

"You're going to have a bodyguard, ako ang pipili ng magiging bodyguard mo, sa ayaw mo man o sa hindi that's final." bumalik sa seryosong tono at emosyon ang pananalita at mukha ni daddy, at tuloy tuloy na naglakad palabas ng pinto ng kwarto ko. at pupunta na sana ko sa CR para magbihis ng bumukas ulit ang pinto.

"Oh i forgot bukas na dadating ang bodyguard mo" nagulat ako sinabi ni daddy, pero bago ko maka pag react eh sinara nya na ulit ang pinto arghhhh kainis. pagkatapos kong maligo at mag almusal hindi muna ko lumabas ng bahay. nagpalipas lang ako ng gabi at hindi ako masyadong nakatulog kakaisip kung sino ang gustong pumatay sakin, maraming tanong ang nasa isip ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na 'ko

-

3rd person's POV

Sa isang bodega, maririnig ang tunog ng punching bag na halos mayupi at mabutas na sa kakasuntok. hating gabi na, liblib na lugar ito at tanging mga huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig.  suntok ng suntok lang ang ginagawa ng lalaki na tila walang kapaguran.  tanging short lamang ang suot nito at walang suot na pang itaas. magandang hubog ng katawan at may anim na abs na tila iniukit sa kanyang tiyan. at isang oras ang lumipas, tumigil din ang lalaki sa kasusuntok at humarap sa salamin, hindi nya binuksan ang ilaw dahil tanging sinag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na bodega. nagsimulang gupitin ng lalaki ang kanyang buhok na medyo kahabaan na. at nag simula din nyang ahitin ang mga balbas na medyo may kahabaan na din. at pagkatapos nyang mag hilamos, pinunasan nya ang kanyang mukha at tumingan sa salamin. ang dating sya ay nakikita nanaman nya sa salamin, ang dating sya na kinalimutan nya noon ay magbabalik na ngayon. 

"isang gyera" bulong nya at kinuha ang baril at tinitigan ito, at  pumikit ng mariin.  

"Isang gyera na ako ang bida at ang kamatayan " sabay ngisi nya, at kinasa ang baril.

Santiago Series: ZERO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon