Previous Page of 2Next Page

HIS HIRED BABY MAKER (Completed)

Dedicated to
veanya
spinner.gif

 

 

 

 

 

 

 

 

                                                            EPILOGUE

 

CHACE felt Shaldrin’s presence as the bed heavied at his side. Pumihit siya paharap dito at niyakap ang asawa.

Yes, they are already married. Almost one year na at hindi lang iyon, magkakaanak na rin sila.

“Chace….” she called in her husky voice.

“No, misis. Konting tiis na lang”, hindi pa man nasasabi ni Shaldrin ang nais ay inunahan niya na ito.

“Porque malaki na ang tiyan ko, ayaw mo na sa’kin! Hmp! Du’n ka na nga kay Lorraine tsaka sa mga babae mong sexy!” tinulak pa nito ang braso niya.

Heto na naman sila. Pag-aawayan na naman nila ang nais ipilit nito. Hindi niya naman mapagbigyan dahil natatakot siya. Malaki na ang tiyan nitong more than seven months na. And for the the record in his life, he fears sex.

“Misis naman, pag-aawayan na naman natin ‘to?”

Ang kailangan niya kasi ngayon ay ang intindihin ang asawa, hindi ang pagbigyan. Ayaw niya talaga. Tiis tiis din.

“Hmp!” asar na tinalikuran siya ni Shaldrin.

Napabuntong hininga na lang siya.

Ang totoo ay ayos na sina Shaldrin at Lorraine. Katunayan ay dumalo pa nga si Lorraine noong kasal nila. Sa wakas ay nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ni Lorraine ang asawa niya at pormal na humingi ng tawad sa nangyari noon. And knowing Shaldrin, yeah, she forgave but can’t forget what happened. Though alam niyang hindi nito isinisisi kay Lorraine ang lahat. But hey, they are all moving on from that incident.

Ipinulupot niya ang braso sa bewang ng asawa at inumpisahang suyuin na naman ito.

“I love you, babe”, bulong niya sa tenga nito at hinalikan ito sa gilid ng leeg.

“Tse! H’wag mo ‘kong kausapin, tulog ako”, pagtataray pa nito.

Hindi niya napigilang mapangiti. Ibang klase talaga ang asawa niya.

“Few months na lang, o. Kaunting tiis na lang, babe. Babawi ako, promise”, pangako niya sa asawa. Hell, kung hindi lang ito buntis ay hindi na nito kailangang mamilit pa, eh.

“Tsk. Labas na kasi kayo babies.” Natawa siya nang kausapin nito ang sariling tiyan.

“Oo nga pala, bukas na, di ba? Baby lang muna. Next time na ang kambal”, kontra niya sa sinabi ng asawa.

Bukas na kasi ang schedule nila sa OB ni Shaldrin. Bukas pa lang nila malalaman kung ilan at ano ang kasarian ng magiging anak nila. May pa-suspense, ika nga nila.

“Ehh! Gusto ko kambal agad! Parang kayo ni Nate. Cute n’yo kaya”, kontra rin nito sa kanya. Nasa lahi kasi ng pamilya niya ang kambal kaya hindi nila mapigilan ni Shaldrin ang umasa na magkaka-kambal sila. Nga lang, magkaiba sila ng kasariang gusto.

“But I want twin girls after a boy. So baby, be a boy muna, ha?” hinimas pa niya ang tiyan ng asawa.

Ang gusto niya kasi, panganay na lalaki at kambal na babae ang sumunod. Habang ang asawa niya naman, kambal na lalaki agad ang gusto.

“Ah, basta! I want twin boys! Babies, be boys, ha?” at hindi talaga kalianman magpapatalo ang misis niya.

He just chuckled at her wife’s forever competitiveness. He kissed and hugged her. “We’ll see, misis. We’ll see.”

 

 

 

“READY na ba kayong malaman?” tanong ng babaeng doctor sa kanila, si Dr. Pens. Syempre, siya ang nag-asikaso kaya dapat lang na babae ang kumukonsulta sa asawa niya.

“Wait, doc. Okay.”

Pareho silang natawang nagkatinginan ni Dr. Pens sa isinagot ni Shaldrin. Kunwari pang nag-isip pero agad din naman ang sagot. Ibang klase talaga.

Hinawakan niya na ang kamay ng asawa na nakahiga sa maternity stretcher habang nakalingon sa monitor ng ultrasound.

“Nakikita ninyo ito?” turo ni Dr. Pens sa hugis mamilog sa screen ng monitor. Pareho silang walang alam ni Shaldrin sa ganoon kaya napatango na lang silang pareho. “Iyan ang ulo ni baby girl.”

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (812)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

EPILOGUE

Cast

Kim Jaejoongas Chace Daniel Fontillejo
Jessica Jungas Shaldrin Zamoure

Who's Reading

Recommended