Sparks

26.9K 767 101
                                    

Sa school, kausap ni Anika si Lexi na nawalan din pala ng ulirat kagabi, "Akala ko nga friend, end of the world na!"

Gaya ni Anika, ang huling naaalala lang ni Lexi...ang malakas na liwanag. Sabay silang nagising ni Stella. Sabay din silang umalis at sinabihan ni Joe na, "Okay na ko. Let me take care of Anika."

Pero napansin ni Lexi, si Anika, parang hindi okay kanina pa.

"Friend, magsalita ka! May ginawa ba sayo si Joe?"

"Oo!" sagot agad ni Anika.

"Ha! Pinagsamantalahan ka na naman ba nya?"

"Hindi!" correction ni Anika. "Nagluto lang siya ng breakfast..."

"Ay! Ang sweet mo talaga Joe!" Kinurot-kurot ni Lexi ang katabing si Joe.

Habang si Anika kinukurot pa rin ng guilt...

Bumalik nga si Joe, umalis naman si Steffi!

"Hayaan mo na yon! Este hayaan mo muna syang makapag-isip friend"

Naisip ni Anika. Kung tutuusin sanay naman talaga siya na hindi umuuwi si Steffi. Ang hindi siya sanay ay umalis ito na may galit sa kanya.

"Nakakagalit naman talaga ang balitang to!" habang binabasa ni Lexi ang headline sa newsfeeds nya. "Isang Dalagitang Lumayas, Natagpuang Patay!"

Juice colored!

Nag-alala tuloy lalo si Anika para kay Steffi. Nagpasyang hanapin ang kapatid.

Kaso may naghanap din kay Anika,"Miss Andres!" tawag siya ni Bb. Dracula. "Nasan na ang thesis mo? Paki-submit sa office ko mamaya."

Patay! Dala ni Steffi ang laptop. Kung saan naka-save ang final draft niya! Paano na yan? Ang kamalasan nga naman bumibisita uli sa kanya!

Lexi suggests "Kalma! Itext mo na lang si Steffi..."

"Ayaw nga umuwi, magreply pa kaya sa text?"

"O gamitin mo na lang laptop ko! I-type mo uli thesis mo!" biro ni Lexi.

"Kung kabisado ko lang lahat ng 80 pages na sinulat ko!" maiyak-iyak na si Anika.

Hanggang sa sumabat si Joe, "Hey Anika, ako kabisado ko..."

Minsan nang tinulungan ni Joe si Anika sa paggawa ng thesis. Hindi lang ito tinanggap ni Anika dahil parang lumabas na hindi siya ang gumawa.

"Pero ngayon, hindi na plagiarism yon friend!" paliwanag ni Steffi "Kasi ita-type na lang ni Joe ang naka-save na thesis mo sa utak nya!"

Pumayag si Anika. Wala na siyang ibang choice. Batid nyang wala naman mali sa gagawin niya.

Nilabas ni Lexi ang laptop. Nagsimulang magtype si Joe. Sobrang bilis.

Halos sumabog ang keyboard. Mas mabilis pa sa 360 wpm. Lahat kabisado niya. Kaya wala pang 30 minutes. Tapos na ang thesis ni Anika!

"Very good Miss Andres! Interesting ang thesis mo!" comment ni Bb. Dracula nang maipasa ni Anika ang thesis on time.

***

Timing naman nang maalala uli ni Anika si Steffi , nakita niya si Melvin with friends.

"Melvin, nakita mo ba kapatid ko?" tanong ni Anika. "Kagabi pa kasi siya hindi umuuwi."

Ang sagot lang ni Melvin, "Hindi e!"

Sabay alis si Melvin. Parang umiiwas.

Si Anika, hindi umiwas. Desididong hanapin ang kapatid. Hindi nya kayang hayaan na lumipas pa ang isang gabi. Ayaw niyang lumala ang alitan nila ni Steffi.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon