Missing Mr. IDK

208 13 8
                                    

It's been 4 months since I left Korea, 1 week din ako nag stay doon. Sa last day ng stay ko dun, I met him.

Ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko yung mga pictures ko na nasa Korea pa ako namimiss ko ang isang tao na hindi ko naman kilala. I feel lonely whenever I see those pictures, lalo na yung necklace na galing din korea.

Katapat ko ngayon yung lappy ko at nag-eFB, tapos ko na kasi basahin yung kwento dun sa wattpad na "In love with my Bestbud" kaya nagFB nalang ako. Dahil sa wala naman akong notifications or what so ever na kachat, nagpunta nalang ako sa timeline ko nakita ko na naman yung "Korea" kong album, dun nakalagay yung mga pictures ng mga lugar na napuntahan ko at tsaka yung kasal ng bestfriend ko.

Habang nag-i-scroll down ako, nakita ko din yung isa pang album na ang title naman ay "Strangers". Yun yung album kung saan kasama ko ang isang lalaki na hindi ko kilala. Binuksan ko yun tsaka tinignan isa isa yung mga pictures. Haist miss ko na naman sya, bakit ba kasi ganun? Di ko nga sya kilala eh! Bakit ko sya namimiss?

=====FLASHBACK=====

Nandito ako ngayon sa Incheon,Korea para sa kasal ng bestfriend ko, ako kasi yung bridesmaid sa kasal nila ng koreano nyang fiance.

Yung first day ko dito, naglibot libot muna kami ng konti around lang dito sa Incheon. Yung second day ko naman ay in-spend ko sa pagtulong sa mga kulang or dapat pang ayusin para sa kasal bukas, ayaw nga nila akong patulungin dahil bisita daw ako at bestfriend ako ni Nathalie, pero dahil sa kulit ko ay hinayaan na din nila ako.. Pinanuod ko din kung paano nila gawin yung kimchi.. ang trabaho pala gawin nun..

Yung third day naman yun na yung kasal, naghahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Saya, dahil sa wakas nahanap na ng bestfriend ko ang lalaking magpapasaya at makakasama nya habang buhay. Lungkot naman dahil hindi ko na sya makakasama sa mga gimik at dahil balak nilang magsettle dito sa Korea dahil nandito parehas yung trabaho nila. Nasabi ko bang magkahalong Korean at Philippine tradition yung kasal nila? Well kung hindi pa.. ayan nasabi ko na..

Yung mga babaeng entourage ( including me ) ay mga naka dress or gown at yung mga lalaki naman ay mga naka suit and tie. Yung parents naman nung lalaki ay naka hambok ay ano ba? hanbok? hahaha basta yung traditional korean dress. Ganun din yung suot ng ikakasal. Sila tita at tito naman, yung parents ni Nathalie, naka gown at suit and tie sila. Kaya mix tradition di ba?! Natapos yung kasal ng maayos at naaayon sa plano nila at masaya ako para sa kanilang dalawa. Medyo naluha nga ako habang nagpapalitan sila ng vow.. ang sweet kasi eh..

Pagkatapos ng reception dumiretso na ko sa hotel na tinutuluyan ko. Kasabay ko si Jane, yung kapatid ni Nathie. Tinanong nya ko kung uuwi na daw ba ako bukas kasi sya uuwi na kasabay ng parents nya, sabi ko sa kanya hindi pa muna dahil gusto ko pang maglibot libot muna dito sa Korea.

 Kinabukasan, after namin magbreakfast nila tita, tito at Jane. Nagpaalam na sila sakin na aalis na sila at babalik na sa Manila. After namin magpaalam sa isa't isa, sumakay na ko sa bus para pumunta sa iba't ibang lugar na malapit dito sa Incheon. 

Nung mga 8pm na ko nakabalik sa hotel at medyo madami daming picture din ang natake ko ngayon. Buti nga at uso ang GPS kung hindi siguro na wala na ako.. Salamat talaga sa nag imbento ng GPS na yan hahaha.. Dalawang araw din ako naglibot kung saan saan pero di ko parin napupuntahan ang capital ng South Korea which is Seoul, dahil pinlano ko talaga na yung last day ko ay i-spend ko sa Seoul.

Missing Mr. IDKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon