Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 5

212 10 1
                                    

Chapter 5

PARANG nananaginip na naman si Hanna ng mga oras na iyon. Nakasakay siya ngayon sa magarang sasakyan ni Sophie. At papunta nga sila sa bahay nila Martin. Totoo ba ito? Hindi siya makapaniwala.

                “Sophie, pasensya na kung naabala pa kita,” hinging paumanhin ni Hanna.

                Tiningnan lang siya ni Sophie at nginitian saka bumalik ang mga mata sa kalsada, “Ano ka ba, wala iyon. Magkaibigan na rin naman tayo.”

                Nahihiyang nagtanong muli si Hanna, “Baka magalit si Martin. Hindi niya pa ata alam na pupunta ako sa bahay nila.”

                “Don’t worry. Hindi siya magagalit. Just relax, okay?”

                Sinunod na lang ni Hanna ang sinabi ni Sophie. Kinalma niya ang kanyang sarili. For the sake of their event, kailangan niya itong gawin.

                Mayamaya pa ay pumasok na sila sa isang subdivision. Bumungad sa paningin ni Hanna ang naglalakihan at naggagandahang mga bahay. Iba-iba ang mga disenyo ng mga naturang bahay kaya bawat madaanan nila ay hindi niya pinapalampas ang mga ito nang hindi niya napapasadahan ng tingin. Hindi ganoong klase ng subdivision ang kanyang mga napupuntahan sa tuwing iniimbitahan siya ng kanyang mga kaklase. Ibang-iba iyon. Napakaganda.

                Pagkatapos mabusog ng kanyang paningin, lalo pa siyang namangha nang tumigil sila sa isang napakalaki ding bahay. Kulay puti ito at kitang-kita kung gaano kamoderno ang disenyo nito. May malaki ding swimming pool sa tabi ng bahay. Nakalinya din ang tatlong magagarang kotse sa espasyong laan para sa mga ito.

                Bumusina si Sophie, at mayamaya pa ay may lumabas na isang guwardiya upang pagbuksan sila. Nang makapasok na sila ay pinagbuksan pa sila nito ng pintuan ng kotse.

                “Salamat. Si Martin, nakaalis na ba?” tanong ni Sophie sa gwardiya.

                “Opo Ma’am Sophie.  Halos kaaalis niya lang din po ngayon,” sagot nito.

                Humarap kay Hanna si Sophie. “Sayang, wala na si Martin. He wouldn’t be first one to see how beautiful you can be.” At saka napahagikgik ito na nakahawa kay Hanna. “Tara na. Bilisan na natin.”

                Pumasok na sila sa loob ng bahay na iyon. Kapansin-pansin ang  naggagandahang kagamitan nila Martin. Unang bumungad ang napakalaking sala. Dumiretso sila sa may gilid noon at binaybay ang hagdan na napakataas. Parang kapag bumaba ka roon, isang prisesa ang pakiramdam mo sa iyong sarili.

                 Sa unang kwarto sila tumigil ni Sophie at saka nito binuksan ang pintuan. Napakaganda ng kwarto nito. Napakalaki ng kama nito na mukhang napakalambot at ang sarap tulugan. Pink lahat ang nakikita niyang kulay ng paligid maliban sa puting mga kagamitan.

                “Ang ganda naman ng kwarto mo, Sophie,” komento ni Hanna.

                “Salamat.” Ngumiti ito at dumiretso sa cabinet nito na at kumuha ng maraming damit. Binitbit nito iyon at nilapag sa kanyang kama.

                Nakatitig lang si Hanna sa mga iyon dahil napakaganda talaga ng mga damit nito. Nilapag niya sa isang bakanteng silya ang kanyang bag at lumapit siya saka hinaplos ang isang puting damit. Napakalambot ng ginamit na tela sa damit na iyon. Wala itong manggas at ang haba ay hindi pa aabot sa tuhod. Napakaganda nito.

                Nakangiti lang si Sophie. “Iyan na ba ang napili mo?”

                Nahihiyang tumango lamang si Hanna.

                “Then I’ll just get my make-up and some shoes.” Lumabas ito ng kwarto ngunit bigla itong tumigil sa may pintuan. “Magbihis ka na para pagbalik ko, aayusan na kita.”

HINDI makapaniwala si Hanna na siya ang nakikita niya sa harap ng salamin ngayon. Nilagyan siya ng kaunting make-up ni Sophie ngunit parang ang laki ng nag-iba sa itsura niya ngayon. Suot niya na din ang puting damit ni Sophie pati ang silver high heel nito. Pinahiram din siya nito ng isang set ng jewelries.

                “Grabe, ako ba talaga ito?” Tanong ni Hanna. Tumingin siya kay Sophie at ngumiti, “Salamat talaga hah.”

                “You don’t need to thank me.” Ngumiti din si Sophie. “I am really dying to say what you really look tonight. But I want you to hear the first compliment from Martin.”

                Pinamulahan si Hanna ng pisngi pagkarinig sa pangalan ni Martin, “I doubt it. Hindi niya ako mapapansin.”

                Napapa-iling lang si Sophie, “You just don’t know your worth, Hanna. You deserve nothingless.”

                Hindi na siya nagsalita pa dahil hindi naman siya nito maiintindihan. Eh sa buong buhay ata ng babaeng ito, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin niya.

                “You want to see Martin’s room?” tanong ni Sophie. “Nandito ka na rin naman, tiningnan mo na ang kwarto niya.”

                Nagulat si Hanna sa sinabi ni Sophie. She wants to see his room, of course. But, she is needed at the party. Baka kapag nakita niya  ang kwarto nito, lalo pa silang matagalan. “Huwag na lang, Sophie. Kailangan na talaga ako doon ngayon.”

                “Okay. Maybe next time na lang,” nakangiting tugon ni Sophie. “Sigurado namang hindi naman ito ang last na punta mo dito.”

ABALA si Martin sa pagkuha ng litrato ng mga oras na iyon. Tutal hobby niya naman ang photography, pumayag na din siyang maging photographer nila for that night.

                Nage-enjoy siya sa panunuod at pagpicture sa mga nagpe-perform sa stage nang mapagawi ang lente ng kanyang camera sa entrance. Kulang na lang ay tumalon ang puso ni Martin sa kaba ng makita isang babae na kasalukuyang pumapasok.

                She is very stunning in her white chiffon dress. Her light make-up shows how a simple girl like her would turn ito a beautiful lady for this night. He knows that this girl is pretty in her own simple way. But tonight he feels that the most beautiful flower finally blooms, and the long wait is over.

Hindi napigilan ni Martin ang pagkaakit kay Hanna. Walang anu-anong pinindot niya ang shutter para makuhaan ito ng litrato. Inulit niya pa ito ng ilang beses habang naglalakad si Hanna. Sa bawat anggulo na nakuhaan niya, napapangiti si Martin dahil hindi dito naikubli kung ano ang nakita ng kanyang mga mata.

NANG makabalik sila Hanna, natuwa naman siya dahil mukhang maayos naman ang party. Nagpaalam si Sophie na ihahatid na lamang daw siya nito pero uuwi na rin agad dahil may gagawin pa ito.

                Unang hinanap ni Hanna si Rochelle. Nakita niya itong lumilibot sa mga lamesa. Nilapitan niya ito agad.

                “Wow, Hanna! Ikaw ba talaga yan?” tanong ni Rochelle nang makalapit siya dito.

                Natawa lang si Hanna sa tinuran nito. “Nandiyan na ba si Martin?”

                “Asus! So, ayun talaga dapat ang unang tanong?” Nilibot ni Rochelle ang paningin at nakita si Martin na papalapit sa kanila. “O! Ayan na pala ang hinahanap mo. Papalapit na sa atin.”

                Napalingon si Hanna sa direksyon na tiningnan ni Rochelle. Halos panghinaan ng tuhod si Hanna pagkakita kay Martin. He looks like a real prince. She just wish that he is her real prince.

                “Hanna,” mahinang usal ni Martin nang makalapit sa kanila.

                Halos pabulong na ang pagkakabanggit ni Martin sa pangalan niya pero iba ang pakiramdam ni Hanna. Hindi niya rin maintindihan ang kakaibang pagtitig sa kanya ng lalaki. Gusto niyang matunaw sa kanyang kinatatayuan. Napakalakas din ng pagtibok ng kanyang puso.

Diary of A Hopeless Romantic WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon