Estudyante Ka Ba?

62.3K 1.3K 589
                                    

Estudyante ka ba?

Anong klaseng estudyante ka sa paaralan ninyo?

Ikaw ba ‘yung tipo ng estudyante na kulang na lang i-perfect ang attendance sa buong linggo na may nakamarkang tardiness?

O ‘yung tahimik lang sa klase na animo’y nakikinig sa guro pero wala namang naiintindihan sa sinasabi nito?

O ‘yung mananahimik lang sa isang tabi’t pasimpleng uub-ob sa desk para matulog habang ngawa ng ngawa ang guro sa unahan?

O ‘yung tingin na lang ang kayang isagot kapag tinanong ka ng guro sa recitation ninyo?

O di kaya ay ‘yung hindi nausuhan ng salitang “advance” at si “cramming” lagi ang kaakibat?

Ganyan ka bang klaseng estudyante?

Sa tingin mo kaya, may pag-asa ka pa kung ganyan ka?

Well, tingnan na lang natin…

Tan Adrian Tibayan. Isang junior high school student na sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay late nang pumapasok sa klase. Laging may warning mula sa kanyang adviser. Magpapa-good shot lang ng ilang araw tapos balik na naman sa pagiging late.

Pasaway pero hindi ganoon kalala na katulad ng ibang mga kaklase niyang lalaki o kahit mapababae man na sakit sa ulo ng mga guro.

Kabilang siya sa pinaka-lower section na klase kaya naman doon mo makikita at makakahalubilo ang mga estudyanteng karamiha’y teacher’s enemy o kaya nama’y mga walang pag-intindi sa pag-aaral.

Mabait kung sa mabait pero kadalasan masungit at aburido sa buhay. Iilan lang sa mga kaklase niya ang masasabing malapit sa kanya.

Palangiti naman siya’t halos nakakausap niya lahat ng mga kaklase niya basta nasa kondisyon nga lang siya.

Magaling mambara, mangatwiran at higit sa lahat, mahilig makipagtalo.

Mapang-asar sa mga kaklase na binabawian naman ng pang-aasar sa kanya ng kanyang guro na madalas ikapahiya pa niya. Isang matipid na ngiti na lang ang kanyang igaganti.

Dakilang batugan pero alam ang salitang “pagkukusa.” Kaya kapag kailangan talaga, pinipilit niyang gamitin ang “pagkukusa” sa abot ng kanyang makakaya.

Dahil diyan, siya ang napag-trip-an ng mga magagaling niyang kaklase na ihalal bilang presidente ng kanilang klase.

“Bakit ako?” turo niya sa sarili na napatayo pa sa kanyang kinauupuan nang marinig ang kanyang pangalan.

“Ikaw na lang. Kaya mo ‘yan!” halos sabay-sabay na sabi sa kanya ng kanyang mga kaklase na sinang-ayunan naman ng kanilang adviser.

Kahit anong pagtanggi niya, wala na rin naman siyang magagawa.

Lagi na ngang late sa klase. Batugan na’t pasaway pa. Ayaw pa niyang humaharap sa harap ng klase. Tapos presidente na ngayon sa klase? Ibang klase!

Anong silbi niya?

Lumipas ang ilang buwan, dagdag trabaho para sa kanya ang pagkakahalal sa kanya ng mga walang hiya niyang kaklase.

Lahat ng sisi, sa kanya ibinubunton ng mga guro niya kahit hindi naman siya ang may kasalanan. Kapag may nagsuntukan, nagsabunutan, nagbulyawan at maging sa kalat ng kanilang classroom, agad itatanong ng guro, “Sino ang president ninyo? Bakit ganito ang section ninyo? Ang gugulo!”

Sa huli, siya pa ang napapagsabihan. Na ikaiinis naman niya’t ikaiinit ng ulo.

Mga kaklaseng walang kusa, tamad na kagaya niya’t mga walang pakinabang na pagtiiisan niya sa loob ng marami pang buwan.

Estudyante Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon