Chapter 18

4 0 0
                                    

Jacey's POV

So it has been a month since the cheating fiasco and a month since everything is already been great.

Shawn is sweeter than ever. Ewan ko ba basta nakakapagpanibago parin.

Nandito kami ngayon sa school. Medyo busy na kasi kami sa office. Naexcuse kami sa buong klase para lang matapos na namin ang mga reports at paper works.

"Jacey tapos ko na ang mga dapat iprint." Sabi ni Lauren.

"Talaga? Mabuti naman. Pwede bang tulungan mo na lang si Karlay na magsort ng files?" Tanong ko sa kanya.

"Sure beshiebellssness! No problem." Sabi niya sa akin sabay thumbs up.

"Loko ka talaga! Sige na back to work." Natatawang sabi ko. Nagcontinue ako magcheck ng mga papers. Chinecheck ko kung may mga maling spelling at grammars ang mga letters para sa principals ng iba't ibang school.

Narinig ko kasi sayang lang raw ang mga trainings ng mga athletes dahil wala raw silang competition na nasalihan ngayong school year. So minabuti kong gumawa ng sports feast sa school. Inviting 3 schools to participate in this event. Hindi pa actually na approve ng mga selected schools. Magmemeeting kami ng mga athletes ngayon. Ipapaannounce ko pa lang kay Arthol kasi siya ang P.R.O.

"Art! Paki announce to please. Magkakaroon kami ng meeting ng mga athletes tungkol sa event na gusto kong mangyari." Sabi ko tas binigay sa kanya ang paper na babasahin niya.

Pumunta siya sa announcement room tapos nagannounce na.

"To all athletes and sport coaches, you are going to have a meeting with our Supreme Student President and Vice-president. Please be at the open stage after 10 mins." Sabi ni Arthol at agad kong priness ang timer. Gawi namin yan para sa mga athletes to test their speed.

Tumayo na ako at pumunta sa office ng team. Nagbigla ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"I miss you." Sabi nito sabay halik sa pisnge ko.

"Whooooo! Iba na talaga pagmag-asawa!" Ingay ni Marko.

"Kaya nga may pa I miss you pa na nalalaman!" Natatawang sabi ni Lauren.

"Bahala kayo diyan." Inis na sabi ko at tumawa kang sila.

Hinila ko na si Shawn papuntang open stage. Malapit lang naman, 1 minute walk lang.

Pagdating namin doon nakalinya na ang mga athletes by sport. Sobrang  dami nila. Isang campus na ata toh.

"Good morning Athletes!" Bati ko sa kanila at naghiyawan naman silang lahat." I am here to announce that I am planning that our school will host a sports feast. It is not yet approved so please don't spread it yet."

"We decided to invite 3 schools to compete with. Andrille University, Luxter Academy at Magoon Lye University. So I am encouraging you to do uour best and train more." Sabi ni Shawn at naghiyawan nanaman sila sa saya.

"That is all for today. I will just announce if it is already been approved." Sabi ko at nagexit na. Iniwan ko na si Shawn dahil naiinis na ako sa kanya. Ewan ko ba basta nakakainis na talaga siya.

"Love! Hintayin mo naman ako." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at agad akong pumasok sa office.

"Guys! Uuwi na ako masama kasi ang pakiramdam ko. Tapos na rin naman tayo sa mga gawain natin." Sabi ko at agad ng kinuha ang gamit ko. Doon ako sa backdoor lumabas para hindi ako masundan ni Shawn. I turned my phone off para walang istorbo.

Sumakay ako kay Baby Fort at tumungo agad sa grocery. Gusto ko kasing kumain ng ginataan eh. Basta something na may gata. Gusto ko ring kumain ng Durian at langka. Tapos gusto ko rin ng lahat na klase ng sandwich. Balak ko rin actually magbake. Kanina pa kasi ako nakakaamoy ng mga yun eh.

Nadito na ako sa loob ng grocery at agad akong kumuha ng cart.  Pumunta ako sa fruit section and to my luck my langka at may durian.

"Oh my gosh! May mangga!" Napasigaw ako sa tuwa ng makita ko ang mangga.

Nanlaki ang mata ko ng makita akong strawberry at grapes. Nilagay ko agad lahat sa cart. Naglibot ako para hanapin ang section ng palaman. Nakita ko at agad ko kinuha ang nutella. Pagkatapos ay nagkuha na rin ako ng ingredients para sa pagbake.

Agad kong binayaran ang mga ito at umuwi na.

Ng makapasok ako sa bahay mabilis kong inubos ang mga pagkain at ang raw naman ay niluto ko na agad.

Pagkatapos ng pagbuda ko pumunta ako kaagad sa guestroom dala dala ang mga iba pang pagkain at doon nanood ng movies.

"Love! Buksan mo ang pinto!" Rinig kong sigaw ng asawa ko. Dinedma ko lang siya at nagpatuloy sa pagchill.

"Love naman." Rinig kong sabi niya.

Nawala siya ng mga sampung minuto.
May narinig akong tunog ng susi. Wow Jacey naman bobo ka talaga.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ni Shawn.

"Lumabas ka nga dito." Naiinis na sabi ko.

"Anong problema mo." Kalmang sabi niya.

"Ikaw! Kaya umalis ka dito! Magisa kang matulog doon sa kwarto." Sabi ko at agad naman siya umalis.

Maya-maya ay bumalik siya na may bitbit na unan.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Dito ako matutulog." Sabi niya.

"Eh, ayoko nga na makita yang nakakasawa mong pagmumukha." Naiinis na wika ko.

"Love naman eh. Gusto kita katabi." Pacute niyang sabi.

"Lalayas ka sa harapan ko o ako ang lalayas?" Pagbabanta ko.

"Opo aalis na po." Sabi niya sabay kamot ng ulo niya." Kelan pa ako naging under sayo?"

"Bakit ako pala ang under? Gusto mo i burry kita six feet under?" Naiinis na wika ko.

"Opo aalis na po." Sabi niya tas hinalikan ako. Tumakbo siya ng bilis at ako naman itong kamatis na sasabog na sa galit.

"Hayop ka Shawn! Papatayin kitang kupal ka!" Sigaw ko at narinig ko naman ang tawa niya.

________________

To be continued...


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arrange With My Crush (May 17, 2018)Where stories live. Discover now