CHAPTER ELEVEN

15.4K 130 16
                                    

Salamat po sa lahat ng nagcocomment at nagvovote. Hehe..

Nakakatuwa lang kasi may mga hulang natama.. :) kung kanino man yun..

SIKRETONG MALUPIT!!

Ok.. UPDATE ULIT AKO..

CHAPTER ELEVEN

LESSON LEARNED NO.2: stop being IMMATURE

Habang sinusulat ko yan, umiiyak ako. Kasi naman. Parang isang teen ager ako kung umasta. Diba nga past na yun? Nangyari na ibig sabihin. Wala na rin akong magagawa kahit pa kalimutan ko siya. Nangyari na eh,. Ok. Para matapos na tong isa pang bumabagabag sa isip ko.. kakausapin ko ulit siya..

Tumayo na agad ako sa kama ko at lumabas.. hinanap ko siya at madali ko lang naman siya nahanap. Nandun siya sa may dalampasigan nakaupo. Palubog na ulit ang araw. Parang ganito lang nung..... wala..

" V-Van...." Mahina lang pero sigurado akong narinig niya. Tanging hampas ng tubig at ihip ng hangin lang naman ang maririnig mo kaya sigurado akong narinig niya yun.. at hindi nga ko nagkamali.. kasi nakita ko siyang lumingon. Humarap siya sakin. At awkward naman akong ngumiti sa kanya.. nahihiya parin kasi ako..

"p-pwede bang tumabi?" tanong ko... pero tinignan niya lang ako at tumingin na ulit sa dagat.. tumabi nalang ako sa kanya..

" V-Van" simula ko... tumingin ako at nagsalubong ang mga mata namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero parang biglang lumundag ang puso ko nung Makita ko ang mga mata niya..

" s-sorry..." tapos iniwas ko ang tingin ko... kaya lang.. napaharap ulit ako sa kanya nung magsalita siya..

" no need.. ako ang dapat magsorry dahil sa pagiging selfish ko.. so.. what happen to you? Can we start again? Being friends?" medyo awkward pero ngumiti ako at tumango tango..

" sure.." I said.. tapos umiwas na ulit ako ng tingin at pinagmasdan ang malawak na karagatan. Tahimik lang kami pareho. Walang nagsasalita samin. Basta magkatabi lang kami..

'' wala na kami... '' nagulat ako nung magsalita siya pero mas nagulat ako sa sinabi niya..

'' bakit ? anong nangyari ?'' tanong ko..

'' may iba na siya ehh..'' sagot niya..

''o-ok ka lang ba?'' naisip ko tuloy bigla kung anong iniisip ni Michael.. hayyyy... wag na nga muna pagusapan. Nagaalala din ako kay Van ehh..

" yeah.. kasi narealized ko din na hindi ko na siya mahal ehh.." sagot niya..

" ha? Pero diba?????" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko..

" Iniisip ko noon na mahal ko pa siya pero iba pala yun sa nararamdaman.." kahit hindi ko siya masyadong maintindihan.. tumango nalang ako..

" ehh bakit pala nandito ka kung ganun?" kasi ako nandito para magisip..eh siya?

" nandito ako para magisip at magbago...para na rin sana magmove on at makalimot pero parang di ko naman magagawa.." sagot niya at saka siya ngumiti...

" ha? Akala ko ba di mo na siya mahal?" tanong ko. Kasi diba? Eh bakit siya magmomove on?

" hindi ko naman sinabing kanya ehh... sa iba..." sagot niya tapos tumayo na siya..

" kanino pala?" tumingala lang ako sa kanya...

''AHHHHHHHHHHHHH'' sigaw ko.

Hala, ano daw ? di ko narinig yung sinabi niya ehh.. bigla kasi siyang naglakad palayo tapos kasabay nun ay ang paghampas ng malakas na alon.. at nabasa ako...

" WALA. Haha.. sige na. magpapahinga na ko... napagod ako sa byahe ehh... BYE FRIEND!!!" tapos tumakbo na siya..

Napangiti nalang ako. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang sarap sa pakiramdam.. haha...

''BYE '' nabulong ko nalang.. tapos ngumiti at nagsimula nang maglakad papunta sa room ko..

-----

Wala lang.. gusto ko lang magupdate. Haha... sana nagustuhan niyo kahit papano...

~~

VOTE/COMMENT/FAN

Oha.. may tumama diba?

pasalamat kayo sa kanya kasi ginanahan akong magupdate kahit papano. at nawala ang BV ko ng bonggang bongga dahil lang sa isang kaway at ngiti nya. kainis. nalandi nanaman ako.. well. part yan ng pagiging dalaga... single ehh.. :)))))))) yay.. kakiligssss talaga... haha. sorry. nagshare lang.. :)))

PARTNERS in BEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon