Para sa mga LDR (Long distance relationship)

135 2 0
                                    


"Distansiya lang yan. Kaya natin to."



__________________________________________________________________


If your current relationship status is LDR, then you probably heard that statement above before. No? Edi wala siguro kayong masyadong problema ng syota mo?


Because that's what me and my old ka-fling are always telling each other when we talk. Everything was going really well but the thing that was missing was the presence of each other. I'm studying in Manila, he's studying in Cebu, boohoo.


It was difficult at first. Ang hirap. Kasi syempre kapit lang kayo sa text messages ng isa't isa.


The usual, "Good morning bae! Have a great day! Pasok na po ako. Ingat ka! I love you."


But rather than that, mas okay if he texted, "Good morning bae! Sabay tayo pumasok ha, sunduin kita dyan. I love you."


Effin' feels right there.




One of the things I also experienced was late night calls.


Yun lang kasi yung time na as in makakapag-usap kami without any disturbance. Naghihilik at nananaginip na ang mga tao habang nagbubulungan pa kami ng mga kalandian sa phone. And also, video calls.


Pa-chat chat lang, pasend send ng pictures ng isa't isa. Minsan nga, videos pa just to make each other smile.




Another thing na nagpapahirap sa LDR is natetest yung trust.


Kung wala ka non, ay nako te, makipaghiwalay ka na.


Ang hirap kasi makakuha ng assurance especially kung malayo siya sayo. Yun ngang magshotang magkasama everyday, nakakapangaliwa pa yung isa eh. Paano pa kaya ikaw na hindi naman kayo nagkakasama?


Di kasi maiwasang hindi magduda. Lalo na tayong mga babae, konting kibot lang, naiisip natin na may iba na agad sila.


Kailangan ng isang malaking tiwala at syempre loyalty sa isa't isa. Pag kasi ikaw lang yung loyal, katangahan na yan.




Nakakainis din minsan kapag nawawalan na ng time sa isa't isa. Alam mo yun? text at calls na nga lang way niyo para makapag-usap, hindi ka panirereplyan or di sinasagot yung phone? hirap lalo na kung busy!


Magkaiba kayo ng sched tapos minsan di na siya nakakapagload kasi pagkauwi niya, diretso tulog na. May mga linggong dumadaan na twice lang kayo nakakapag-usap.


Di ka naman clingy, gusto mo lang masure na okay siya kasi syempre nag-aalala ka din naman sakanya.


Gusto mo din mafeel na may pakielam din siya sa'yo.


Pero since hindi siya nagpaparamdam, naiisip mo na baka ayaw na niya. Nagsawa na siya. Or worse, may iba na siya.




For me, kung papasok ka sa LDR, you're taking a big risk.


Although every relationship is, iba to eh. Iba.


Mahirap, masakit, nakakapagod.



But kahit ganon, the important thing is nobody would stop trying. Yun lang.


As long as you really love each other and you prove it by keeping in touch, nothing can go wrong. Diba?




Kasi di naman siguro kayo forever na magkalayo. One day magkikita din kayo and hanggang di pa dumadating yung time na yun, tiis tiis lang muna.


You don't need physical affection to stay in love. As long as you remind each other that you still care, kering keri niyo yan!


Kinaya mo ngang maghintay ng matagal para dumating siya eh ano pa yung nandyan na siya, hinihintay mo nalang na magkasama kayo, diba? Edi mas kaya!!!




True love is worth the wait! <3

Para sa Love Sick (Love Advices)Where stories live. Discover now