Chapter 26: Jaron's Love

1.5K 45 5
                                    

**Jaron'sPOV

    It's Saturday and it's a good day to start my moves on Riya. Matapos kong mapatunayan sa sarili ko na mahal ko pa talaga si Riya, na-realize ko na hindi dapat ako sumuko. Their relationship is not official. And if I have to be the bad guy, then I will be the bad guy.

   Nagkapatawaran lang naman sila. Hindi naman nila itinuloy yung relasyon nila. Siguro nga't pareho nilang mahal ang isa't-isa pero that doesn't mean na sila na talaga. I can still fight for my love.

  Papunta na ako ngayon sa bahay ni Riya. Desidido ako sa gagawin ko. Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para mapa-sa akin siya. Sa mga nangyari sa kanya nung si Lance ang pinili, hindi niya deserve yon. She deserve someone better. Someone like me.

"Good Morning!" Bungad ko kay Riya nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ang aga mo?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"I just wanted to see you. Can't I?"

"Now you see me. You can go." Seryosong sagot niya at aktong isasara na ang pinto pero pinigilan ko ito.

"Come on. Isang taon tayong hindi nagkita. Madami tayong pagkukwentuhan." 

   Tinignan niya lang ako ng masama atsaka na niya binuksan ang pinto at pinapasok ako. Dire-diretso siyang nagpunta sa living room at umupo sa sofa para ituloy ang panunuod niya. Nanunuod siya ng isang cooking show kung saan nagtuturo mag-bake ng ensaymada. 

  Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya sa sofa. Dun ko lang nakita na kinokopya niya pala lahat ng sinasabing procedure sa t.v. Natawa naman ako ng mahina.

"Anong tinatawa-tawa mo?" Masungit na tanong niya ng mapansin niyang tumatawa ako. 

"Para saan ba yang ginagawa mo? Bakit parang serious na serious ka dyan?" Tanong ko nang hindi sagutin ang tanong niya.

"Obvious ba? Gagawa ako ng ensaymada. Wala na kasi akong sponsor, may lovelife na. Kaya gagawa nalang ako mag-isa ko." Sagot niya pero hindi siya tumitingin sa akin.

"Sino bang sponsor na yan?"

"Si Stefan. Suko na daw siya sa akin. Magmo-move on na siya. Kaya ayun, hinayaan ko na muna siya sa piling ng bago niyang lovelife."

  Sumuko na si Stefan? Yung taong mahigit isang taon niyang kasa-kasama? Bakit? Bakit ganun-ganun nalang niyang tinanggap ang pagkatalo niya? Hindi ba't mahal niya rin si Riya? Bakit hindi man lang siya lumaban? Kung ako ang nasa posisyon niya, matagal na sigurong napa-sakin si Riya.

"Ah ganun ba. Paano kung ako naman kaya ang pumalit sa kanya?" Out of nowhere na tanong ko. Napansin ko ang biglang paghinto niya sa ginagawa niya ng marinig niya ang tanong ko. Nakataas ang isa niyang kilay ng tumingin siya sa akin.

"Anong kalokohan nanaman yan?" 

"I mean diba? Wala na si Stefan, wala ka ng makakasama sa mga lakad mo. Wala ka ng kaibigan na mapagsasabihan ng problema. Wala ka ng sponsor ng ensaymada. Pwede akong pumalit sa kanya." 

 Umikot ang mga mata niya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya. Tsk! Napanghinaan nanaman ako ng loob. Bakit ba hindi ko pa sinabi?

"Nandyan na si Ate Cairah para samahan ako sa mga lakad ko. Bumalik na rin si Nico. At hindi ko na kailangan ng sponsor dahil ako na ang gagawa para sa sarili ko. Can't you see? Wala ka na talagang magagawa para sakin. Wala ka ng silbi sa akin." Seryosong sagot niya.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Where stories live. Discover now