Prologue

1.2K 24 2
                                    

Janelle's POV

"Cedric magising ka sa katotohanan. Hindi dahil sa may feelings ako sa'yo kaya ko sinasabi at ginagawa 'to. Dahil kaibigan kita."

"Hindi ako naniniwala na magagawa niya sa'kin 'to!!"

"Hindi pa ba sapat na katibayan 'yang pictures? MAGISING KA SA KATOTOHANAN CEDRIC. HINDI KA MAHAL NG GIRLFRIEND MO!!"

"Janelle!! 2 years na kami at imposible na hindi niya ako mahal."

 Oo sinabi niya 'yun. Pilit niyang pinagtatanggol ang girlfriend niya pero tumulo na ang luha sa mga mata niya.

 "Ced!! Hulihin mo siya sa akto para mapatunayan mo. Pero kung ako sa'yo hayaan mo na siya. Sapat na katibayan na ang nalaman natin na bukod sa'yo ay may boyfriend pa siya."

 Napayuko siya.

At aalis siya bigla. Pinigilan ko siya.

 "San ka pupunta?"

"Kakausapin ko siya!!"

"Wag na Ced! Hayaan mo na siya."

"Kailangan niyang malaman na alam ko na."

"Magmumukha kalang tanga!"

"Janelle hindi ko kaya 'to!"

 Umiyak siya.

 "Sige Ced, iiyak mo lang 'yan. Kaya mo 'yan."

 Yumakap ako sa kaniya.

 "2 years naging kami! Pa'no niya nagawa 'to? Ano ba ang kulang sa'kin?"

 Hinimas ko ang likod niya.

 "Wag kang mag alala. Ganiyan talaga. Hindi lang sa'yo nangyayari 'yan. May mas malala pa diyan. Basta andito lang kami sa tabi mo. Next time sana wag ka na magpakatanga. Makiramdam ka. Kaya mo 'yan. Hindi ako aalis sa tabi mo."

 Habang umiiyak siya ay naisip ko nung una na hayaan ko nalang na matuklasan niya na may iba ang girlfriend niya. Pero ang unang pumasok sa isip ko ay tulungan siya.

Baka kasi kung ano ang gawin niya pag wala ako sa tabi niya. Natatakot ako na lalo siyang magmukhang tanga kaya lahat gagawin ko para sa kaniya. Mahal ko siya at inaamin ko ay hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kaniya. Kahit walang kapalit lahat ng gagawin ko ay okay lang. Ganiyan siguro talaga pag mahal mo ang tao. Isa sa dahilan kaya ayaw niya akong ligawan ay masaya siya sa pagiging magkaibigan namin. Okay lang atleast walang break up. Pero umaasa ako na one time ay magiging kami ni Cedric.

 Malapit nang magpasukan. Sana bago magpasukan ay unti unti na niyang matanggap ang lahat.

First year high school palang ay sila na g girlfriend niya. Ngayon ay 4th year na kami sa pasukan. Hope madali niyang matanggap ang lahat.

Elementary palang kami ay crush ko na si Cedric. Nagkaboyfriend din naman ako pero si Cedric parin ang laman ng isip ko. Hindi sa umaasa ako na magiging kami na dahil pareho na kaming single. Masaya ako dahil wala na akong kaagaw sa bawat lakad namin. Kailangan kong sabihin sa kaniya na wag muna kaming maghanap ng lovelife para kahit hindi man kami. Masaya ako.


The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon