Chapter I

17 1 0
                                    

"JASMINE!"

Isang malakas na kalabog sa pinto ng aking kwarto ang nagpukaw sa 'kin.

Ilang minuto akong tumitig sa kisame, hinihintay na bumalik ang huwisyo ko.

What the hell is happening? Is it morning already? Kakatulog ko lang ah?

I squinted at nag-inat. Why is Mom shouting again?

God, what time is it?

Ibinaling ko ang mga mata sa berdeng alarm clock sa bedside table. 7:46 am.

Jesus Christ!

Napabalikwas ako ng bangon.

Seven freaking forty-six!

I ran into the bathroom and took a bath in a flash. Afterwards, nagbihis ako,  nagligpit ng mga gamit, at dinampot ang ID ko mula sa dresser.

I did not bother putting on my daily make-up nor put on a bit of lotion for the day dahil male-late na talaga ako. Diyos ko naman! I had this planned out last night! Kung bakit pa kasi nanood pa ako ng Black Mirror sa Netflix eh.

Dinampot ko ang suklay at sling bag  at lumabas na ng kwarto.

"Ma!" Sigaw ko, nagmamadaling sinusuklay ang buhok habang pababa ng hagdanan.

"Jasmine!" Hindi pa man ako nakakarating sa baba, akaabang na si Mama sa paanan ng hagdanan, nakapamaiwang at may dalang spatula.

"Ma, I'm going." Saad ko. Nilagpasan ko siya at dumiretso sa kitchen. Binuksan ko ang Ref at kumuha ng mansanas.

"Aren't you going to eat?" Her brows furrowed, nakatingin sa mansanas ko.

"No." I said while stuffing the fruit in my bag. Lumabas ako ng kitchen.

I took my Chucks from the shoe rack and slipped on my socks. Habang ginagawa ko naman ito, panay naman ang lagay ni mama ng pagkain sa aking sling bag.

"Ma!" I grumbled.

"Don't Ma me! Kung maaga ka lang sanang gumising eh 'di sana hindi na kita kukulitin sa almusal mo."

I grumbled again. Mom sighed.

"Di ba sabi ko i-set mo ang alarm clock mo kagabi?" Pang-uusisa niya.

"I did." Anas ko. "But for some reason it didn't ring like it's supposed to!" I stood up, checked my shoes, and then faced Mom.

"I told you to buy batteries for it!"

"Ma!" Napapadyak ako sa sahig. The last thing I need is my Mom rubbing me off sa katangahan ko. "I'm going!"

"Jasmine, hindi ka aalis hangga't hindi ka kumakain." She threatened.

I grunted. I grabbed a handful of the sliced apples and took a box of banana milk from the fridge. "Fine, see? I'll eat this on the way."

"What kind of food is that!?"

"Ma, I really have to go. Male-late na ako eh." I kissed her cheek. "Bye."

Wala na siyang nagawa nang kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay.

I took huge and fast steps para lang marating ang eskinita kung saan ako mag-aabang ng jeep. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. I kept reminding myself to change that damned alarm clock's batteries the whole summer. Nagpasukan na lang at hindi ko nagawa.

God Jas... so freaking irresponsible!

Tumingin ako sa aking wristwatch. It's 8:00 am. I have classes at 8:30 am, and for God's sake, it's a major subject. I can't afford to be late lalo pa't instructor ko si Prof. Agustin, ang pinaka-terror sa lahat ng instructors ng University! I need to make a good impression!

How to Pull a Heart StringWhere stories live. Discover now