Chapter 8

61 2 0
                                    

Chapter 8

“You know what Gabriel I have to give it to you. Bilib na talaga ko sa kapal ng mukha mo and sa confidence na meron ka.” Itinaas pa niya ang dalawang kamay niya sa harap ko at nag-bow.

“Desperate measures calls for desperate circumstances.” Sabi ko naman at tumingin sa salamin suot-suot ang damit sa boutique nila Jessica. Two days left at nandito ako ngayon para sa usapan naming pag-e-endorse ko sa clothing line nila. Isinama ko narin siyempre ang kwentong buwis buhay kong stunt a night ago at Simon’s bar.

“Dapat pala lagi kang nasa ganiyang state ang sipag mo ehh. Nagkusa kang magpunta ditto para sa fitting.” Tumango siya ng nakita ang fit ng damit sakin. Darn, modesty aside but I definitely looked like a goddess came to life. A smile appeared across her face.

“Ehh kesa naman tumunganga ako uong umaga…Well ang sabi ko sa kaniya tatawagan ko siya on or after lunch to hear his answer. At kinakabahan ako.” I sighed at tumingin sa orasan na nakasabit sa ding-ding. Maaga pa naman.

Hinawakan naman ako ni Jess sa balikat at iniharap sa kaniya. “You know what, auko na umasa ka pero sa tingin ko papayag siya.”

“Ha? Ehh sa sinabi mong yan lalo nga akong umasa. Sana di mo nalang sinabi…” Kunot noong sinabi ko sa kaniya at tumingin na uli sa salamin.

“Kumakain ka pa ba? Para kasing pumayat ka? Pero maganda kapa din at maganda ang fit ng damit sayo.” Inayos naman niya ang tela sa likod.

Buti nalang kahit pano nakatulog ako. Siguro sa sobrang kapaguran narin plakda agad sa kama. Pagkatapos kong isukat ang unang dress nagpalit na agad ako ng damit, hindi na kasi ako mapakali at sobrang kinakabahan.

“It’s a good day Gabs ngumiti ka naman. Baka malugi ang negosyo ko sayo ehh pag may pumasok na customer isipin pa nila hindi sila welcome dito” I heard Jessica laughed habang inaayos ang ibang damit sa display area. Ako naman umupo sa isang couch habang tinitignan ang phone ko.

I darted my gaze at her. “Hindi mo ko trabahador no. At wala namang nakakatuwa sa pinagdadaanan ko ngayon. Ni hindi pa nga siya nagtxt ohh.” Inangat ko ang phone para ipakita sa kaniya.

Ngumiti naman siya pero ipinagpatuloy parin ang ginagawa. “You told him na tatawagan mo siya para sa sagot niya kaya pwede ba chill ka lang?!”

“Ohh ehh bakit ka nakasigaw?” Nakatangang lingon ko sa kaniya.

“Pati kasi ako stress na sayo, tara umupo muna tayo dun” Tinuro niya ang counter. Agad naman kaming lumakad.

Maya-maya pa may pumasok na customer sa boutique. Si Jessica na kung anong ginagawa sa laptop niya ay tumayo at nag-assist narin. All I felt was purely pride for my friends. Mga anak mayaman pero marunong sa buhay. Hindi matapobre. Hindi mayabang. Marunong makisama. Napangiti nalang ako.

Napatingin ako sa labas, I saw those young couple walking hand in hand. Damn. They looked genuinely happy. Palibhasa mga teenager. Iyon iyong mga PBB teens na moment sa buhay nila. Konting ano lang, yakap agad…tapos hawak kamay…kung mag-inarte pa sila akala mo may kasulatan na mag-asawa na…

Kids these days. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at pinagdiskitahan ang laptop ni Jessica. Aksidente namang nabasa ko ang palitan nila ng mga emails ni Rico. Pero dahil invasion of privacy ang ginagawa ko itinigil ko nalang.

Ibinalik ko ang tingin sa dalawang magkasintahan na ngayon ay nakaupo sa malilim na parte ng park. Napakunot ang noo ko dahil biglang bumitaw sa pagkakahawak iyong babae. Hinawakan niya ang mukha niya. Sa mga mata ko palagay ko umiiyak siya. Pinilit namang abutin nung lalaki ang mga kamay nung babae pero hindi siya nagpatinag. Bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit nung guy…

DEAL AND MARRY HER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon