23:11

51 0 0
                                    

Simula: Bakit?

Chazzy's POV

"Uy tignan mo yun?"

"Sino siya?"

"Bakit siya nandito?"

"Eh? Akala ko ba mayayaman lang nakakpasok dito? Eh bakit may basura?"

"Look at her hair..."

"Ang panget naman niya?"

"Dude may impakta oh?"

"Look at her face. Ayy face din ba tawag dun eh ang dami pimps... ewww I can't or should I say i don't want to befriend with her."

Hayst. Una sa lahat ako si Chazzy Jaxrie Anenias at nandito ako para pumasok dahil isa akong studyante. Bakit? Kayo lang ba ang mayaman dito? Bunganga niyo amoy basura.  Pati ba naman buhok hayyy Philippines. Ang ganda mo eh. Hiyang hiya andito pala si hulk. At higit sa lahat ayoko makipagkaibigan kahit isa sa inyo. Maganda nga pangit naman ugali...

"Panget na nga nagmamaganda pa." Sabi ng isang lalaki sa gilid ko. Pinagkunutan ko ito ng noo.

Eh? Nababasa niya ba nasa isip ko?

"No... ofcourse not.... stop whispering malakas pandinig ko eh..." sabi niya tapos umalis na siya.

Hayst makapunta na nga lang sa room. Pumasok na ako sa room na tinutukoy nung teacher sa faculty. Late na kasi ako nakapag enroll kasi nagbakasyon kami sa ibang bansa. Eh umabot ng 2 months ang pagstay namin doon gawa ni daddy may business meeting siya.

Btw? Hindi lahat ng panget mahirap na agad. At hindi lahat ng maganda mayaman. Malay natin sadyang ayaw ko lang mag ayos. Mas okay na itong ganito.

Pagpasok ko sa room nandoon na yung teacher sa table niya.

Eh? Ang aga naman ng teacher na ito.

Tinignan ako nung teacher at saka lumapit sa kaniya para ipakita na i belong to this class. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago kinuha yung form ko. At nagulat siya sa pangalan ko bago tumingin sa akin.

"Ikaw ang anak ni Mr. Anenias?" Tanong niya na parang hindi siya makapaniwala na ako ang anak ni daddy.

"Eh? Ano naman po nakakabigla dun eh Anenias ho ang apelyido ko sa malamang lamang ay tatay ko ho si Mr. Anenias. Mas nakakabigla ho kung ako si Mr. Anenias." Sagot ko sa teacher namin na mukhang bumalik na sa huwisyo dahil sa sinabi ko.

"Hmm.... please introduce yourself..." sabi ni maam dimakapaniwala.....

"Hi. Ako si Chazzy.... 15 yrs old..." sabi ko bago naghanap ng mauupuan.

"Ms. Anenias doon ka na sa pinakadulo katabi ni Mr. Four eyes." Sabi ni maam

"Hahahahaha..... Mr. Four eyes ahahaa.... Mr. Four eyes meet Ms. Impakta...WAHAHAHA" sabi ng isa sa kaklase namin bago nagtawanan ang lahat.

"Eh sigurado ka bang babae yan?" Tanong naman nung isa sa harap ko. Bago nagtawanan uli sila.

Hayst... tumabi na lamang ako sa tinutukoy ni maam. Tinignan ko siya bago nginitian.

Tinignan naman niya ako na parang nandidiri siya sa itsura ko. Napa ismid na lang tuloy ako. Kala mo kinagwapo niya yung ugali niya.

"Okay class tahimik na. Ako si Ms. Jamilla. Kung hindi niyo pa ako kilala." Sabi ni maam dimakapaniwala (mas bagay sa kaniya yun hahaha). Pero in fairness maganda si maam.

Ahh so paiba iba sila ng teacher kada year....

"I am your adviser just so you know Ms. Anenias.... at dahil last week pa nagstart ang class namin wala ka dapat ipag alala kasi wala pa kaming ginawa last week...." ohhhh reallyyy?! Keri keri... hahahaha.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

23:11Where stories live. Discover now