18

2.8K 53 3
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

18

 

 

 

 

Today’s events led me to go out this night and seek for fun.

Nakita ko na lamang ang sarili ko sa isang maingay at siksikan na bar. Nagpapasalamat ako sa lakas ng tugtog sa lugar na ito dahil pansamantalang hindi ko marinig ang sarili kong utak.

Ang utak ko na puro si Nixie lamang ang iniisip.

Si Nixie na siyang kinapootan ko at kinamuhian ng husto halos buong buhay ko. Alam kong masama ang magtanim ng galit at ipunin ang sakit, ngunit minsan, natatalo ng emosyon ang isip.

Tinungga ko hanggang sa maubos ang alak na hawak ko. Ibinaksak ko ang walang lamang bote sa mesa na parang wala lang. Parang sinasabi ko na sanay ako sa ganito, na ginagawa ko itong pag-inom bilang pampalipas oras...na kung sino mang makakita na naglalasing ako, hindi aakalain na may pinagdadaanan ako.

Kung ang malakas na musika ay ang sagot sa pagpapatigil ng maingay kong utak, ang alak naman ang sagot sa pagpapatigil sa makulit kong damdamin.

Isa pa uling bote. At isa pa, at isa pa. Hanggang sa maka-anim na ako.

Putang ina. Ngayon lang ako nalasing ng ganito. Kahit saan ko idako ang paningin ko, umiikot ito. Ang dilim at ang iba’t ibang kulay ng ilaw ay naghahalo-halo sa aking mga mata na mas lalong nagpapahilo sa akin.

Nakaramdam ako na masusuka ako.

I got up from my seat and zigzagged papuntang parking lot. I need fresh air and it might help.

Kasalanan ito lahat ng babaeng iyon. Kung bakit ba siya bumalik pa. Bakit niya ba kailangang gawin pa yung mga naisip niyang gawin? Akala niya ba nakatulong ang mga iyon upang malimutan ko ang sakit ng nakaraan?

Mas lalo niya lang pinamukha na after all these years, naaapektuhan niya pa rin ako. Putang inang yan.

Mas lalong umikot ang paningin ko at napahawak ako sa pader. Darwyn, ayusin mo ang sarili mo!

Nang biglang may humawak sa aking babae.

“Okay ka lang?” The girl asked me. Hindi ko ‘to sinagot bagkus ay bigla ko itong hinila palapit sa akin at siniil ng halik ang mga labi nito. Naramdaman ko namang nagpupumiglas ito hanggang sa nakawala ang isa nitong braso at sinampal ako ng malakas sa mukha!

“Who do you think you are?! Perv!” Singhal nito sa akin. Nginitian ko naman ito na parang tanga.

“Who am I? I am THE Darwyn Easton, you bitch!” Pang-aalipusta ko sa babae. Nanlaki naman ang mga mata nito.

“Oh my god,” Humawak ang babae sa akin na may hapit na hapit na kasuotan. Halos lumuwa na ang boobs nito at hindi ko alam kung maganda ba talaga ‘to dahil madami na akong nainom. Pero kinukulit ako ng utak ko na pwede na yan!

Dinakma ko ang isa nitong hita at pinadulas ang aking kamay sa hita nito. Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo sa hita ng babae. Napakaikli ng suot nitong palda kaya naman mabilis nakapunta ang kamay ko sa pagkababae nito. Nginitian ko ang babae at sinuklian ako ng seductive nitong ngiti.

Taking Revenge On Nixie Oletha (Completed)Where stories live. Discover now