Chapter 5

20.1K 430 10
                                    

Published: October 7, 2012

CHAPTER 5

Gabi na nang magising si Tae Kyung.  Saktong pagdilat niya ng kanyang mga mata ay nabungaran niya si Minam na natutulog sa gilid ng bed niya at nakayupyop.

                "Minam!"  Tinapik pa niya ito sa kamay para magising.

                "T-tae Kyung!"  Agad naman din itong nagising.  "Kumusta ka na?"  Alalang-alala siya hindi pa man.

                "Thank God, I'm okay..."  Sarkastiko pa nitong sagot habang dahan-dahang umuupo.

                "Sorry... sorry talaga..."  Lumabi siya at sobra talaga siyang nag-alala.

                "I therefore conclude na malas ka sa buhay ko."  Umismid ito at sumimangot.

                "Sorry na nga.  Feeling ko kasi nananaginip ako kaya naitulak kita.  Sorry na talaga."  Sumamo pa rin niya dito.  "Nagugutom ka ba?  Ikuha kita pagkain?"  Pag-iiba pa niya.

                "'Wag na!  Baka lasunin mo pa ako!"  Tanggi naman din agad nito.  Iniinis lang naman niya ito.  Labis talaga ang pag-aalala niya para dito kanina.

                "Tae Kyung naman, e..."  Tila bata pa siyang nagmukmok sa isang tabi.

                "'Wag kang lalapit sa akin ha!  Disgrasya inaabot ko sa'yo!"  Masungit pa niyang sabi at sumimangot naman si Minam.

                "Eto na nga, o.  Lumayo na..."  Maktol pa niya at kahit papaano'y nakahinga na rin siya nang maluwag.  Ang importante'y safe ito.

                "Si Mr. Han?"  Iginala pa niya ang tingin.

                "Halos kakauwi pa lang.  Dinalhan ka ng pagkain.  Ayaw na ayaw mo raw ng hospital food."  Itinuro pa nito ang  pagkain sa may side table.

                "Eto kakainin ko 'to, kasi hindi galing sa'yo."  Agad pa nitong kinuha ang pagkain at sinenyasan siyang iabot ang bed table.

                "Sorry, Tae Kyung ha..."  Muli ay ulit niya.  "At thank you rin for saving my life."  Seryoso pa nitong sabi.

                Sa halip na kumibo ay nagkunwari na lang siyang walang narinig.

                "Kumain ka na ba?"  Tanong na lamang nito.

                "Hindi pa."  May kasama pang iling na sagot niya.  "Hindi kasi ako makakain kanina.  Nag-aalala kasi ako sa'yo."

                "Puwes, bumili ka sa labas!  Hindi kita hahatian dito."  Masungit pa niyang sagot.

                "Ang dami naman niyan..."  Sinilip pa niya ang pagkaing hawak nito.  "'Di mo mauubos.  Akin na lang ang matitira mo..."  Kinagat niya ang kanyang labi at sa totoo lang ay ngayon na lang niya naramdaman ang pagkalam ng tiyan.

                "Tira ko, kakainin mo?"  Kumunot pa siya.  Hindi siya makapaniwalang wala man lang itong selan.

                "Bakit naman hindi?  Nagba-brush ka naman palagi."  Ngumisi pa siya at wala sa sariling hinimas ang tiyan.  Nagugutom na talaga siya.

                "Really?"  Hindi niya maiwasan ang mangiti sa nakitang reaksyon nito.  Halata kasing gutom na gutom na ito.  "Bakit ba kasi sa pool ka pa nagbihis kanina?  Muntik ka na."  Parungit pa niya.  Gusto niyang gutumin ito nang husto.  Agad pa niyang sinundan nang malalaking subo ang pag-uusisa.  "Hindi ka pa nahuli!  Sayang naman..."

HE'S MY GIRL!Where stories live. Discover now