Chapter 30

2.3K 41 4
                                    

**************

Nakita kong papalapit si Terrence sa dereksyon ko, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Mapatingin ito sa akin at akmang tatawagin nya ako pero bigla akong lumiko sa isang pasilyong nagkokonekta sa Old Building.

Dali dali akong naglakad paakyat sa Building para maiwasan si Terrence. Muna kasi noon sinabi nya na may nagugustuhan na itong ibang babae ay talagang nalungkot ako.

Aaminin ko sa sarili ko na hindi lang basta Crush ang nararamdaman ko para sa kanya. Nadevelop na sa mas malalim na pag tingin ang feelings ko sa kanya kaya habang maaga pa at kaya ko pang mapigilan ay iiwas na ako.

Alam ko sa bandang huli ay masasaktan lang ako. Mahirap umasa, at mas mahirap maging friendzone.

Hindi ako ipokrita para makipag plastican sa kanya na OK lang ako kahit ang totoo ay hindi.

"Nakakainis naman lalo akong mapalayo sa Main Gate." Kailangan ko pa naman makauwi na ng maaga dahil nagpapatulong si Nanay sa pag Gawa ng Embotido at Relyenong Bangus para sa Anniversary ng Tita Elvie ko at Tito Erning.

Habang paliko sa isa pang pasilyo para makababa sa Main Ground ay Biglang may humatak sa akin papasok sa isang bakanteng Room.

Isinandal ako sa pader ng taong humatak sa akin at bigla na lang akong hinalikan sa mga labi.
Sa Takot ko ay nagpumiglas akomasyadong malakas ang taong ito kaya si ko magawang makakawala sa kanya. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa dahil ang labi ng Estranghero ay nakaselyo sa mga labi ko.

Onti inti akong nanglambot dahil sa pagod kakapiglas kaya tumigil na din ako. Isa isang naguunahan ang mga luha ko sa Mata.

Nangmaramdaman siguro ng Estranghero ang mga luha ko ay tumigil ito, at unti unti kong nakita kung sino ang walang modo na humalik sa akin.

Kanina ay may isang taong pumasok sa isip ko, dahil kapareho sila ng amoy. Pero nawala iyon sa isip ko dahil alam kong hindi nya gagawin yon sa akin dahil may ibang babae na itong mahal.

Pero, nangmakita ko angkabuan nito ay bigla akong na estatwa sa kinatatayuan ko.

Bakit.?

"Christine, Sorry." sabi na lang nito at iniwan ako sa kwartong iyon na tulala.

Bakit nya ginawa yon.

Terrence.


Naguguluhan man ay pinilit kong isa walang bahala na lang ang lahat.

Hundi ko alam kung bakit ginawa ni Terrence sa akin yon. Talagang natakot ako. Akala ko ay may mangyayari ng masama sa akin.

Tulala akong nakauwi sa bahay. Sa dami kong naiisip ay hindi ko na pinansin ang mga taong nasa loob nang bahay namen. Derederetso akong umakyat sa kwarto ko at nahiga sa kama.



"Bro, kanina ka pa nagiinom dyan. May problema ba.?" Nandito kami ngayon sa Bar ni Tito Axel. Sarado pa ito dahil maaga pa, pero dahil kilala naman kami ng mga tauhan dito ay pinapasok kami. Alam ng mga tao ng pamangkin kami ni Tito Axel.

Sacrifice of a Woman [Completed]Where stories live. Discover now