Wondering.

24 1 0
                                    

I woke up early not because of my alarm pero dahil kay Ishen Grrr umagang umaga ba naman kumakatok na sa Pintuan ko!! Kala mo naman di kami nag kita ng ilang taon. At ang malala pa dun pinakain na pala ni Mama yung kupal na yun kaya nasasanay dito sa bahay eh!

"Hoy Ishen! ano nanaman at ang aga aga eh nandito ka na sa Bahay??" Alas singko palang potek nangigil kong tanong.

"Wala bro na miss lang kita." nakangiti niyang sagot habang kumakain ng Pancake na gawa ni Mama para sakin hays.

"Takte naman mag kasama tayo kahapon oh. Sabado lang ngayon jusmiyo. Baka gusto mo dito ka na tumira? Sabihin mo lang nahiya ka pa e pa bigay mo sakin Credit card mo ako na din mag bibigay ng allowance mo bwesit ka!" sigaw kong sabi sa kanya.

"Easy bro, Gusto ko lang naman na makasama ka dahil aalis na ako bukas." nabubulunan niyang sambit.

"Wtf? san ka pupunta?" naguguluhan kong tanong. San kaya punta netong kupal na to e di naman pinapayagan to gumala. hmm

"Pupunta ako sa loob ng pwet mong may lotion" nang ga-gago niyang sabi skaen.

Binato ko siya ng Kutsara at ang kupal tumakbo palabas ng kusina. Bwesit pinapatakbo ako e sayang energy ko mamaya sa Gig punyeta. Kaya naman nahablot ko tong cellphone niya na Iphone X na kakabili niya lamang akmang babasagin ko na ng makita kong hawak niya ang gitara ko! Fuck not my precious Axel!!

"Hey Ishen!! Don't touch my precious Axel!!" Sigaw ko sa kanya tangenaa kamay pa naman netong Ishen na to parang si Namjoon ng BTS.

"Nahh di ko bibigay tong Precious Axel mo hanggang di mo binibigay yung precious phone ko."

"Pota" sigaw ko!! Kaya naman naramdaman kong binato ako ni Mama ng Walis tambo sa likuran ko.

"Kailan ka natutong mag mura!?"
sigaw ni Mama sakin.

"Kay Ishen ko po natutunan yan. Tsaka po Ayaw ibigay ni Ishen si Axel ma!! Pag yan nagasgasan papakain ko tong Iphone X niya kay Minchi sa labas!" sigaw ko pabalik kay mama habang patuloy na hinahabol si Ishen dahil hawak niya parin si Axel my precious Guitar.

"WAH!! WAG MONG IPAKAIN KAY MINCHIN SUNGIT YANG IPHONE X KO!!" sigaw din ni Ishen sakin.

"Fuck!!" sigaw ko ng Makita kong di na nakatingin si Ishen sa dinadaanan niya " Ish mapapatid ka na punyeta ka!" Sigaw ko sa kanya!!

"Waaaaaahhhh!!!" Napatid si Ish at umiiyak dahil sa saket .

habang ako naman kinikiss si Axel dahil nasalo ko bago mapatid si Ishen. Buti nga sayong kupal ka! Si Axel pa kukunin mo eh mahalaga to saken hayp ka!! sigaw ko sa kanya.

" Mas mahal mo pa yang Si Axel kaysa saken pota" natatawa at naiiyak niyang tugon.

"Syempre naman kung dahil di sa kanya edi di kita nakilalang kupal ka!! Yieeee kabaklaan mo Ishen Samuel lumalabas easy bro" natatawang sambit ko sa kanya ng Ngumisi siya sakin.

"Bwesit ka kahit kailan Acii Xazxo!!" akala mo di ko alam na may crush ka kay Alyana!! Hahaha akala mo di ako madaldal? at bukas alam na ni Alyana na may crush ka sa kanya?? Well congrats bro may bad news ako sayo. May Boyfriend na si Alyana" HAHAHHAHAHA natatawa niyang sabi.

Habang ako naman dito naka simangot at nag dadalawang isip kong Papatayin ko ba to mamaya O papaalisin nalang kasi kawawa naman tong Ishen na to.

"HAYOP KA TALAGA ISHEN!! WAG KA NG BABALIK NG BAHAY HA! IPAPABANNED KITA DITO SA SUBDIVISION BWESIT KA!! YOU RUINED MY MOOD!!" sigaw ko sa kanya habang siya tawang tawa lang sa sinabi niya pota.

"WELL SORRY NOT SORRY BRO BUT TOTOO YUN MAY BOYFRIEND NA SI ALYANA" seryoso niyang sabi saken.

"Sino daw" tanong ko

"Si Brent Argel" walang alinlangan niyang sabi sakin.

"Well pogi at mayaman si Brent kaya di na ako magkakamali kung magkakagusto sa kanya si Alyana." sabi ko sa kanya

"Bro alam mo bang may nag kaka gusto sayo?"

"Wtf? Ishen! Sino nanaman yan?? Si Kurikong? Bwesit ka!" sigaw ko sa kanya habang siya naman tumatawa hawak tyan bwesit.

"Si Dianne."

"W-what?" tanong ko bwesit to.

"Oo mga bro kalat na kalat na sa buong room. Bingi ka ba bro?"

"Dafuck. N-No way!!"

"Oo nga bro!! tanungin mo pa kila Crescent!!"

"Ok" sabi ko nalang

"Ayiiiiiieeeee pogi naman ng Acii Xazxo ko" sigaw ni Mama

"Tangena sabi ko na e narinig ni Mama" kunot noo kong sabi kay Ishen.

"Bro minsan lang may mag kaka crush sayo. Once in a blue moon lang."

"Bwesit ka kala mo pogi kang kurimaw ka!" well not gonna lie pogi naman si Ishen dahil may lahing Korean pero bwesit lang talaga siya kaya natatawag ko siyang Kurimaw.

"Ayiiiiieeee Saranghae Hyungg!!"

sabi niya sakin habang gumawa ng heart gamit braso niya eww so grooosss!!

"Kekeke ligo lang ako saglit Ish dun ka muna sa sala" Sigaw ko sa kanya.

G i t a r a Where stories live. Discover now