Pangako... (One Shot Story)

528 6 5
                                    

Naranasan mo na bang mangako sa isang tao??

Kung oo na.. Mag-iingat ka. Baka sa mga binibitawan mong salita, ay magsisi ka....

------------------------------------------------------------------------------------------------------

College student ako ngayon...

Actually, 4th year na.. Apat na taon na pala akong hindi nakaka-uwi dito sa amin...

Wala na akong balita sa kaibigan ko, pati sa bestfriend ko..

Oo nga pala, ako si Coleen.

May bestfriend ako, si Kaye...

Since elementary, dikit kami nyan lagi..

Siya lang ang nag-iisa kong pinagkakatiwalaan lalo na sa school..

Ang mga lihim namin... Lahat-lahat...

Kaya nung highschool, parehas din kami ng pinasukan na paaralan...

Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya...

Kaya lang, nung pag-college... May sari-sarili naman kaming pangarap, kaya nagkahiwalay kami..

Magkaibang landas ang aming pinuntahan...

Pero ngayong gabi, magkikita kami...

Pupuntahan niya daw ako, kasi nagtext siya sa akin...

At nung nakarating siya, agad ko siya niyakap at nagtatalon kami... grabe, wala pa rin siyang pinagbago. Ang ganda-ganda parin ng bestfriend ko!!!

Nagkwentuhan kami, sobrang daming kwento... Para ngang hindi kami maubusan... At napansin kong, mag-aalas dose na pala ng biglang mawalan ng kuryente..

Bigla naman akong natakot dahil dun, pero di parin kami natinag ni Kaye, pagkwekwentuhan gamit lamang ang liwanag na nagmumula sa kandila... 

Hanggang sa umakyat na rin kami sa kwarto ko... At dun kami nagpatuloy sa pagkwekwento...

Mag-aalas tres na siguro yun nang biglang may tumawag sa telepono namin sa baba.. Ako lang at si kaye ang tao dito, kasi nasa ibang bansa parin ang mga magulang ko.. Ako lang ang umuwi dito sa Pinas..

Ang sabi ko kay Kaye, sasagutin ko lang ang tawag sa telepono...

Nguniit pinigilan niya ako...

Sabi ko bakit.. Ngunit ngumiti lang siya sa akin at sinabing "Bumalik ka kaagad ahh, pangako mo sa akin."

At ayun, nangako ako sa kanya ng ilang beses.. Ang kulit niya nga ehhhh...

Bumaba na ako at sinagot ang tao sa telepono..

"Hello? Sino po sila?"

"Ahmm, ito po ba si Ms. Coleen Reyes?  Naaksidente po kasi ang sinasakyang kotse ni Ms. Kaye Cruz... Nakita po namin sa wallet niya ang number niyo kaya kayo po ang naisipan naming tawagan.. Gusto lang po sana naming ipaalam na nasa ospital siya ngayon, at kung pwede po sana ay kunin niyo na po ang bangkay niya dito.. Kanina pa pong umaga nangyari ang aksidente... "

Halos nanlumo ako sa sinabi ng taong nasa kabilang linya at nababaan siya ng telepono... Bigla akong kinabahan at natakot... Kaya pala parang may kakaiba kanina...

Hindi maaari... Hindi pwede....

Hindi siya pwedeng mamatay.. Diba, kinausap ko lang siya kanina....

Ang saya'saya pa nga namin... Biglang nagsitayuan ang balahibo sa buong katawan ko napatingin sa pintuan ng kwarto ko sa itaas...

Nangako ako sa kanya kanina, na babalik ako... Kung hindi siya ang kausap ko kanina, sino pala??

May halong takot parin at kaba ay napatingin ako sa aking relo na nagsasabing 3:05 am....

"Shit, Devil's Hour".

---END

^^ kayo nalang po ang bahalang mag-isip kung anu nga ba ang ginawa niya sa huli...

Vote. Comment. Like. :))

PangakoWhere stories live. Discover now