Chapter Twenty-four

420 14 0
                                    

CHAPTER 24: HE’S CONFUSED

JACE’S POV

Tinawagan ko kanina si tita, nakapasok na daw si Chloe kaya dumiretso na din ako sa school, kailangan kong makausap yung babaeng yon.

Naglalakad na ko sa corridor ng building namin ng makita ko syang nakasandal sa pader at may lalaki sa harap nya, kung hindi ako nagkakamali, yun yung editor-in-chief ng school paper. Tsk, lahat na lang eh. Chloe talaga, nakaka-inis.

Nakaiinis dahil nakikita ko ang mapaglaro nyang mga mata habang nakatingin dun sa Editor-in-Chief na yun.

May binulong sa kanya yung lalaking yon, nainis ako lalo nung marinig ko ang tawa nya na sinasadya nyang landian. Hinawi nung lalaking yon ang ilang hibla ng buhok nya na napunta sa mukha nya.

Nakakainis!! Bakit masyadong malapit yung lalaking yon kay Chloe? Bakit parang tuwang-tuwa pa syang nilalandi sya nung gagong yon? Grrr.

Naikuyom ko ng mariin ang kamao ko ng makita kong bumulong si Chloe sa kanya. Bakit ganito? Bakit parang gusto kong bugbugin yung lalaking yon? Bakit gusto ko syang ilayo kay Chloe?


Bakit parang… ang sakit makitang masaya sya kasama ang iba?

Hindi! Hindi pwede to! Imposibleng...


Dumiretso na lang ako sa room. Masyado na ata akong dependent kay Chloe kaya nagkakaganito ko. Oo tama! Masyado lang akong naging dependent sa kanya kaya ganon.

Kasama nya sila Lyndon nung pumasok na sya sa room.

“Hi Jace,” bati nya sakin.

“Bakit ka absent kahapon?” pormal kong tanong.


CHLOE’S POV

Dapat ko bang sagutin ang tanong nya? Tinignan ko sya, bakit parang ang cold nya sakin ngayon?

“Nasamin kahapon si… Leih,” yan I said it na, hindi ko naman gustong maglihim sa kanya.

Nakita kong bigla syang nainis.

“Anong sabi nya? Anong ginawa mo? Kaya ka ba absent kahapon kasi magkasama kayo? Bakit hindi mo sinabi agad sakin? Bakit mo pinatay ang cellphone mo?” sunod-sunod nyang tanong na inis ang tono.

Bigla akong napangiti. “Ang OA mo naman,” tukso ko sa kanya.


JACE’S POV

OA? Ako pa ang OA? E sya nga tong bigla na lang nawala kahapon eh, nag-aalala lang naman ako. Saka nagtatanong lang naman ako.

“Hindi ko kasama buong araw si Leih, in fact pinaalis ko sya nung nakita ko sya sa bahay,” sagot nya. “Nagkulong lang ako sa kwarto, bigla kasing bumalik sakin yung sakit na dinulot nya eh… nung gabi, naisipan kong pumunta sa bar,”

“Bakit hindi mo ko tinawagan? Ok ka lang ba?” hmmm, mukha ngang OA ata ang pagtatanong ko kasi…

“Ayyiiieeeehhh,” tukso nung mga kaklase namin.

“Naku, selos ka noh? Inlove ka na siguro sakin, ayyiieeehh,” tukso din nya at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

“ASA! Hindi noh!,” inis kong sabi at kinuha na lang ang earphone ko. Nagpatugtog na lang ako sa ipod ko.

Maya-maya kinulbit nya ko pero hindi ko sya pinapansin. Bigla nyang kinuha ang earphone sa right ear ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko.

“Galit ka ba? Sorry na, bati na tayo,” parang bata nyang sabi.

Hindi ko sya pinansin.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLWhere stories live. Discover now