PILIPINO KAHAPON NGAYON AT BUKAS

Magsimula sa umpisa
                                    

Don Hurenyo              : asawa ko, ilang beses ka nang sumakay dito’y ngayon ka lamang nagrereklamo.

Donya Lupanita           : pagkat narito ang ilang tauhan ng bapor, nagbabakasakaling marinig nila’t mabigyang pansin na palitan na ang lumang makina ng sasakyang ito.

Don Hurenyo              : kung kasing talas ng kanilang pangil ang kanilang pandinig, baka sakali pa! hindi ba Ginoong Simoun?

Tagapagsalaysay        :tumingin si Simoun sa mag-asawa at ngiti lamang ang naisagot na wari mo’y may pangungutya. Paparating si Pancho sa kanilang umpukan at kasama ang mataas na nanunungkulan sa pamahalaan.

Pancho                        : magandang umaga sa inyo mga ginoo at mga mayayamang Pilipino?

Tagapagsalaysay        : nang marinig ni Donya Lupanita ang salitang Pilipino ay tumingin ito kay Pancho at ngumiting wari mo’y may pandidiri. Napansin ito ni Simoun.

Simoun                        : may problema ba senyora?

Donya Lupanita           : wala nababagalan lamang ako sa bulok na barko.

Pancho                        : ganun ba? Hindi ba’t mayaman kayo, bakit ayaw ninyong mag-abuloy sa pamahalaan at para mapalitan ang lumang makina ng bapor?

Donya Lupanita           : Abuloy! (pasigaw) hindi ko aaksiyahin ang milyon ko para lamang sa barkong ito, sapagkat mga Pilipino lamang ang makikinabang dito.

Simoun                        : hindi abuloy ang kailangan ng bapor para bumilis ang pag-andar nito.

Don Hurenyo              : aba! Nagsasalita ka pala. Kung gayon ginoong Simoun, anu ba ang kailangan para naman hindi usad pagong ang bapor?

Simoun                        : humukay ng tuwid na daan mula Maynila Hanggang Laguna. Lahat ng mga Pilipino ay magtutulong –tulong, mga preso at hindi preso, mayaman at mahirap, babae at lalaki, matatanda at bata.

Don Hurenyo              : (tumawa ng malakas) kalokohan yang panukala mo. Bangag ka ba? Ginoo nasa tamang pag-iisip ka ba? Mayayaman at mahihirap? (muling tumawa ng malakas) at ano ang ibabayad mo sa mayayaman aber?

Simoun                        : hindi lahat ng paggawa ay dapat may bayad. Walang bayad sa lahat, walang salapi.

Don Hurenyo              : ha! Talagang luko.

P-Noy                          : tama ang sinabi mo ginoong Simoun, sang-ayon ako sa panukala mo subalit marahas ang iyong nais.

Simoun                        : sino ka naman?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PILIPINO KAHAPON NGAYON AT BUKASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon