Gitara Story (OneShot)

5.2K 100 35
                                    

=+=+=+=+=

Binigyan ako ng pambili ng gitara ni ate. Pero anong nangyare? Waley. Nagastos ko.

Bye bye gitara... (TTnTT)

Kasi naman nagpunta kami ng SM ni TolcoDear. Si TaiTai yun, yung bestfriend ko. Tapos ayun, nagastos ko. Kasalanan ko din e. Bakit ba kasi ako nangyayang tumingin ng mga damit?

Sinubukan kong manghingi kay ate ng pambili pero waley. Ayaw na nya kong bigyan. E sa di ko naman sinasadya. Ang ganda lang talaga ng damit. At tsaka ang hirap din kaya sakin nun.

Damit?

Gitara?

Damit?

Gitara?

Tapos naisip ko...

'Ay damit na muna! Nasa harapan ko na e!'

Haaay, talagang ganyan. Nasa huli palagi ang pagsisisi. Basta sa susunod na bigyan ako ng pambili susugod na talaga ako sa bilihan ng gitara. I swear!   (*^*)\

Nasa reading center kami ngayon para sa training ng Tagimpan. Yun yung title ng school news paper. Nakapwesto kami sa may teacher's table habang ang ibang members nasa meeting table sa kabila. Bookshelves ang nagsisilbing harang sa dalawang table. Nagkukwentuhan kami ng may narinig akong tumutugtog.

Gitara?

Oo tama. May naggigitara sa kabilang table. Grabe, naalala ko na naman yung pambiling nagastos ko. Edi sana nakakapag-practice ako para maging kasing galing nung kung sino mang naggigitara.

"Ma'am sino yun? Fourth year na siguro yon no?"

Bigla kasi akong na-curious kaya ko natanong sa teacher-in-charge samin.

"Ano yon Tep?"

Ay, hindi man pala ako narinig? Di bale na nga. Ako na lang titingin.

"Time first, ma'am."

Nagpaalam saglit ako. Pumunta ako sa may bookshelves at ibinuka ang mga libro para matignan kung sino yung naggigitara.

(0u0)

Ang liit ng naggigitara! First year high school palang ata?!

"Waaaaaaaaaaah~ ang cute mo naman!"

Hindi ko napigilang mapasigaw. Nakakabilib naman kasi e. Di hamak na mas magaling sya sakin e third year high school nako. Tapos ang cute nya talaga!

(*u*)

Nagpunta ako sa meeting table tsaka ko sya nilapitan at kinurot sa magkabilang pisngi!

"Kyiiiiiiiiiih... Ang cute cute cute mo! Mukha kang baby!"

Nakakagigil sya. Hahahaha. Tapos nagulat ata sya sakin kaya mas lalong nakakatuwa ang mukha nya ngayon.

Tawanan tuloy sa loob ng reading center...

Nalaman kong sya si Ericson at isa sya sa mga editoryal cartoonist ng grupo. First year high school pa nga lang sya kaya siguro parang mahiyain pa. Hindi tulad naming matagal na sa school, mga kapalmuks. hihihi~

Kasali naman ako sa Radio broadcasting at dahil dun madalas kong nakikita si Ericson. Lagi akong nagre-request sa kanyang tumugtog ng kahit anong kanta. Yiiiiiiiih, ang cute nya talaga lalo na pagtumawa ng tipid.

"Hehe."

Parang text message lang. Tapos yung mata nya ang liliit din kapag nakangiti. Mas maliit pa sa butas ng alikansya.

"Maggitara ka na ulit, Ericson-bibi."

Oo. Ericson-bibi naging tawag ko sa kanya dahil para talaga syang baby. Hahahahaa...

Gitara Story (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon