02 - The Ghost of Palma Hall

66 2 2
                                    

"I fully believe in ghosts. I have, my entire life. The first house I ever lived in was haunted. There was a grave of a man in the backyard. I was just a baby then, but my parents would tell me that every night, at the same time, they would hear someone walking up the stairs." — Meaghan Rath

"Grabe ka, Celine! Totoo ba 'yan?!" tanong ni Daisy sa akin after our Anthro class

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Grabe ka, Celine! Totoo ba 'yan?!" tanong ni Daisy sa akin after our Anthro class.

Pauwi na kami noon sa dorm. Naglalakad kami sa Roces Street na hindi naman masyadong madilim since may mga lamp posts naman. May ilang mga estudyante rin na nakakasalubong saka nakakasabay namin.

Pero dahil sa experience ko na makita 'yung multo sa classroom namin, parang naging napaka-eerie ng paligid na dinadaanan namin.

"Totoo!" sagot ko. "Nakita ko talaga siya doon sa likod, doon sa sulok ng classroom natin kanina!"

Pero sa tingin ko sa mga mata ni Daisy, parang mas kinikilabutan pa siya kesa sa akin. "Baka naman nagha-hallucinate ka lang!" sabi niya. "Baka malikmata lang 'yan!"

Umiling ako. "Girl, nakakita na ako dati ng multo! Kaya alam ko na totoong multo 'yung nakita ko sa classroom!"

Napahawak siya sa dibdib niya, tapos bumuntung-huminga pa siya nang ilang beses.

Napailing ako. Naisip ko, kung makaarte ang lukaret kong kaibigan, napaka-over talaga. Akala mo siya 'yung nakakita ng multo. Akala mo aatakihin sa puso. "Oh my gosh! Totoo na 'to. Akala ko pa naman urban legends lang 'yung mga multo sa UP Campus. Oh my gosh!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Maka-oh my gosh ka naman d'yan. 'Di ba ikaw 'yung kwento nang kwento kanina tungkol sa mga multo dito sa campus?"

Tiningnan niya ako nang seryoso. "Pero, Celine... Ask ko lang ha... Ano bang itsura nu'ng multo kanina sa classroom?"

Napaisip ako. Pinilit kong alalahanin 'yung itsura nu'ng multo. "Malabo siya," sabi ko pamaya-maya. "Parang usok pero hindi. Gumagalaw-galaw siya na parang ripples ng tubig kapag nahahanginan..."

Sumimangot si Daisy. "Ano ka ba, Sis?! Alam ko na 'yan, 'di ba?! Ilang beses mo nang sinabi 'yan! 'Yan din 'yung description mo sa ghost ng daddy mo, 'di ba?! Wala na bang ibang details?!"

Tiningnan ko siya nang masama. "Ano ka ba, Sis?" sabi ko, halos pabulong. "Hinaan mo nga 'yang boses mo. Pinagtitinginan na tayo, oh..."

Lumingon siya sa paligid. Totoo naman 'yung sinabi ko. Tinitingnan na talaga kami nu'ng mga kasabay namin sa paglalakad. Nagtataka siguro kung bakit semi-hysterical siya. Pati nga 'yung ilang nakasalubong namin, nagulat sa kanya.

Hininaan niya na nga lang 'yung boses niya. "Ano nga, Celine? Anong itsura nu'ng ghost? May damit ba siya? Naka-barong ba? May sapatos ba?"

Medyo napangiti ako sa mga tanong niya na 'yon. Napailing din ako. Sino ba naman kasi ang nakakita na ng multo, tapos napansin pa 'yung itsura nu'ng suot ng multo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ligaw: The Ghost of UP CampusWhere stories live. Discover now