chapter 3

40 0 0
                                    

Flashback 

 (3 years before)

“Di mo na nga kasi ako kailangan sunduin!” sabi niya.

“Anong hindi?!” Peste. Tumawag ako para sunduin siya sa UST tapos kanina pa tanggi ng tanggi. May tinatago ba to saken?! Napipikon na ako ha. Traffic pa dito sa Quezon Ave.

“May dadaanan pa kasi akong hand-outs. Mag-warm up ka nalang muna para sa game mo.” Sabi niya. Warm-up  warm-up pa siyang nalalaman. Eh nandito na ako sa sasakyan, nagmamaneho.

“Putcha! Cheska, game ko to. Unang season ng UAAP na naka  pasok ako! Wala na nga sina mom and dad, pati ba naman ikaw? BUkas na yang handouts nay an! O kaya after ng game ko.” Umiinit na ulo ko. Bakit ba di niya marealize na napaka-importante ng game na to para saken? Tumakas na nga lang ako para sunduin siya tapos ganito pa itatrato niya saken? Bwsit.

Rain, intindihin mo nga kasi., Naghihintay si Alvin sa UP Town Center..” Puta. Alvin nanaman?! Eh kung isungalngal ko kaya sa muka ng Alvin nayan  yung handouts?!

“Anak ng! Yang Alvin nayan nanaman?! Uunain mo pa siya? Cheska, di ka ba nahihiya, ikaw pa pupunta sa kaniya, samantalang ikaw ang babae? Umayos ka nga. Ako ang boyfriend mo.  AKO. Di ka na nahiya! Ipandadahilan mo pa yang handouts nay an!” May dala akong couples jersey para samen, para sa pagchi-cheer niya saken. May bouquet pa a chocolates pansorpresa ko sa kanya tapos itataboy niya lang ako?! Ano  to, gaguhan?!

“Hoy Rain! Sumosobra ka na ha. Malapit ang condo ni Alvin jan kaya nagprisinta na akong daanan nalang tutal on the way naman yan papunta jan sa Ateneo ah. Ano basa tingin mo na klaseng babae ako ha?! Tatlong taon aa tayo tapos ganiyan ka paren?!” kita mo. Sa condo pa ni Alvin kukuhanin. Bwiset!

“Manahimik ka Cheska! Susunduin kita at hindi ka pupunta sa condo ng Alvin na yan! Wala akong pakelam kahit na lumuwa pa mata niya kahihintay. Kaya mo na yang homework mo na yan kahit wala yang buddy Alvin mo na yan. Naglalandian ba kayo ni Alvin, ha?!” Minsan na nga lang ako mag-effort tapos ganito pa. Bwiset talaga! Galit na nga ako, sasabayan niya pa. Traffic pa dito sa rotonda!

“Ganyan ka na ba ka-immature, Rain? Pag-aaral ko ang pinaguusapan dito. Hindi ko ginusto na siya ang maging cast study buddy ko. Prof ang pumili non at hindi ako! Itigil mo na nga yang walang kwentang pagseselos mo! Nakakasakit ka na ah. Hindi kami naglalandian ni Alvin. Mabait na nga yung tao eh. Hindi ako naglalandi, kilala mo ako, Rain. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko.” Bumigay na ang boses niya. Oh ano ngayon kung umiiyak na siya? Wala akong  pakelam. Kasalanan  niya to pati ng Alvin niya.

“Ah. Ipinagtatanggol mo na ngayon yang Alvin mo?! Wag kang magpapakita saken na kasama yang hayop na yan ah, babasagin ko muka niya!” Galit na ako. Nanggigigil na ako sa manibela. Tangina pang traffic to!

“Rain, bumabalik ka nanaman sa dating ugali mo eh. Itigil mo nga yang kahibangan mo. Dadaanan ko yung handouts at saka ako pupunta sa Blue Eagles Gym. Nakalabas na ako ng ospital, tapos na duty ko. Wag mo kong kontrolin. Di mo ako robot para maging sunod-sunuran lang sa—AAAHH!”

Tangina. Nasaktan ako sa sinabi niya ano ba tong sinasabi ko sa kanya. “Cheska?!” “HOY!” “Hello?!” Anjan ka pa ba?! Binabaan niya ba ako?! Nilingon ko ang Cellphone ko. Hindi naman, on-going ang  tawag eh. Grabeng  ang kabog ng dibdib ko. “ RAINNNNN” sigaw niya.  CHESKA! Anong nagyayari sabihin mo sa akin? Asan kana? cheska?. Malapit na ako sa kanya eh. Nag-U-turn na ako sa Mercury ng Lacson Ave dahil sa UST hospital ang last class niya. Hindi ko ibinaba ang call. Binaybay ko ang Labas ng ospital, umaasang makasalubong ko siya.

Napaliligiran siya ng tatlong lalaki, dalawang nakahawak sa kaniya, isang may kausap sa cp. Prenino ko agad ang sasakyan ko. bumaba agad sa sasakyan at tumakbo papunta sa kanila. Wala akong pakelam kahit ma-tow yan kotse ko, wag lang nilang sasaktan si Cheska.

Sinapak ko  agad yung may kausap sa  cp. Halatang indi siya handa dahil napaluhod siya nang tumama ang kamao ko sa bandang tenga niya. Agad ko uling sinuntok ang isa sa nakahawak kay Cheska. Pero pagdampi ng kamao ko sa muka niya ay siya ring pagtama ng kamao ng isa pang nakahawak kay Cheska sa mukha ko. Puta! Naka-fourfinger yata siya. Sobrang bigat ng kamay niya, sapul ako sa pisngi na siyang ikinatumba ko.

Oo, napapaaway ako noon. Pero hindi naman sa ganito kalalaki ang katawan. Mga wrestler yata to eh. Disi-otso lang ako at 17 si Cheska,  samatalang tong mga to, nasa 35 pataas yata ang edad. Mga goons sa pelikula ang dating, tae.

“Tama na po, mga kuya. Ang lalaki niyong tao, pinagtutulungan niyo siya. Please. Tumigil na kayo… Rain! Rain! Tutti please, lumaban ka!” Iyak na nang iyak si Cheska. Wala akong magawa. Kahit gusto ko lumaban, baldado na ako sa sipa at suntok ng mga hinayupak na wrestler na to.

“Kung holdaper lang kayo, kunin niyo na lahat ng gamit at pera ko. Tumigil na kayo!” basag na basag na ag boses ng mahal ko, hindi ko kayang tumingin sa kanya ngayon kasi nasasaktan ako. Kasalanan  ko kung bakit nangyari to. Tumigil yong nag susuntok sa akin at lumnapit kay cheska. A-nong  ga-gawin niyo sa kanya? Ako nalang wag na siya. Sabi ko kahit hirap na hirap akong magsalita sa sobrang bugbog, hindi niya ako pinansin, nag diretso lang siya papunta kay cheska.

Hindi naman  namin kailangan ng pera o gamit mo miss,  baka mas marami pang laman yong wallet ko kesa sa wallet mo. yaan mo hindi ka naman naming sasaktan yong boyfriend mo lang.  tska hindi naman namin siya papatayin, papatikman lang naming ng  kaunting sakit. Habang nakatangiti, tapos lumapit ulit sa akin.

Okay! Na siguro tong kahoy na to pang hampas jan sa bungo mo. yaan mo bata hindi naman to masakit para ka lang pinapalo ng ng nanay mo. hinihintay ko nalang yong pag hampas niya sa akin, pero hindi ko maramdaman yong palo. Pag mulat ko ng mata ko nakita ko si cheska na nakahiga sa harapan ko, hindi ko maigalaw ang isa kong kamay dahil parang nabali na siya, pero sinubukan ko pa din lumapit sa kanya. Pag hawak ko sa kanya may dugo yong ulo niya natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

Tangina niyo! Anong ginawa niyo sa kanya? Akala ko ba, ako lang ang sasaktan niyo? Ba-bakit niyo dinamay siya mga gago kayo!. Sigaw ko, kahit hindi ako maka-salita ng maayos sinubukan ko pa din. Umiiyak lang ako habang yakap ko siya. ‘’Cheska stay with me please” wag mo akong iwan hindi ko kaya. bulong ko sakanya.

Tangna brad anong ginawa mo? rinig kong sabi ng isa dun sa mga pumalo.

Tae brad! Humarang eh, bat di mo hinawakan ng mahigpit. Hindi ko marinig ng maayos yong usapan nila natatakot ako para kay cheska.

Puta! Yari tayo kay boss nito eh. Nanginig na sila sa takot. Sinong boss?

Sorry ma’am tara na. sabay sabay nilang sabi tapos tumakbo na palayo sa amin.

Pinipilit kong makatayo para mabuhat si cheska, kahit sobrang sakit nag mga braso at binti ko binaliwala ko lang yon mas iniisip ko ngayon  yong buhay ni cheska. Wala akong pakialam kung anong mangyari sa akin, basta ligtas siya hindi ko kaya pag nawala siya sa buhay ko.’’ Cheska! Wag mo kong iwan please hindi ko kaya na wala ka. Cheska! Malapit na tayo humawak ka lang sa akin please wag kang bibitiw. Mahal na mahal kita. Sabi ko sa kanya. Pero mas lalo akong kinabahan dahil bumagsak na yong kamay niyang nakahawak sa akin.  CHESKA???

 

 

A/N: Gusto ko lang pong mag thankyou sa mga taong nag babasa ng story ko, yiee kinikilig po ako hahaha sana suportahan niyo po to hanggang sa dulo. Tska po kaunting hintay po sa pag iintay ng update busy lang po masaydo. So ayon po Thank you po ng marame.  Free pong mag comment tumatanggap po ako haha <3 ingat po kayong lahat . :)

I Won't Let goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon