Chapter 12

156 6 0
                                    

Tahimik akong pumasok sa bahay hawak hawak ang silencer kong baril,Wala ni isa ang natira sa body guards namin puro naka handusay at duguan hindi ito ang inexpect kong mangyari sa pagkikita naming dalawa masyadong marami syang dinamay..

Pinihit ko ang huling pinto dto sa bahay which is ang kwarto nila mommy,wala na ding natira sa mga tao ni Mr Gray dahil kanina ko pa sila pinatay mabuti nga at binigyan ako ni Sir Matthew ng silencer bago kami umalis sa hide out.

"One Wrong Move and You're died" May pagbabanta sa boses nya Natigilan ako sa pag galaw ng may maramdaman akong malamig na bagay at matigas sa aking sentido

"Hindi ko alam kung ba't kelangan kapang kunin ni daddy,nandito naman ako pero sadyang kulang ako para sakanya"may bahid ng lungkot at galit sa pananalita nya kapatid ko sya kay daddy?

"I don't understand you"malamig kong sabi sakanya wala akong pake kung kapatid ko sya anak sya ng taong pumatay dn kay Xarnaih

"O c'mon Little sis alam naman nating pareho na kaya ka lang magpapakita kay dad e dahil sa sya ang nangunguna sa pinakamayanan sa buong bansa tama ba ako little sis"biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya masyadong matabil ang dila nitong lalaking to

Humarap ako at tinutok ang silencer sakanya mukhang natuwa naman sya sa ginawa ko dahil sa pag ngiti nya

"Ganyan mo ba kung salubungin ang kuya mo?"hindi ko alam kung totoong ngiti ba ang pinapakita niya sakin wala dn akong mabasa sa mga mata nya

"Ganyan dn ba ang salubong mo sa kapatid mo KUYA?"pagdidiin ko sa huling salita humalakhak naman sya at tumalikod na,Ok ano yun?

"Sumunod ka nasa garden niyo sila dad"maniniwala ba ako sakanya?sh*t bahala na sumunod ako sakanya papunta sa garden

Mukhang kami nanga.Lng talaga ang nandidito puro wala ng malay ang guard namin at ang tauhan nila na syang kagagawan ko

"Mukhang napatay mo yata lahat ng tauhan namin dto Xandria"sabi niya habang patuloy lang sa paglalakad,Hindi nya ba alam na pwedeng pwede ko syang patayin dto ng hindi nya nalalaman?"O cmon little sis alam ko ang nasa utak mo baka nakakalimutan mo parehong dugo ang nananalaytay sa atin,kaya kung papatayin moko wag mo ng tangkain baka magsisi ka dahil d mo na makikita ang pamilya"dagdag nya humigpit ang hawak ko sa silencer at huminga ng malalim

"Tss"yan lang ang tanging naging sagot ko

Huminto sya at humarap sakin hindi ko alam pero nakita kong may luhang tumulo sa mata nya

"Kuya?"sh*t ba't nasasaktan ako

"Xandria...... pagpasensyahan mo sana ang daddy sa nagawa nya,d nya intensyon ang patayin ang kapatid mo pero nung mga oras na yun desperado na syang alamin kung nasan ang anak nya kaya sana patawarin mo sya"nakaramdam ako ng kirot sa puso ko bakit ganun nasasaktan ako para sakanya,nagulat ako ng yakapin ako ni kuya ng mahigpit

"Little sis im happy that our dad already found you...hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita ka,sorry kung may nasabi ako masama kanina sayo,sorry little sis"nangilid ang luha ko at niyakap dn pabalik si kuya

Napabitaw kami sa pagyakap ng may marinig kami na sunod sunod na putok ng baril..Rinig dn namin ang helicopter na syang pababa sa garden namin nabalot ako ng kaba hindi pwede

Mabilis ang naging takbo ko palabas ng mansyon,ni hindi ko nanga pinansin ang pagtawag sakin ni kuya,kelangan kong makita kung anong nangyayari sa labas kasi kung hindi ako nagkakamali sila Sir Matthew iyon... 

Saktong paglabas ko ay ang sunod sunod na pag putok ng baril dali dali akong pumunta sa direskyon ni daddy at mahigpit na niyakap sya..Napaliad ako ng tamaan ako ng dalawang bala sa likod 

"Anak" 

"Little sis" 

"Sweet heart" 

Hinanap ko ang nagmamay ari ng boses na yun ang lalaking mahal ko,nandito na sya,nakita ko ang pagtakbo nya papunta sa direksyon namin ni daddy si daddy naman kita ang pag aalala sa mga mata nya 

"D-d-daddy"mahinang tawag ko sakanya napapikit naman sya kita ko ang luhang dumadausdos sa mukha ni daddy mahina syang humikbi at niyakap ako 

"Xandria a-anak i-im sorry"ngumiti ako at kahit nang hihina ay hinawakan ko ang pisnge ni daddy,nakaramdam ako ng hapdi sa likod kong tinamaan ng bala 

Nakita ko sa gilid ang pawisang mukha ni Chander dahan dahan syang lumuhod sa tabi namin ni daddy 

"Sweet heart"ahh ba't ba ang sexy ng boses nya kapag tinatawag niya akong sweet heart 

"C-chander ang g-gwapo mo t-talaga"kahit na nahihirapan ay pilit akong nagsasalita 

"Shhh...Sweet heart wag ka ng magsalita muna ok?dadalhin kita sa hospital"tumulo ang luha ko ba't ba nararanasan ko ang mga ganito,bakit kelangan may umiyak,bakit kelangan may masaktan 

"I-im sorry C-chander"humihikbing sabi ko hinawakan nya naman ang pisnge ko at umiling 

"Hndi mo kasalanan ito sweet heart ok,wala kang kasalanan"napapikit ako at napaubo ng dugo 

Mukhang nataranta naman sila daddy at Chander dali dali akong binuhat ni daddy nakita ko naman sa gilid ko ang papalapit na si mommy habang nakatakip ang kamay sa bibig at umiiyak,arggh ayaw na ayaw ko ang umiiyak ang mga mahal ko sa buhay 

"Xandria my baby"mahinang tawag ni mommy ngumiti ako habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko 

"M-mommy"parang batang nagsusumbong sakanya hinawakan nya naman ang pisnge ko at mas umiyak sya lalo 

"Im sorry baby im sorry"umiling ako walang kasalanan si mommy dto naiintindihan ko sya kung ba't tinago niya ako kay daddy alam kong may dahilan sya at hihintayin kong sabihin niya iyon

"It's not your fault mom if i have my gun shot,d naman ikaw ang bumaril sakin"pagbibiro ko sinamaan naman nila ako ng tingin"What?"dagdag ko pa nagbuntong hininga naman si mommy ganun dn si daddy at chander 

"Kelangan na natin syang dalhin sa hospital masyado ng maraming dugo ang nabawas sakanya"sus parang mamamatay naman ako dto e 

"Anjan na daw ang ambulansya sa gate"sigaw ni kuya lumapit samin sila Sir Matthew ngumiti naman ako 

"Were sorry Xandria d namin nakita sino ang bumaril sainyo"wait hindi sila ang bumaril samin? 

"Huh e kapareho ng damit niyo ang suot ng babaeng yun hindi ko lang nakita dahil naka mask ito"kumunot ang noo ni Sir Matthew,may traydor sa grupo yan lang ang pwede maging sagot pero kung meron man sino? 

"Sorry kung may bumaril man sainyo na ka grupo namin,wag kayong mag alala aalamin po namin iyon"tumango sila daddy at mommy kita ko naman na lumapit na din si daddy frederick 

"Nakita ko ang babaeng iyon na lumabas agad ng mansyon pagtapos ng pamamaril nya kanila Xandria"tumingin si daddy sakin nginitian ko naman sya at ganun dn si daddy 

"Humihingi ulit ako ng pasensya Mr.Hudsman,Mr.And Mrs Perez sa ginawa ng aming kasamahan"tumango lang sila 

"Isakay niyo na si Xandria sa ambulansya"tumango si Daddy at binuhat na ako at Pinahiga sa stretcher 

Pinasok na nila ako sa ambulansya ,sumama dn sa pag pasok si Chander at si Kuya 

"Magiging ok din ang lahat little sis"tumango at ngumiti lang ako kay kuya tama sya magiging ok dn ang lahat 

Tumingin ako kay Chander na ngayon ay alalang alala sakin 

"I'll be fine sweet heart"malungkot syang ngumiti at hinalikan ako sa noo 

Pumikit na ang mata ko dala na din sa pagod na nararamdamn ko,nahanap ko na ang hustisya para kay Xarnaih,may naging daddy at kuya pako

My Possessive GirlfriendWhere stories live. Discover now