Letter 3

18 1 0
                                    

To: Nigel ❤

Hayyyyyyyy kagabi iyak ako ng iyak Nigel! Galit na galit ako sa mundo, pati na din sayo! Paano ba naman yung efforts mo araw-araw na pinapakita kay Reese sobrang sakit naman para sakin. 1 week ka na ring nanliligaw kay Reese tapos noong Saturday, pinuntahan mo siya sa bahay nila at hinaranahan siya, nalaman ko lang yun kay Lyndon dahil kasama siya noon. Ang sakit sakit ng puso ko nun, di ko alam kung anong mararamdaman ko nung nalaman ko yun. Hay nako :( tapos noong Monday naman binigyan mo siya ng roses and chocolates sa locker niya, gusto ko ngang kunin yung chocolates na yun kasi sabi niya hindi siya kumakain ng chocolates dahil papangit boses niya, eh kung hilahin ko yang lalamunan niya para mas lalong di siya makakanta. Galit lang ako ngayon kaya ko to nasasabi, sorry. Tapos everyday hatid sundo mo siya sa bahay nila hanggang room hinahatid mo pa, baka naman pagod na pagod ka na niyan. Noong Friday naglagay ka ng tarpaulin sa loob ng room nila kasi birthday ni Reese, grabeng effort yun, yung lahat ng messages ng friends niya cinompile mo, sana gawin mo rin sakin yan oh, kahit bestfriends lang tayo. Sobrang bestfriendzoned naman ako sayo hayyyyyyyy.

Nakakailang buntung hininga na ko dito, sobrang selos na selos na ko arrrrgggggghhhhhhhh. Nakakainis naman kasi parang di naman naaappreciate ng Reese na yan yung efforts mo, may gusto ba sa'yo yun, baka wala kang pag-asa dun tapos sobra-sobra yung efforts mo. Mas nakakainis tinatanungan mo pa ko ng mga gagawing surprises para kay Reese, gusto kong sabihin sa'yo na maglagay ka ng maraming daga sa isang gift box tapos ibigay mo kay Reese, grabe mapapasagot mo agad yun, sasagutin ka niya ng "AYAW KO NA SA'YO". Di ba ang saya-saya.

Pero Nigel, tandaan mo na kapag ayaw niya sa'yo andito naman ako eh ilang taon na kitang hinihintay. Di ko alam kung ilang taon na kasi hindi ko na mabilang haha. Pero kung ayaw niya sa'yo ako na lang PLEASE. Mukha akong desperada, pero desperada naman talaga ako ewan ko ba hayyyyy, pagdating sa'yo. Good luck sa panliligaw mo. Hayyyyy

Love,

Ash :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

31 Letters for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon