Chapter 56 " Call "

20.7K 516 12
                                    






Lyan POV



Kakatapos lang ng photoshoot namin. Para raw kasi yon sa upcoming concert, nag retake at reshoot kami ng teasers and photos. Nakita ko si kirk na nasa tabi lang, nakatalikod at busy sa cellphone niya.



Lumapit ako sa kaniya, niyakap ko siya from behind. Wth? Okay tanggap ko na ako na sweet kahit hindi kami. Hindi siya lumingon pero pumunta ako sa harapan niya, offered him mogu-mogu.



Eh iyon yung stock naming dito eh, alam niyo naman na favorite naming KyooB ang mogu-mogu drink.



"salamat" sabi niya at ngumiti. Nako naman, ngiti pa nga lang niya, kinikilig na ako.



"parang busy ka ata ah?"



"uhm. Katext ko kasi si Abbizyl, she wants to meet me"



Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. okay, Abbi again. Wala naman talaga akong laban sa babaeng yun eh.



"ah, mabuti naman."



"you want to go with me?"



"ha? Nako, wag na. baka maka istorbo lang ako"



"no, gusto kitang isama. Wala naman kasi akong kasama papunta, please?"



Hindi ko alam kung papaya ba ako or hindi, pero naman alam kong masasaktan lang ako pag isasama niya ako sa kanila ni Abbi. Gusto niya ba talagang ipamukha sa akin na mas mahal niya yung babaeng yun?!



"sige" pero well, dahil mahal ko ang lalaking to, kahit masakit, susuportahan ko na nga lang siya.



Nagpaalam kami kina Manager and she said okay, mag-ingat daw kami. Tapos dumiretso na kami sa sasakyan niya. hindi naman masyado malayo yung pupuntahan naming kasi after 20 minutes, dumating na din kami sa place.



"tara" sabi pa ni kirk at niyaya ako papasok sa isang parang malaking hotel. Sumunod naman ako kay Kirk, so bale mas nauna talaga siyang naglakad. Diba dapat hawakan niya yung kamay ko? Or yung waist ko? Sus. Lalaking to talaga, di gentleman.

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon