Chapter 3 - The Orb

6 0 0
                                    

Crystal's POV

Hindi ko maiwasan ang mamangha sa ganda ng lugar kung saan ako mag aaral para mahasa ang kapangyarihang taglay ko.

Pagpasok pa lang namin ng gate kanina ay bumungad na sa amin ang mga estudyanteng nakakalat sa labas. And base sa itsura nila ay malalaman mo kung ano ang elementong gamit nila.

Ayon kasi kay Dusty at sa aking pagkakaintindi sa sinasabi niya ay may highlight na kulay ang bawat elementalist sa kanilang mga buhok. Tulad daw ng nga katulad kong mula sa Ice Kingdom na ang kakayahan ay Ice manipulation ay may parte ng buhok ko ang kulay puti katulad ng niyebe.

OMG!!

Kaya pala natural nang may highlight ng puti yung buhok ko dahil doon. Ilang beses na kong nasita dati sa school dahil may kulay ang buhok ko pero kahit ginamitan ko na ito ng blackening shampoo ay hindi tumatalab.

"And aside from that. If you were going to use your ability. You eyes will change it's color." sambit ni Dusty.

Napatingin ako sa isang estudyante na naglabas ng apoy sa kanyang kamay at pagdilat nito ay kulay pula na ang kanyang mga mata.

Napapatango na lamang ako habang patuloy na kumukuda si Dusty habang naglalakad kami. Talaga ngang sinunod niya ang utos ni Dad na gabayan ako hanggang sa mag enroll at makakuha na ko ng section at schedule.

Nang makarating na kami sa receptionist ay agad na rin itong kinausap ni Dusty.

Matapos iyon ay nagtungo kami sa sinasabing registration hall kung saan itetest ang capability ng abilities namin para makakuha ng Class Rank, squad at schedule.

Squad.

Squad ang altered term nila sa Section. And according to my guide ay hindi parepareho ang bilang ng mga estudyante na mapapabilang sa squad. Kumpara sa kasi mortal world nakabase sa average ng grades kung sa lower o higher section ka mapupunta pero dito naman ay sa status ng abilities mo ikukumpara kung saang squad ka mabibilang.

Nang makapasok na kami ay agad na rin kaming naupo at inantay na lang magsimula ang test para aming mga bagong pasok dito sa academy.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang tatlong testing pillar sa stage at bawat pillar may label kung saan kukuhain ang stats ng abilities mo. Attack, Defense at Magic ang mismong stats pala ng abilities na mayroon kaming mga elementalist.

"Welcome to the Arcane academy." panimulang sambit ng lalaki na nasa mid 40's na ang edad at ang mismong principal ng Academy.

Ipinaliwanag nito ang kung paano maka-calculate ang stats o grade ng abilities kung saan kami dapat ilagay na Rank at squad. May tatlong class na maaari naming mapuntahan. Guardian, Mystic at Elite Class. Sa bawat Class naman ay may tatlong squad ang mayroon, ang Warrior, Bulwark at Charmer.

Matapos iyon ay sinimulan nang tawagin ang mga pangalan ng mga bagong estudyante kung saan isa isa itong nagsisi-akyatan sa stage.

Simple lang pala ang gagawin dahil kailangan mo lang ilapat ang kamay mo sa bawat pillar kung saan ipinapakita nito ang elementong gamit mo saka ito sinusuri ng isa sa mga staff.

Dahil medyo nalilito ako kung paano nila nakukuha yung Class Rank at Squad ay tinanong ko na lang si Dusty na agad naman nitong sinagot.

Tulad nung kakatapos lang na isang fire user. One hundred percent yung Attack stats niya, fifty yung defense at twenty five yung magic. Dahil attack ang pinakamataas ay sa Warrior squad ng Elite Class siya nilagay nung evaluator.

Yung sumunod naman ay napunta siya sa Charmer Squad ng Mystic Class dahil mataas ang Magic stats at seventy five percent naman yung attack stats at fifty yung defense stats niya.

Arcane Academy: Rise Of The Elemental GuardiansWhere stories live. Discover now