hihintayin kita kahit alam kung huli na

448 9 0
                                    


"Hihintayin kita kahit alam kung huli na"

Hihintayin kita kahit huli na, ito ako patuloy na hinihintay ka, kahit alam ko na wala naman itong patutunguhan, dahil alam ko na iba ang mahal mo..

Iba ang mahal mo at hindi ako.

Heto ako nag hihintay parin sayo, hinihintay na ibigin mo ako, hinihintay na mapansin mo ako.

Kasi mahal kita!
Eh ako  mahal mo ba ako? Oo nga pala alam kung "hindi" ang sagot mo dahil siya ang mahal mo at hindi naman ako.

Pero kahit ganoon ay patuloy parin akung umaasa na mapapasa akin ka pa.
Pero huli na pala, huli na ako, dahil ikakasal ka na, ano nga bang magagawa ko ako lang naman yung tao na wala lang para sayo, wala lang kahit kanino.

Hindi ba?
Hindi ba mukha akung tanga na hinihintay ka, na minamahal ka, na umaasa sayo, at hinihintay na mapa sa akin ka.

Wag kang mag alala hihintayin kita kahit alam kung huli, sanay naman ako sanay na hinihintay ka sanay na  nasasaktan dahil sayo....

              Wakas

Spoken Poetry Where stories live. Discover now