39

16K 270 7
                                    






A L A S N E


Walang buhay ako pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si timothy kahit sabihin pa nating simpleng halik lang yon bakit di niya nagawang iwasan man lang o itulak yung hannah na yon?


Gabi na ng makauwi ako sa bahay tulog nadin ang mga bata bago ako pumasok sa kwarto para mag pahinga ay sinilip ko muna yung dalawa at nag tanong sa yaya nila sino ang nag sundo at nag sabing si Timothy padin daw pero kanina padaw ako hinahanap ng dalawa hanggang sa makatulog na ang mga ito.

Huminga ako bago pumasok sa loob ng kwarto namin. Alam ko na nasa loob si Timothy kaya kailangan ko ng lakas para harapin siya.


Pag bukas ko ng pinto nakita ko siyang nakaupo sa kama at ang paa nito ay nababalot ng kumot at ang mga kamay nito ay may hawak na libro na binabasa niya. Bumaling ang tingin nito saakin kaya binaba niya ang hawak niyang libro ako naman ay nag daretsyo-daretsyo sa banyo para mag palit ng damit.


Pag labas ko ay ganon padin ang pwesto niya pero ang atensyon nito ay nasakin na siguro inaantay ang pag labas ko.

Daretsyo-daretsyo akong humiga at di siya pinansin pero tinawag niya ako at sinabing mag usap daw kaming dalawa.

" Wife... let's talk " ani nito pero di ko siya pinansin at pinikit ang mata ko.

" Talk to me please " ani pa nito.

" Matulog kana alam ko pagod ka at pagod din ako kaya please lang Timothy " ani ko dito.

" Let's talk first and matutulog na tayo "

" Wala tayong pag uusapan pa " ani ko.


Ano paba pag uusapan namin? About sa hannah na yon?

" Hayaan mo naman ako mag paliwanag yung nakita mo kanina hindi ko kagustuhan yon " ani nito kaya napatayo ako sa hinihigaan ko at tinapat siya.

Ngumiti ako dito pero pekeng ngiti lamang.

" Pinag loloko mo ba ako? Hindi mo kagustuhan na halikan ka ng linta na yon? Bakit hindi mo man lang siya itulak or wala kaman lang ibang ginawa Timothy!! Nag text ako sayo at tinanong ka kung asan ka anong reply mo? Nag sinunangaling ka! Hindi ka naman ganyan sakin ah bat parang ang dami mong tinatago saakin? " hindi ko na makontrol ang sarili ko. Gusto ko magalit na magalit sakanya gusto ko siya sigawan pero baka magising si Tamara at Theo.

" Hindi ko sinabi sayo na mag kasama kami kasi alam ko na magagalit ka saakin and yung halik niya kanina nagulat ako kaya di ako nakapag react agad and nooo! Wala na akong ibang tinatago pa sayo? " Kunot noo na sagot nito saakin.


" Paano kung may ibang lalaki na humalik saakin at sinabi ko din sayo na di ko alam na gagawin niya ang bagay na yon at di rin ako nakapag react kasi nagulat ako? Ano mararamdaman mo? " tanong ko sakaniya.

" Hello no. Walang ibang lalaki gagawa non sayo hindi ako papayag " nakakunot ang noo nito habang sinabi ang mga salita na yon.

" Oh diba magagalit ka? Baka nga mapatay mo pag ginawa sakin yon diba? Masakit sakin Timothy na makita na may ibang babae na humahalik sayo asawa mo ko Timothy alam mo ba kung ano naramdaman ko kanina makita lang kayo mag kasama masakit na sakin yung reply mo palang lalo na nung halikan ka niya doon na ako sumabog masakit sakin Timothy " Ani ko dito.

Lumapit siya saakin at niyakap ako.
Naiiyak ako sa galit. Gusto ko gupitin yung nguso nung hannah na yon.

" I'm sorry " ani nito.

" Paulit-ulit nalang tayo sa sorry na yan Timothy lagi nalang tayo mag aaway sa babae na yan? " Tanong ko dito. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

" No baby No! Titiyakin ko na di na mauulit yon lalayo na ako kung pwede aalisin ko na ang pagiging mag patner namin sa kompanya for you gagawin ko " ani nito at muli akong niyakap.

Paulit-ulit siyang nag sorry saakin at tinanggap ko naman ano ba magagawa ko mahal ko siya at alam ko mahal niya din ako at hindi iyon ang makakasira saaming dalawa kailangan namin mag matured parehos lalo may dalawa na kaming anak. Wag lang talaga papakita saakin ang babae na yon.


Kinabukasan papasok na sana ako sa store ng may mapansin akong sasakyan mula sa labas ng shop. Ang aga naman ng costumer ngayon?

Pumasok ako sa loob at binati ang mga nag tratrabaho sa loob sila andy ang mga empleyado ko dito mahuhusay silang designer at mananahi.

" Ma'am may babae po na nag hahanap sainyo ayon po siya. " tinuro nito ang babae na nakatayo at tumitingin tingin sa mga damit na nasa tabi nito.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko dito at kinunutan ito ng noo.

" Oww! Ganyan kaba bumati sa costumers mo? " Nakangising sabi nito saakin at tinaasan ako ng kilay.

" Impakta at hindi costumer ang dapat itawag sayo hannah. Ano ba ginagawa mo dito? Kung plano mo sirain ang araw ko makakaalis kana bukas ang pintuan para sayo. " ani ko dito at nginisian siya.

" Attitude ah! Nag tataka ako bakit ba pinatulan ni Timothy ang isang katulad mo? Eh di hamak naman na mas maganda ako kaysa sayo at sure akong mas karapat dapat ako sayo " sabi nito.

Well kung gusto niya ng gulo edi! Game! Pag bibigyan ko ang impakta nato.


" Well para sabihin ko sayo Hannah the impakta. Hindi ganda ang habol ni Timothy sa isang babae kundi ang attitude nito. Napansin mo attitude ko? Eh bakit di yang attitude mo ang pansinin mo? Mahiya ka yang baho ng ugali mo naamoy masangsang pa sa basura at tiyaka aanuhin mo payang ganda mo eh kung yang ugali mo puro uuod ang laman? " Ngumisi ako dito.

Nakita ko ang paglaki ng mata nito at ang pag kuyom ng kamao nito kaya pinag patuloy ko ang pag sasalita.

" At ano sabi mo karapat-dapat ka para sa asawa ko? Asan? Saan banda ang karapatan-dapat na sinabi mo? Eh, mula ulo mo hanggang paa masang-sang na. Ilang pamilya naba nasira mo? Oww wait ugali mo ba talaga yan kamag anak kadin ata ni zia kaya habol ka ng habol sa asawa na may asawa na. Tiyaka yang suot mong damit at yang sapatos mo pati yang mga kolorete mo galing din ba yan sa mga sugar daddy mo na sinira mo ang pamilya? " tinaasan ko ng kilay ito at tinignan mula ulo hanggang paa.

" How dare you? " Sasampalin na sana ako nito ng maunahan ko siya.

" Yan para yan sa pag halik sa asawa ko at ito *pak* para sa pag sira mo ng araw ko at ito isa pa *pak* para yan sa pag dumi mo dito. Please lang yang kadumihan ng pag katao mo wag mo dalhin kung saan-saan okay? Sa susunod na inisin mo pa ako di lang yan ang makukuha mo mula saakin susuntukin na kita sa susunod."

Nakahawak ito sa pisngi niya na namumula dahil sa pag tampal ko.

" Hindi pa tayo tapos " ani nito at kinuha ang bag niya at lumabas na.

" Okay sabi mo eh! Make sure mo lang handa ka ah? " ani ko dito bago siya lumabas.

Padabog itong lumabas kaya naman napatawa nalamang ako dito. Wag ako bitch.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon