⌗ 13 / narration

669 42 13
                                    

MINA LEE.

ang aga kong nagising dahil dun sa practice namin para sa isang competition tuwing summer sa produce x high. every year kaming sumasali dun at dahil nga senior na kami ngayong taon, gustong-gusto talaga ng group namin na manalo.

may chance naman talaga kaming manalo lalo na at si chaeyeon ang gumagawa ng choreo namin. ang kaso, magaling din kasi 'yung kabilang grupo, 'yung grupo nila yohan. sila din kasi 'yung champion last year.

" ang aga kong dumating para sainyo oh. " 'yan ang agad na bungad ni hitomi pagkadating niya dito ─ kahit na isang oras na siyang late.

" talaga lang ha? " sagot ni yujin ng marinig nito ang sinabi ni hitomi.

tumawa na lamang si hitomi sa naging reaksyon ni yujin sakanyang sinabi. ngayon ay kumpleto na kami. si hitomi lang talaga kasi ang laging late dumating.

" girls! simulan natin dun sa pinaka unang part, 'yung sa intro ng kanta. " pagiinstruct ni chaeyeon saamin. agad naman kaming sumunod sa instructions niya, mahirap na baka mastress si leader.

dalawang songs ang ipeperform namin actually. mashup siya ng la vie en rose at violeta, akala ko nga nung una ay mahirap pero okay naman at nagmamatch 'yung steps namin sa song. (check the multimedia for the song, credits to the owner!)

nakailang ulit din kami ng kanta dahil medyo nagkakamali 'yung iba saamin. agad rin namang naayos 'yung ibang mali.

pagkatapos ng pangatlong ulit ng kanta ay dumating na 'yung boys. agad na nagsign sila sakura na 'wag napang silang pansinin dahil mukhang mangaasar nanaman ang mga 'yon. sila pa ba? tsk.

nag-form kami ng circle para pagusapan pa ang mga kailangang ayusin at ang iba pang suggestions. nakabili na kasi kami ng costume para dito last week. ginawa nga akong taga-buhat ng mga babaitang ito.

nagulat ako ng magplay ang napakalas na music. at kanino pa ba galing yun? siyempre sa kabilang grupo.

" girls, water break kaya muna tayo for 15 minutes? siguro naman tapos na 'yang mga 'yan mamaya. napakalakas ng music nila oh. " suggestion ni minju.

" agree ako kay minju! " masayang sabi ni chaewon.

" sige, water break muna tayo for 15 minutes. " pagpayag ni chaeyeon sa suggestion ni minju.

nagsitayuan kami at isa-isang lumabas ng covered court. medyo nahuli nga lang ako kasi kinuha ko pa 'yung mga gamit ko.

" yena! mauna na kayo nila yuri, susunod nalang ako! " nag-thumbs up na lang sila at saka umalis. hindi rin nagtagal at lumabas na din ako ng court para makahabol kila yena.

dederetso na sana ako papunta sa isang malapit na convenience store na pinuntahan nila yena ng makita ko si yohan sa labas ng court. hindi pala niya kasama yung ibang boys sa loob?

he's currently staring at his phone blankly, bakit naman kaya? hindi ko alam kung bakit pero unti-unti akong lumapit sakanya. i know i should refrain myself from seeing him. i know i should stop. pero bakit tumutuloy pa rin ako?

" yohan. " i silenty called him. lumingon siya at tila nagulat sa nakita niya. nang hindi siya sumagot ay pinagpatuloy ko na ang aking sasabihin. " can we talk? "

" bakit naman? "

" m-may gusto lang akong pagusapan. " kabado at mahina kong saad.

naglakad siya papunta sa gilid at umupo sa grass. sinundan ko siya at umupo din. " hmm? ano naman? " saad niya ng 'di lumilingon sa'kin.

" ayaw mo na ba talaga? "

" anong ibig mong sabihin? " this time ay lumingon na siya saakin, confusion evident over his features.

" should we give it a try, again? for sixty days? "

𝗌𝗂𝗑𝗍𝗒 𝖽𝖺𝗒𝗌. 𝖞𝖔𝖍𝖆𝖓Where stories live. Discover now