CHAPTER 18 - NOT SO SCARY GANGSTERS

1.4K 39 2
                                    


Chapter 18


LENARD JIMENEZ


Naglalakad kame sa school ground papunta sa gym. Dun na lang namen hihintayin si Kaizer na badtrip na naman panigurado. Kaya nga hindi ko na siya sinundan sa back stage nung nag-walk out siya baka saken niya pa maibuntong ang init ng ulo niya.


Ilang araw na rin nameng pinaghandaan ang game na to. Ang mortal na kalaban nameng West Wolves kasi ang makakaharap namen ngayon.


"I didn't expect this one. Si master sasali sa ganung event this be the day!" manghang sabi ni Jace.


"Yeah, me too. Akala ko nga nagbibiro lang si Lenard," si Zach naman yan.


"Pero bilib din talaga ako sa taste ni Master, wala akong masabi sa partner niya. Ang ganda!" napapailing naman na sabi ulit ni Jace. Siya talaga ang pinakamaingay samen kaya pagpasensyahan niyo na.


"You bet, that was one hell of a sexy babe, pare!" pagsang-ayon ni Rayner, nakalagay ang braso niya sa likod ng ulo habang naglalakad.


"Lagi ka namang bilib sa kanya," si Zach kay Jace. Panigurado magsisimula na naman ang dalawang to.


"Aaw...nagseselos ba ang baby Zacharias ko?" naka-pout na lumapit si Jace kay Zach at kumapit sa braso nito. Sabi na eh ito na ang simula nila.


"Huh?! H-hindi no! Asa! Bitaw nga!" pero hindi siya inintindi ni Jace.


"And not just a pretty face. Isang dean's lister si Shanelle Fortalejo," biglang dagdag ni Allen.


Dahil dun napatigil silang tatlo: si Rayner sa paglalakad at sila Jace at Zach sa pag-aasaran. Sabay-sabay silang humarap kay Allen at nagsalita.


"Kilala mo siya?!" Allen nodded lazily.


"Yeah, I'm the Students Org, Vice President. Paanong hindi ko siya makikilala? Dumadaan muna saken lahat ng ipo-post sa bulletin and her name is always present on the Dean's List."


"Oww~" sabay-sabay na tumango yung tatlo, nakanganga pa. Tapos, ay nagpatuloy ulit sila sa paglalakad.


"But the way Kaizer looked at those punks, his beating them alive in his mind. Ipagdasal nila na hindi sila minukhaan ni Kaizer. Pag nagkataon, makakapag-practice na naman ako," si Rayner habang pinapatunog ang kamao niya.


"Kawawa naman," kailan ba masasanay si Zach sa gulo? Pambihira talaga.


"Okay nga yun Baby Zacharias. Ang tagal na kaya nateng tahimik. Gusto ko ng mag-ingay. Teka, speakig of tahimik, parang ang tahimik yata ni Itachi," inakbayan pa ni Jace si Zach.


Pero tinanggal din agad ni Zach yung kamay niya. "Sabi ng wag mo akong tatawaging ganyan! Pag may nakarinig sayo patay ka saken!" inambaan niya ng suntok si Jace. Pero alam naman namen na hanggang ambaan lang yang mga yan.

Never to Fall In love with a Gangster! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon