Author's Note (Na Naman)

7.7K 193 19
                                    


Hello again, readers! Salamat sa pagsubaybay ninyo sa kuwento ni Anj. Ia-assume ko nang nabasa ninyo na din, by this time, ang kwento naman ni Em. Kung di nyo pa nabasa, by all means, basahin ninyo na. Complete story din dito.
Hindi ko mapapangako na palaging available ang mga complete stories dito sa Wattpad. For the past years nandyan lang sila. Pero walang forever. May mga account/stories na nawawala na lang bigla. Hindi na naibabalik for some reasons.

To my avid readers, palagi kong kinakampanya ang Facebook page ko na :

JasmineEsperanzaAuthor

Magkaproblema man dito sa Wattpad (na sana naman ay hindi) at least, magkakabalitaan pa tayo through Facebook. Kaya sana ay mag-like ng page ko at mag-follow sa akin ang mga hindi pa nag-follow doon.

Tungkol naman sa sinasabi kong plano na sequel ng kwento nina Em at Anj, actually, matagal nang plano iyon. Kasabay iyon ng planong magkaroon ng Batch 2 ang collab series na ito. Kaso hindi natuloy ang collab. Natengga na rin tuloy ang balak kong sequel nila.

But recently, I felt that I have to write about them. Again. Marami sigurong magbabago kumpara noong mga nakaraang taon na binalak namin na gawan ito ng Batch 2. But I will do my best na magustuhan ninyo din ang sequel.

Ngayon pa lang sinasabi ko na, pang-matagalan ang update ng sequel. I am busy with so many things pero sisikapin ko na maisingit na maisulat ang kwento nila. Sana huwag kayong mainip sa update. I will post every update. Malamang hindi kasing-pulido ng mga naunang kwento ko dahil rough draft lahat. Maging ang takbo ng istorya ay malamang na magkaroon pa ng changes from time to time.

I will post every time na may maisusulat ako sa kanila. But please have patience if I happen to delete some scenes later on, or revise it. Kumbaga, sasamahan ninyo ako sa journey ko sa pagbuo ng kwento nila.

This is something new for me.

Hindi ko pa pinabasa kahit kanino ang alinman sa kuwento kong hindi pa tiyak ang takbo ng istorya. Ngayon pa lang kung sakali.

Kahit nga title, iniisip ko pa. Puwedeng working title muna. saka na lang ang final title.

Game ba kayo? Sino ang sasama sa akin sa eksperimentong ito?

<3 <3 <3




Strawberries & ChampagneWhere stories live. Discover now