The Duke

57 3 0
                                    

Casper Dalton's

"Kent, round up at the entrance of our village look for a girl with a short brown hair" utos ko kay Kent ng matawagan ko siya

The way Saskia looks ng makita ko siya she seems like she's in danger, kaya agad kong tinawagan yung mga tropa ko sa underground fights I know some of them is near my place

"Found her Duke, third street intersection between fourth street I see cars heading her way" sagot nito

I cursed under my breath Im sure hindi maganda to, sinuot ko na yung facemask dahil baka makilala ako ng mga tarantadong kumuha kay Saskia at alam kong ganun din sila Kent.

"How many?"

"Four guys and I see--holy shit! Duke! Bilisan mo they inject something on her!"

Binilisan ko pa ang pagtakbo, only one turn and I reached the place.

My blood came boiling when I saw her unconscious while carried by that douchebag

Bahagya akong tumingala at dun ko nakita si Kent. Tinanguan ko siya at nagsimula ng maglabasan ang mga tropa ko.

There were four of us and eight of them. We seem outnumbered but I trust my guys.

"San mo siya dadalhin?"

Humarap silang lahat sa direksyon ko, some of them laughed when they saw me

"At sino ka naman bata?" Asked the guy who was standing next to the guy carrying Saskia.

"Ibalik niyo siya and I'll let you pass our area without getting hurt"

He snorted before grinning at me.

"Look here kid, I need to bring this girl to my boss. Kaya ikaw umuwi ka na dahil samin na tong girlfriend mo"

Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Walang ano-anoy sumugod ako at nagsimula ng magkagulo.

Agad akong sinalubong ng dalawang lalaki at inambahan ng suntok na siya namang naiwasan ko at bahagya akong lumuhod upang mapatid ang gagong to na siya namang kinabagsak niya

Nakaramdam ako ng tadyak sa balikat ko pero bago pa man ako bumagsak nahatak ko ang paa niya kaya siya ang napahiga at agad ko siyang sinuntok ng sunod-sunod sa panga

Hindi pa man ako tapos sa ulupong na to ay may tumulak na sakin kaya siya naman ang nakalaban ko tinadyakan ko siya sa sikmura kaya napaupo siya at ako naman ang nakatayo, inuntog ko yung ulo niya sa tuhod ko bago siya iwang walang malay at sunod na dumiretso dun sa hudas na naka-usap ko kanina

"Matikas ka boy. Ano mo ba tong babae? Girlfriend? Sexy ni---" even before he could finish his sentence pinaulanan ko na ng suntok ang pangit niyang mukha

Lumapit si Kent dun sa may hawak kay Saskia at siya naman ang kumalaban dito dahil ibinaba niya si Saskia sa shotgun ng sasakyan

Nang mapatumba ni Kent ang lalaki ay inistart ng driver ang sasakyan ngunit bago pa man niya ito mapatakbo ay may nakatutok ng baril sa sentido niya

Binuhat ko na si Saskia palabas ng sasakyan at naglakad na papunta sa naka-abang na sasakyan samin.

"You're safe now" I whispered onto her ear before resting my back at the seat of the car

They Spell TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon