MFA 16 * - Day 11 (Part2)

78 6 8
                                    

Annyyeeoongghaasseeyooo! Inuulit ko po, Ang story ko ay MARAMING WRONG GRAMMARS! WRONG TYPOS! Pati narin sa mga wrong spacing. Hindi naman po kasi ako perpektong tao! Kaya sorry kung marami akong mali maling english. at take note ulit ! Yung ibang napapansin niyo na maling english, ay pasadya. Parang Conyo ganun ~ MARAMING salamat ^^

Btw, Dedic po ito sayo , Unnie?/Saeng? Haha^^

- Purplelation

——,——,——,——,——,——,——,——,——,

Chapter 16 - Day 11 (Part2)

Ken's POV

''Babe, tara na?'' naalala ko parin yung nangyari nung isang araw.. Actually, Walang alam dun si Lexie, wala siya doon. nang Blackmail sila para mapunta ako dun. ''Ah, Oo babe. '' pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok siya sa loob.

''Babe, ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa malalim ang iniisip, Hindi mo ko pinapansin, nakakaasar ka na ha.'' Napapout siya, tinignan ko lang siya. Hindi ako marunong maglabas ng emosyon ko kahit kanino kahit sakanya. Pero pinaparamdam ko naman ang tunay kong pagmamahal.

Yuck! Kabadingan. Tsk..

''Saan nga ba tayo pupunta?'' agad niyang tanong at tingin sa labas ng bintana. Di ko lang siya sinagot. Tas ayan nanaman siya sa kakadaldal kakadaldal niya..

Ngumiti lang ako.. Itong babaeng to talaga, kahit kailan. Di nagsasawang kakadaldal..

''Nga bala Babe, Kailangan ko palang mag summer class dun sa course ko, Para sa pasukan, kahit papaano makahabol ako sa mga absences ko dati. '' Napatango ako sakanya. Nagkasakit kasi siya dati, at halos kalahati ng isang sem, ay wala siya..

''Babe..'' Di ko siya tinignan pero nakikinig ako. ''Kailan tayo magpapakasal? Ilang baby ang gusto mo? Ilang babae? Ilang Lalaki?'' napahinto ako.. ''Uh anong nangyari?'' dagdag niya pa. Tinignan ko siya, at mukhang seryoso siya sa tinatanong niya. Dineretso ko ulit yung sasakyan.

''Hoy ano na babe, tinatanong kita ehhh.'' at alam ko humahaba nanaman ang nguso niya..

Pinark ko yung sasakyan sa isang lugar. Tahimik rito at kita mo ang buong lugar sa baba. Kinuha ko yung basket sa likod at pinagbuksan ko siya.


Umupo kami ng tahimik doon sa lugar walang nagsasalita ni isa samin. Pinakikiramdaman ko lang siya.

''Uy babe naman.. Ano na?'' agad niya sabi. Di ko lang siya pinansin, ewan ko. Gusto ko siya makasama habang buhay, pero gusto ko, na mapagtapos muna kami para rin naman sa future at para sakanila ng magiging pamilya ko..

''Babe naman, nakakaasar kana, kanina ka pa hindi kumikibo sakin, tinatanong kita di ka sumasagoot.'' Sigaw niyang onti pero nakanguso nanaman. Napailing nalang ako at ngumiti ng palihim.

''Kumain na tayo babe..'' yun nalang yung nasabi ko.

''Hindi ayaw ko... Gusto ko sagutin mo yung tanong ko.. Nakakaasar ka kanina pa ako tanong ng tanong eh, di ka sumasagot di ka kumikibo onti nalang ipupukpok ko itong basket sayo kapag-''

Hindi ko na siya pinagtapos magsalita dahil hinatak ko siya at hinalikan..

Hanggang sa nagrespond na rin siya sakin.. Ngumiti ako, itong babaeng to talaga. Lumayo ako sakanya at dinikit ko yung noo ko sa noo niya..

''Babe, matagal pa yun.. Sa ngayon isipin lang muna natin yung mga Happy Memories natin okay? '' ngumiti ako sakanya. Ngumiti na rin siya at tumango sakin.

My Fallen Angel (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon