Prologue

363 5 0
                                    

"I-ikaw? Akalain mo nga naman oh? H-haha!" sabi ng lalakeng nakatingin sa babaeng maganda na nasa kanyang harapan.


"Ay? Ikaw yung tumulong sakin noon diba?" sagot naman ng babaeng nasa harap ng lalakeng gwapo.


"A-ah. Oo, ako nga i-iyon h-hehe" sagot ng lalake.


"Magkakilala kayo? Okay, di ako inform haha kidding" sabat naman ng babae na nasa gilid ng dalawa.


-----

Hindi lahat ng bagay na gusto natin ay nakukuha natin. Hindi sa lahat ng oras ay tayo lagi ang tama. May oras na masaya tayo ngunit maya-maya ay malungkot na naman tayo. Ang mood ng mga babae ay parang panahon, pabago-bago. Hindi lahat ng babaeng one of the boys ay malandi. Hindi lahat ng lalakeng one of the girls ay bakla. Di porke't mas gwapo siya sayo ay bakla na siya at hindi lahat ng babaeng nagsusuot ng maiikling short ay pokpok na.



Porke't ba one of the boys ka ay malandi kana? Hindi naman diba? Bakit lahat na lamang ng tao ang tingin sa mga babaeng malapit sa lalake ay malandi. Masarap kaya mapalapit sa mga lalake lalo na kapag alam mong sobra yung pagiging protektado nila sa iyo. Kapag may nang-away o gumulo sayo, nandiyan agad sila para umalalay at rumesbak para sayo.



Ang iniisip ng iba, yung mga kasama o nakakasama mong lalake ay mga naging ex mo, hindi nila alam ay yung mga kasama mo pala na lalake ay karamihan sa kanila ay puro pinsan mo at yung iba naman ay tropa ng mga pinsan mo na sumubok manligaw sayo pero ni-busted mo lang.



Ganyan naman halos lahat ang karamihan ngayon, mapanghusga kahit hindi pa nila alam ang istorya ng buhay mo. Huhusgahan ka base sa panlabas mong anyo at hindi sa kalooban. Unti-unti na ngang nababago ang ating mundo. Dahil nalalason na ang isip nang karamihan sa pagka-judgemental.



Aminin mo man o hindi, mas komportable tayo na kasama natin ang mga lalake. Dahil hindi sila maarte, hindi mapili sa kung anong kakainan. Hindi sila nagrereklamo na ang haggard na nila at mas hindi sila mawawala kapag alam nilang may problema ka sa kung ano mang bagay laong-lalo na sa lovelife mo.



----------

Updated. 71316.

When I Was Your GirlWhere stories live. Discover now