Chapter 3 : Codex 235

22 1 0
                                    

Nagising si Elle sa pagbukas ng malaking bintanang capiz. Andun si Manang Rose nakatayo at lumapit sa kanyang kama.

"Elle pinapagising ka na sa akin ng mama mo. Kakain na daw ng agahan. Halika na ng malamnan na ang tyan mo. Medyo tanghali na." , nakangiti nitong bungad sa kanya.

Si Manang Rose ay isa sa kanilang mga matatagal na kasambahay. Bata pa lang si Elle ay ito na ang kanyang taga pag alaga. Pati ang anak nito at asawa ay naninilbihan sa kanilang hacienda. Si Mang Robert ang kanilang driver at ang anak naman nito na si Reena ang nagangasiwa ng kanilang sakahan. Pamilya na ang turing nila sa mga ito.

" Sige po Manang Rose. Nagising na po ba ang bisita natin? " 

"Ah, si pogi.  Naku kanina pa gising. Ayun at nangungulit dun sa mga magsasaka. Pinipilit umakyat ng puno ng mangga. "

" Naku. Baka kung mapano sya."

"Ay wag kang mag alala. Malakas pa sya sa kalabaw. Abat biruin mo nakapag ani na sya ng napakaraming kain ng mangga at..." napangisi si Manang Rose.

"At..."

"Tinatanong kasi sya ng mga magsasaka kung magkaano-ano kayo. May nagtanong ngang isa sa kanya kung sya ba daw ang mapapangasawa mo. "

"What?! Ano po sabi nya?"

"Parang walang muwang nya sinabi. Siguro daw. ", napahagikgik sya sa pagtawa.

"Hay naku. Nangtritrip na naman sina Mang Rico. Mukhang nabubully sya dun."

"Naku close na nga sila dun. Mukhang mabait naman sya at magiliw sa mga tao. Kaya ang mga tao dun tuwang tuwa sa kanya."

"Mabuti naman po kung ganun. Sya tara na po sa hapag kainan.", aya ni Elle.

Nag-unat sya ng bahagya, humikab at sabay bangon.

........ 

Naupo si Elle sa dulo ng mahabang hapagkainan . Mula duon ay masid nya ang bisitang tuwang tuwa sa bitbit na kain ng mangga.

Napangiti sya sa nakita. Mukhang magkakasundo sila. 

"Manang tawagin nyo na po si Mr. Friendship." 

"Oh sige Elle."

Lumabas saglit si Manang Rose at pagbalik ay pumasok kasabay ng lalaki. 

"Iho kumain ka na. ", saad ni Manang Rose.

"Si mama po?" , nakatingin si Elle sa katiwala.

"Lalabas na din yun. Niligpit lang ibang gamit ng papa mo."

Biglang nalungkot ang mukha ni Elle. At napansin agad ito ng bisita.

Pinaupo naman ni Manang Rose ang bisita sa tabi ni Elle. Mula sa kaliwang pinto ay lumabas si Elisa.

"Pasensya na medyo pinaghintay ko kayo.", nahihiyang sabi nito.

"Ok. lang mah. Kakaupo pa lang  din naman namin dito."

"Ah ganun ba. Sya sige halina't kumain na tayo ng mailibot mo na itong si... ahm .. bisita natin sa bukirin."

Nagkatinginan si Elle at ang lalaki. Nginitian naman sya nito. 

"Sige po mah. Mukha nga pong excited sya. Nauna pang mag-ani kina Mang Rico eh. ", natatawang sabi ni Elle.

"Ang dami nyo pong bunga ng mangga. Hindi nga po ako magkandamayaw sa pagbuhat ng mga kain. At first time ko pong kumain nito. "

Nagkatinginan naman ang mag-ina sa tinuran ng lalaki.

"Naku iho san ka ba nanggaling at hindi mo alam ang mangga.", manghang tanong ni Manang Rose. "Siguro galing ka ng ibang bansa."

Your UniverseWhere stories live. Discover now