Chapter Seventy Four

3.6K 73 6
                                    

"You can't go back and change the beginning but you can  start where you are and change the ending." - C.S. Lewis

Song for this chapter:

Wobble Up by Chris Brown feat. Nicki Minaj & G - Eazy

Don't Check On Me - Chris Brown feat. Justin Bieber

Chapter 74

Justin

Ang pangalan ng taong hinanap ko agad pagdilat pa lang ng mga mata ko kanina. Napanatag ako ng mapansin na mahimbing itong natutulog katabi ko.

Gulo-gulo ang buhok.

Walang saplot na damit pangitaas kaya kitang-kita ko ang mga itim na markang nakatatak sa balat niya.

Kumot lang ang nakatabing ngayon sa aming dalawa panlaban sa malamig na kwarto kung na saan kami ngayon.

Gusto ko man hawakan ang mukha niya pinigilan ko ang sarili kong gawin yon dahil baka magising ko siya.

Maaga pa.

Pinagmasdan ko na lang ang mukha niya.

Nakaawang ang mapupulang labi.

Makinis na balat.

Mahahabang pilik-mata.

Makakapal na kilay.

Matangos na ilong.

He looked so peaceful, so young and vulnerable.

God, akala ko mawawala na siya sa akin.

Laking pasasalamat ko kasi andito pa din siya sa tabi ko.

I thought I'm gonna lose him.

Hindi ko kakayanin.

Hindi ko kaya na mawala siya sa akin ng tuluyan.

He's my everything.

Dahan-dahan kong iniangat ang braso niyang nakadantay sa bewang ko.

Justin is a light sleeper.

Halos hindi na nga ako huminga maalis ko lang ang pagkakakapit niya sa katawan ko.

Ang sarap ng tulog niya at kailangan niya yun lalo na't kalalabas niya lang ng hospital kaya ginawa ko lahat para di siya magising.

Nakahinga na ako ng maluwag ng makatayo na ako sa tabi ng kama.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa c.r. para makapagpalit na ng damit.

Gusto kong ipaghanda ng almusal si Justin dahil matagal na din nung huli kaming magkasabay kumain dito sa bahay.

Pagpasok ko sa bathroon tumambad agad yung mga pinaghubaran niyang damit sa sahig.

Hindi ko alam kung bakit ba hindi niya kayang ilagay don sa tamang lalagyanan yung mga pinaghubaran niyang damit samantalang nasa gilid lang naman yun.

"Hay naku naman..." Dinampot ko ito isa-isa para ilagay sa laundry basket ng may mapansin ako.

Dugo.

Sa pagkakatanda ko hindi ko nakita na suot ni Justin ang damit na hawak ko ngayon kahapon.

Anong nangyare na di ko alam?

Kinutuban na ako.

Maya-maya may naramdaman akong vibration sa pantalon na hawak ko.

Hinanap ko ang bulsa at nakuha ang susi ng sasakyan at yung iphone.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now