TWO [Edited]

19.9K 478 32
                                    

   

PARA bang sardinas kung magsiksikan sa couch ang dalawang kaibigan ni Gab kasama siya. They’re all busy creating Gab’s account for the dating site they’ve suggested.
Buong araw nakatambay ang dalawa sa kanyang unit. Good thing she already picked out her brother’s advice, nag general cleaning lang naman siya—nagpapaka-busy—inabala ang sarili kesa sa magmaktol sa isang tabi. Para bang ginawang hide out ang kanyang tirahan. Sa totoo ay naiirita siya sa dalawang ito. Pero ano pa ba ang kanyang magagawa? They’re just helping her to get by and tilt her attention to other things.
She’s somehow thankful for them as her best friends. Dahil kung wala? Baka hanggang ngayon ay naglulumpasay parin siya sa kakaiyak.

“Ano ba naman ‘yan, Kelly? Masyado namang pormal ‘yang nilagay mong description!” Ara protested while looking at Kelly.

“Ano ba gusto mong ilagay ko? Loves hakdog? Submissive?” Kelly sarcastically asked. Ara pulled her hair. Natawa na lang siya sa dalawa. Para ba itong mga bata. Si Ara lang talaga ang nakakagawa niyan kay Kelly. Paano ba naman, mahilig itong mambara ng kausap.

“Gaga, hindi—” Umayos ito ng upo. “What I meant, ‘yong nakaka-attract sa mga kalalakihan. Iyong tipong picture pa lang...” Pumalakpak ito nang isang beses. “Pak! Naglalaway na ang mga boys with matching standing ovation ng ano.”

She rolled her eyes.

Ang bastos talaga ng babaeng ‘to! Sabi niya sa kanyang isip nang marinig ang ‘standing ovation’.

“Hindi ko gusto iniisip mo.”

Inagaw niya ang kanyang phone na hawak-hawak ni Kelly. She looked at the form they’ve entered into her profile. She scrolled across her photo gallery in hopes she can have a use of some of her decent photos. Halos lahat ng nandodoon ay litrato nila ni John. She sighed at the sight of those happy moments. Some of the pictures are x-ray results of her patients, ang iba naman ay litrato ng kanyang mga ka-colleague.

Napahinto siya sa kaka-scroll nang mahagip ang kanyang isang litrato kung saan ay nakaupo siya sa isang long chair. That was the time she waited for her milk tea she ordered.

She clicked on the photo and motioned the phone at her two friends. “That’s it.”

Napakunot ng noo si Ara habang si Kelly naman ay hindi napigilan ang tawa.

“Seriously, Gab? ‘Yan talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Ara habang hawak-hawak ang chips na nilatag niya lang kanina sa small table.

“Oo. May problema ba?

“My goodness, Gab. Walang ka-thril-thrill ‘yang posing! Dapat iyong kita ang cleavage, iyong kita ang long legs mo. Para naman dagsaan ang boys na magcha-chat sa ‘yo,” ani Kelly.

Napakunot ng noo si Ara habang si Kelly naman ay hindi na napigilan ang tawa.

“Hindi ko kailangan magpakita nang gano’n sa site na iyan. Kung sino lang ang may gusto, let it be,” angal niya sa dalawa.

Litrato na lang ang kulang para mabuo na ang kanyang profile info. Buo na ang kanyang desisyon sa nasabing litrato.
Gusto mang umangal ng dalawa ay naiplastar niya na ang mga bibig nito. Several minutes passed and there are notifications flooding her account. Madami na siyang natatanggap na heart, like, super like, saka message. Some are offering sex. Some are just finding someone to talk to.

Kelly instructed her how to respond from those notifications. She tried it and encountered men asking for nudes, one-night stands or hangouts. Kung ganoon daw ay pindutin lang daw niya ang ‘unmatch’ kung hindi na kaaya-aya ang nais.

Evening came but still she haven’t found that guy she’ll find entertaining. Kung kaya’t natagpuan niya na lang ang kanyang sarili na kumukuha ng can beer sa kanyang refrigerator. She threw her body back on the sofa. She’s drank. Sumilip siyang muli sa kanyang phone. She thought her best friends were right. Kailangan ng mahabang pasensya sa dating app na ito. At mukhang hindi sila magkakasundo. She pulled her curtain aside and saw the beautiful sight of the buildings and the beaming little lights across EDSA road from her glass wall.

Tequila Baby "FUBU" (Scandalous Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon