Wassup broken hearted man?

56 2 0
                                    

Eto ako ngayon. Nanlulumong naglalakad. Pasukan na.

Last year ko na rin ito--namin sana. Gagraduate na kami sa mga course namin.

Makakapagsimula na sana kami para sa furture namin.

Education ang kinuha nyang course. At ako naman Civil Engineer. 

**

'Bakit naman education kinuha mo?' tanong ko sa napakagandang babae na nasa harapan ko ngayon at masayang kumakain. Nasa park kami.

'Sabihin nalang nating mahilig ako sa bata. At matuturuan ko ng mas mabuti ang anak ko pag nag- teacher ako in the future' masaya nyang sabi. Ngumiti naman ako sa narinig ko, sweet at maalalahanin siya. Sobra.

'Eh, ikaw? Bat Civil Engineering ang kinuha mo?' tanong naman niya sakin ng nakatingin sa mata ko kaya tiningnan ko din siya sa mata at ngumiti.

'Syempre, para ako mismo ang gagawa ng bahay ng mag-iina ko. Bahay natin, Isabelle. Gagawin ko yung dream house natin' nakita ko namang namula siya. Simple but pretty ayan si Isabelle.

Di ko parin kaya. Even now I still can't bear it. 

wala na talaga siya

Parang last sem lang sobrang saya pa namin. Sana talaga sinundo ko nalang siya ng mga oras na iyon.

Imbis na tumuloy ako sa university. Dumaretso ako sa park kung saan lagi kaming magkasama. Saksi ang park na ito sa lahat ng saya namin nung magkasama parin kami. 

Ang saya balik-balikan ang mga alala pero in the same time masakit.

Masakit na hanggang alaala nalang lahat. Na hindi na madadag dagan pa ang mga masasaya naming pagsasama. Di ko napansing lumuluha na pala ako.

Wala akong paki sa isipin ng iba. 

May naalala nanaman ako tungkol sa kanya.

****

Nakatingin lang ako ngayon sa katawan ng papa kong wala nang buhay. Pulis ang papa ko namatay siya dahil sa walang kwentang kriminal. 

Close na close kami ng papa ko. Magkasundo kasi kami syempre mag-ama.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, pero ayoko namang umiyak. Lalaki ako. 

Baka pag umiyak ako magising ang papa ko at sabihan ako ng

'WALA AKONG ANAK NA BAKLA' 

Kaya hindi ako pwedeng umiyak. Lalaki ako dapat matibay ako. 

May biglang naghagod sa likod ko, Si Isabelle.

'Condolence' sabi nya

'salamat' sagot ko at ngumiti sa kanya. Masaya ako dahil nandito siya kahit hindi pa kami este hindi pa niya ako sinasagot at least alam kong nag c-care siya sakin.

Pumunta kami sa labas ng bahay ni Isabelle di ko alam kung saan nya ba ako dadalhin.

'Saan ba tayo pupunta? Maraming bisita baka hanapin ako sa loob' sabi ko sa totoo lang mas gusto kong kasama siya.

Hindi siya nagsalita basta hawak niya lang ang kamay ko at pumunta kami sa likod ng bahay. Walang tao dito.

'Anong ginagawa natin dito?' tanong ko pero umupo siya sa damuhan

''Umupo ka' sabi nya na para bang nararamdaman niya yung nararamdaman ko. Umupo naman ako sa tabi niya. 

Nagulat ako nung hiwakan nya ang ulo ko at inihilig sa balikat niya. 

'Anong nararamdaman mo?' tanong niya

'Mabigat ang dibdib ko ngayon' tapat kong sabi sa kanya

'You can cry on my shoulder' presinta niya. Inalis ko sa pagkakahilis yung ulo ko sa kanya at tumingin sa kanya.

'Bat naman ako iiyak? Lalaki ako, Isabelle!' Sabi ko. Tiningnan naman niya ako sa mata, maganda ang mata niya kaya tumingin nalang din ako sa mga mata niya.

'Umiyak ka kasi tao kalang din Seb. Umiyak ka sa balikat ko kasi nasasaktan ka' sabi niya umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Seryoso kasi siya na medyo naiiyak na nga ako kasi feeling ko kinocomfort na niya ako.

'Isabelle, lalaki ako kaya dapat hindi ako iiyak' sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin. 

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin

'Hindi batayan ang pagluha kung lalaki ka man o babae. Seb, tao ka. May puso. May nararamdaman. At ngayon mabigat iyang dibdib mo kaya dapat ilabas mo wag mong itago baka bigla kana lang sumabog diyan. Tyaka wala pa namang nababalitaang namamatay ang lalaki pag umiiyak. May kahinaan ka, tao kalang din. Lahat ng tao may karapatang magpakita ng kahinaan lalaki man o babae. That's life' natawa ako. Natawa ako sa sarili ko, kasi tama siya. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni Isabelle at naglabas ng bigat ng dibdib. 

Matapos ng iyak gumaang ang pakiramdam ko

'Thank you, Isabelle' 

Kaya ngayon wala akong paki kung makita nila akong umiiyak. Nasasaktan ako, tao lang din ako. 

'Isabelle I'm so sorry' bulong kong sabi. 

'Mahal na mahal kita'

'I miss you, so much'

'Bumalik kana please di ko kaya' umiyak lang ako ng umiyak kung saan madalas kaming nakatambay ni Isabelle.

Wishing impossible things to happen but please..

Paano na anak natin na tuturuan mo sa pagaaral nila? Sino na magiging ilaw ng tahanan sa binuo nating dream house? Isabelle di ko kaya. Tulungan mo ako, please.

'I love you' bulong kong sabi nanaman.

'Wassup broken hearted man?' bigla kong pinunasan ang mukha ko na basang-basa dahil sa luha. May bigla kasing sumulpot na babae sa harap ko. 

Pagkatapos kong magpunas hinarap ko yung babaeng etchosera.

Halos lumuwa yung mata ko sa gulat at tumalbog ang puso ko sa saya. 

'Isabelle!' sigaw kong yapak sa kanya.

'Sabi ko na babalik ka' sinabi ko iyon habang nakayakap ako sa kanya.

'Wait. Wait! I'm not Isabelle. I'm Belle' pagkasabi nya nun bumitaw ako sa yakap. At tinitigan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. 

Kamukhang-kamukha niya si Isabelle. Xerox coplyn' xerox copy sila ni Isabelle. Siya si Isabelle! sabi ng kabila kong utak. Pero she's dead. Lumayo naman ako doon sa babaeng kamukha ni Isabelle. 

'I'm Belle Santaroza' Pakilala niya. Hyper siya. Aalis na sana ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko

'Hey! Seb!' nilingon ko siya

'How did you know my name?' taas kilay kong tanong sa kanya

'Hula ko lang?' mukhang di pa sya sure sa sagot niya. Tinitigan ko naman siya at di nagsalita.

'Errr- Edi sa ID mo. Duh!' tapos bigla siyang tumawa. Kamukha niya sa Isabelle at medyo magkaparehas din ang pangalan at surname nila. 

Isabelle Toregrosa. Ang full name ni Isabelle at siya ano nga ulit? Belle Santaroza?  

Pero ni isa sa ugali ni Isabelle wala akong nakita sakanyang parehas sila. So different.

And who is she?

She's Not DeadWhere stories live. Discover now