Tatlumpu't isa

86 5 0
                                    

Hindi masama ang maging single. At the age of twenty-eight hindi naman ako nagmamadali. Kung tutuusin ay pwede naman akong mag-boyfriend kung gusto ko. Kaso matapos ang isang taon. Hindi ko pa rin masabi na handa na ako. Masiyado kong naeenjoy ngayon ang sarili ko. Mas nakikilala ko ito.

Malungkot? Hindi. May mga bagay naman kasing nangyayari na tatanggapin mo na lang eh. Kahit masakit sa una. Pero sa huli mare-realize mo na it happens for a reason. Kahit minsan hindi mo alam ang dahilan pero kailangan mo pa ring magpatuloy.

Sa loob ng isang taon hindi ko naman naramdaman na mag-isa ako. Nandiyan ang pamilya ko para sa akin. Ang mga kapatid ko na kahit may kaniya-kaniya na kaming mga buhay ay laging may oras para sa bonding namin. I can say that I am happy. Wala lang siguro 'yung kilig.

"Sabi ni Marga papunta palang din daw sila. So..." Pambibitin nito sa sinasabi niya.

"So?" Taas kilay kong tanong dito.

"So... ano. Pakisuot 'yung seatbelt madam. Tas smile ka. Aga aga sungit sungit mo na naman." Pang-iinis nito.

Lalo ko lang siyang sinimangutan. "Daan tayong Starbucks. Bili tayong hibiscus tea." Sambit ko at sumandal ng maayos.

He started driving at hindi na ako kinulit pa. Sa loob ng isang taon na magkasama kami madalas ay nakabisado na niya ang ugali ko.

"Okay ka na?" Ngiti nito matapos kong makainom ng binili naming HT.

"Yeah. Sorry. Puyat eh. Tapos ang aga pa nating bumyahe. Kung hindi ko lang mahal si Lola Lupe hindi talaga ako pupunta." Sabi ko dito.

Birthday kasi ni Lola Lupe bukas pero pupunta na kami ngayon dahil nung isang linggo pa ako kinukulit ng matanda na makasama. Halos buwan buwan naman kaming nagpupunta doon pero lagi pa rin akong miss ni Lola. Nakakataba rin ng puso na kahit hindi kami nagkatuluyan ng apo niya ay minahal nila ako na parang totoong kapamilya. Lalo na ng mga apo niyang babae. 'Pag pupunta ko ng orphanage ay sumasama sa'kin sina Marga and the rest of the gang. Isang tunay na kapamilya ang turing nila sa akin. Kaya hindi ko rin masabi na nagsisisi ako na nakilala ko si Charles dahil may magandang nangyari kahit hindi pa kami nagkatuluyan.

"Tulog ka lang kung gusto mo." Ani ng katabi ko habang seryosong nagmamaneho.

"Ayaw. Baka bigla mo nalang akong iligaw eh." Tawa ko dito.

"Hala siya. Asa ka alam mo 'yun." Ngisi niya.

"Wow ha. Ako pa asa? Sino kaya 'yung 'pag nalalasing isa lang lagi ang linya." Tumagilid ako ng upo. "Sweet wala ba talaga? Gano'n lagi ang line mo. Ibahin mo naman minsan Josh." Tawa ko dito.

"Lasing lang ako no'n." Depensa niya.

"Tatlong tao na nagsasabi ng totoo. Una, 'pag galit. Pangalawa, 'pag lasing. Pangatlo, ang mga bata." Ngisi ko dito. "Don't me Josh. Patay na patay ka lang talaga sa'kin. Kasi kung hindi. Hindi ka naman magtitiis na samahan ako sa loob ng one year eh." Niyakap ko ang unan na nasa lap ko.

"Pero lagi pa rin akong friendzone." Tawa niya ng pagak.

"I told you my reason and made things clear to you already. Pero honestly, you're one of the most important person in my life right now. Kasi kung hindi. Hindi tayo magkasama lagi. Kahit napaka-bully mo madalas." Hampas ko sa braso niya.

"Ayos na eh. Mapanakit lang talaga. Bilihan nga kita ng isang galong HT. Iba epekto sa'yo eh." Ngiti niya.

"Baliw ka." Umayos ako ng upo. "Pero seriously. Thank you ha. Hindi ko man nasasabi sa'yo lagi. Pero thank you. Lalo na sa mga araw na baliw baliw ako at nakikinig ka lang sa mga kabaliwan ko. Sa mga araw na dapat nambabae ka na pero mas pinipili mo pa ring makipag-usap sa'kin kahit wala naman tayong topic talaga. Kung wala ka do'n baka may jowa na kong bago ngayon." Tumawa ako. "Biro lang. Siguro kung wala ka... hindi ko alam kung ano ng nangyari sa'kin. Kaya salamat talaga Joshua." Lumapit ako dito at tila niyakap siya.

"Tigil ka sa gasolinahan gutom na ko eh." Kurot ko sa braso nito.

"Kaya pala ang seryoso gutom na. Ayos na eh. Kikiligin na sana ako kaso kinurot mo pa 'ko. Ang sakit Twit ang tsaket tsaket." Pag-iinarte nito.

Hinampas ko ang braso niya. "Umayos ka nga. Nagdadrive ka po oh."

Kinindatan niya ako at saka ngumisi. Tumigil kami sa gasolinahan na nadaanan namin at kumain sandali. Nagtake-out kami ng ilan para may makain kami sa mahabang biyahe.

"Gusto mo bang ako muna magdrive?" Tanong ko dito nang makasakay na kami sa kotse niya.

"Nah. Teka lang. May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit. Bakit parang ang bait bait mo ngayon? Iba talaga epekto ng HT sa'yo." Pang-iinis niya.

"Lubusin mo na. Kasi alam mo mamaya hindi na talaga kita papansinin. Pangit nito." Irap ko sa kaniya.

"Awww. Tampo naman ang Madam Twit. Lika nga dito? Hug muna bago drive." Aniya habang nakapout.

"Suya. Umayos ka nga. Lakas na naman trip mo." Hampas ko dito matapos niya akong biglang hatakin para mayakap.

"Bakit ang tamis lagi ng amoy mo? Pinapanindigan mo ba talaga ang pangalan mo?" Tawa nito habang naghahanda na muling magmaneho.

"Hindi ka lang sanay sa mabango. Ang baho mo kasi lagi. 'Diba nga Joshua bantot ka?" Pang-iinis ko.

"Kaya pala paborito mo 'yung kili-kili ko laging amuyin. Pss." Simangot niya.

"Hoy! Anong paborito! Ang dami-dami kayang buhok ng kili-kili mo." Tumagilid ako ng upo para maharap siya.

"Pero mabango 'diba? Lagi mong inaamoy 'pag magkasama tayo. Saka ang puti 'diba?" Tumawa siya ng malakas. "Then sabi mo one time nung nalasing ka. Love love mo ang kili-kili ko. Ang tamis tamis naman ni Madam Twit." He giggles like a child.

"Tse. Lasing lang ako no'n." Irap ko dito.

"Tatlong tao ang nagsasabi ng totoo." Tawa niya.

"Whatever. Focus on the road. Don't talk to me. Pangit mo. Hindi tayo bati." Humalukipkip ako sa pwesto ko.

Tumawa lang siya ng malakas. "Pikon talaga kahit kailan."

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now