Previous Page of 9Next Page

PILIPINO KAHAPON NGAYON AT BUKAS

Dedicated to
Yahm Rosas
spinner.gif

PILIPINO KAHAPON NGAYON AT BUKAS

Tauhan:

Tagapagsalaysay

P-Noy                          :Pangulo ng Bapor Tabo

Simoun                        : Kaibigan ni Pancho at nagpakita ng suliranin ng Bapor Tabo kay P-Noy.

Donya Lupanita           : Isang mayamang galit sa mga Pilipino.

Don Hurenyo              : Asawa ni Donya Lupanita.

Pancho                        : Kaibigan ni Simoun.

Marina                         : Isang Binibini naniniwala sa kanyang sariling kagandahan.

Purnilyo                       : Isang ordinaryong mamamayan.

Severino                      : Isang mayabang na Minero.

Lalaki 1                        : Isa sa Disipulo ni Tiyo Sam.

Mga Disipulo               : Mga Pilipinong alagad ni Tiyo Sam at nagpapahirap kay Sisa.

Sisa                             : Iniligtas ni Tiyo Sam sa kamatayan at ginawa niya itong mas kaawa-awa

Genoveva                   : Ang sumulat ng Liham sa Kabataan 2070.

Jose Rizal                   : Nagpapaalala sa mga Kabataan.

Bulong at Sigaw          : Mga batang pinagtatawanan at binansagang mangmang.

ACT 1 ITAAS NA KUBYERTA NG BAPOR TABO

Tagapagsalaysay        :Isang umaga sa buwan ng Oktubre, ang Bapor Tabo ay naglalakbay sa Ilog Pasig papuntang Laguna. Ang bapor na ito ay tinatawag na Tabo dahil ito mabilog na pagkakahawig sa isang tabo na siyang pinaghanguan ng kanyang panganlan. Bagamat may karumihan ay nagpapanggap pa rin itong malinis at nagpupumilit na maging marangal sa mabagal nitong paglakad upang makasunod sa makabagong panahon at dahil sa kalumaan ay marami ng anay na siyang nagpapahuna dito. Sakay ng bapor ang ilang kilalang personalidad sa Maynila na nais magbakasyon sa Laguna at masilayan ang ganda ng Makiling. Dahil luma at marumi ay ito ang sentro ng usapan ng mga nasa itaas na bahagi ng bapor.

Donya Lupanita           : anong bagal naman ng pag-usad ng bulok na bapor na ito?

Don Hurenyo              : asawa ko, ilang beses ka nang sumakay dito’y ngayon ka lamang nagrereklamo.

Donya Lupanita           : pagkat narito ang ilang tauhan ng bapor, nagbabakasakaling marinig nila’t mabigyang pansin na palitan na ang lumang makina ng sasakyang ito.

Don Hurenyo              : kung kasing talas ng kanilang pangil ang kanilang pandinig, baka sakali pa! hindi ba Ginoong Simoun?

Tagapagsalaysay        :tumingin si Simoun sa mag-asawa at ngiti lamang ang naisagot na wari mo’y may pangungutya. Paparating si Pancho sa kanilang umpukan at kasama ang mataas na nanunungkulan sa pamahalaan.

Pancho                        : magandang umaga sa inyo mga ginoo at mga mayayamang Pilipino?

Tagapagsalaysay        : nang marinig ni Donya Lupanita ang salitang Pilipino ay tumingin ito kay Pancho at ngumiting wari mo’y may pandidiri. Napansin ito ni Simoun.

Previous Page of 9Next Page

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended